"Duty daw tayo sa ospital ngayon, Diamond." Buntong hininga na sabi ni Josie kaya mula sa pagkakatungo sa phone ko ay nag-angat ako ng tingin sakanya. "Ha? Bakit daw? Akala ko nextweek pa?" "Ewan." Kibit balikat niya saka buntong hininga ulit. Takha ko siyang tinignan at hinila paupo sa tabi ko. "Bakit?" Tanong ko sakanya at pilit na hinahabol ang kanyang mga mata na todo iwas. "Alam mo naman yung head natin, kapag ginusto niyang mag-duty tayo ay ipag-duduty tayo ng walang sabi-sabi. Umiling ako at marahan na hinila ang buhok niya, "Hindi iyon! Bakit parang bother na bother ka? Parang hindi ka naman ganyan dati, diba? Ikaw pa nga ang mas excited kapag nagduduty tayo eh." Huminga na naman ito ng malalim at sa wakas ay tumingin na sa akin. "May family dinner