"Mabuti at pinaunlakan mo ang imbitasyon namin, Diamond." Nakangiting sabi sa akin ng Mama Lyndra ni Honn na kaharap ko ngayon sa hapag. It was saturday, the day after our final exam had happened na masasabi kong sure win dahil confident ako sa written exam namin sa iilang subject at about sa mga majors ay iyong sa ospital na ginanap. At dahil napaaga ang sembreak namin kaya nakadalaw na kami dito sa bahay ng Parents ng aking hubby na ilang city ang layo, kasabay nang paghahanda namin sa pagpunta sa malayong lugar para sa honeymoon s***h work related trip namin. "Pasensya na po, Ma. Medyo busy lang po talaga sa ospital." Paliwanag ko na ikinatango naman nito. "Pero hija, dapat ay nakatutok ka parin sa sarili mo para kung sakaling buntis ka na. Dapat ay alam mo yan dahil