Chapter 11 - Ang Sakit Naman Ng Tadhana!

1351 Words

Napapikit siya nang maramdamang nakalalayo na ang kaniyang sinasakyang bangkang gamit sa pangingisda. Sa katatakbo niya kanina ay bumungad sa kaniya ang napakagandang paraiso ng beach resort. Hindi masukat sa ganda! Pero wala na siyang panahon para doon. Nasulyapan pa niya ang binata sa malayo. Mukhang nag-aapoy ito sa galit habang sinisigawan ang mga crew at guard sa isla—tila pinahahanap siya. Mapait siyang napangiti. Pinapahanap siya hindi dahil sa importante siya, kundi para isunod sa namayapang ama niya! Ang sakit naman ng tadhana! Kaya nang maghiwa-hiwalay ang mga ito papasok sa kagubatan ay nagkaroon siya ng pagkakataong takbuhin ang malalaking tipak ng bato sa dalampasigan. Payuko-yuko siya para lamang hindi mapansin ng ilan sa mga taong nandoon sa isla na abala sa paghahanap sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD