Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at inignora siya kahit na sobrang kaba ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung bakit. "Diamond." Bahagya akong napaigtad nang maramdaman ko ang mainit niyang palad sa braso ko. Napalingon ako sakanya at nakita kong nasa likod ko na pala siya. "What do you want ba?" Singhal ko sabay hawi sa kamay niya. "You, Diamond. It's been two years at alam mo bang miss na miss na kita." Nakatitig lamang ako sakanya habang seryoso siya sa pagsasalita. "Masyado akong naging busy sa paglilipat ng Zamora Corporation at ilang properties namin na galing sa Ybaniez kaya hindi kita napuntahan, but I am always watching you and even Investigated you at nalaman ko na sa Celestine University ka nag-aaral. That's my new property, you know." Hindi ako nakapagsalita