Prologue

1528 Words
"Mama, uwi na tayo," sabi ng limang taong gulang na batang si Audree sa kaniyang inang kanina pa nakikipag-usap sa isang lalaking ngayon lamang niya nakita. Close na close pa ang mga ito. Hindi niya alam kung anong lugar itong napuntahan nila ng kaniyang mama basta ang sabi nito ay may pupuntahan silang magandang lugar ngunit hindi naman niya makita ang 'maganda' sa kanilang pinuntahan. Mabaho at maraming kalat ang nasa paligid. Marami ring boteng nagkalat sa kung saan-saan. Bakbak na rin ang pintura ng mga pader at mukhang hindi pa yata nakakatikim ng bagong pintura. Mainit rin sa loob kaya naman halos maligo na siya sa pawis. Kung susumahin ay wala talagang maganda sa pinuntahan nila ng kaniyang mama. "Hoy! Mag-ayos-ayos na kayo dahil parating na si Boss," sigaw ng bagong dating. Parang nakakatakot ang itsura nito dahil maitin ito at matangkad na animo'y isang kapre. Nakatingin ito sa mga lalaking nasa likod ng kausap ng kaniyang mama. Tumalima naman ang mga ito sa narinig at nagsimulang maglinis sa paligid. Walis dito, walis doon. Pulot ng kalat dito, pulot ng kalat doon. May mga nagpupunas din ng mga lamesa at nagpupulot ng mga nakatumbang upuan. Panay mando ng lalaking bagong dating sa iba habang ang kausap ng kaniyang mama naman ay nakaupo lamang at parang walang pakialam. Siya naman ay naroon lamang sa isang lamesa at nakaupo pa rin habang pinapanood ang nangyayari sa paligid. Muli niyang ibinalik ang kaniyang tingin sa kaniyang mama na ngayon ay nakikipagtawanan na sa kausap nito at sobrang lapit na ng mga mukha ng mga ito. Sa murang edad ay hindi niya masayadong mawari kung ano iyong pinaggagawa nila. "Gusto mo ba ng softdrinks, Neng?" tanong sa kaniya ng lalaking kapre. Dahil sa takot ay basta na lamang siya tumango bago ito umalis at pumasok sa isang pinto. Paglabas nito ay may hawak na itong isang boteng softdrink at biskwit. Inilapag nito iyon sa harap niya at muling umalis. "Ma?" tawag niya sa kaniyang mama ngunit hindi siya nito pinansin. "Ma?" Mas nilakasan pa niya ang pagtawag dito at nang lumingon ito ay hindi na maganda ang tinging ibinigay nito sa kaniya. Napabuntong-hininga na lamang siya at itinuon ang pansin sa pagkaing nasa harapan niya. Hindi pa pala siya kumakain ng agahan dahil nang gisingin siya ng kaniyang ina ay umalis na agad sila. Mabilis na naubos niya ang nasa harapan at kung may ibibigay pa ay paniguradong tatanggapin niya. Matapos niyon ay tahimik na namgalumbaba siya at muling pinagmasdan ang paligid. Ang mama naman niya ay nakayuko sa may lamesa na animo'y may kinakain dahil may plato sa harapan nito. Natakam siya sa kung anuman ang kinakain ng kaniyang ina dahilan para tinangka niyang tumayo ngunit muli siyang pinabalik sa upuan ng lalaking kapre. Sa takot niya rito ay hindi na siya gumalaw pa sa kinauupuan at tinunghayan lamang ang ina. Sa buong paghihintay ay hindi nawala ang pagkain sa kaniyang harapan. Nakatulog na rin ang kaniyang ina sa may lamesa ngunit hindi pa rin sila umaalis sa lugar na iyon hanggang sa biglang may nagsidatingang mga kalalakihan. "Boss?" tawag ng lalaking kapre sa lalaking matangkad at maputi. Iba ang itsura nito sa mga kasama at nakasuot ng maraming dilaw na parang kadena sa leeg at kamay. May suot din itong sumbrero. "Where is she?" tanong nito sa lalaking kapre. "Bangag na, Boss." Sabay turo sa kinaroroonan ng kaniyang ina. "Ito ang kasama." Turo nito sa kaniya. Tiningnan siya ng lalaki. Pinag-aaralan ang kabuuan niya. "How old are you, young lady?" tanong nito sa kaniya at niyuko pa siya. "I'm five years old po," magalang na sagot niya rito. Nakita niya ang pagngiti ng lalaki sa kaniya. "What do you want when you grow up?" "Hmmm, sales lady po," sagot niya rito na nakatanggap ng tawa mula rito. "What do you want to sell?" muli na namang tanong nito sa kaniya. "Cars po. Maganda po kasi ang damit nila at mukhang mayaman at tsaka may bahay po sila," sagot niya habang ini-imagine ang mga nagbebenta ng sasakyan sa harapan ng kanilang bahay lalong-lalo na ang mga bumibili niyon. "Gusto mo ba ng ganoon?" muli na namang tanong nito sa kaniya. "Eh, paano kung ikaw ang magbenta? Hindi mo ba gusto?" "Gusto po," tipid na sagot niya rito. The man patted her hair at bahagya pa nitong ginulo iyon bago siya nito iniwan at pinuntahan ang kaniyang ina na nakayukyok na sa mesa na animo'y natutulog na. Ngunit bigla na lamang itong nagising nang tumabi ang lalaking iyong tintawag nilang 'boss'. The man patted her mother's head as well at nagkita niyang nag-uusap ito at ang kaniyang ina. Ilang sandali pa ay tumayo na ang kaniyang ina maging ang lalaking kasama nito kanina. Lumapit ito sa kaniya kasama na ngayon ang 'boss'. "Ikaw na ang bahala sa kaniya, Nicanor. At huwag mong kakalimutan ang mga rasyon ko," wika ng kaniyang ina at nagsimula nang maglakad kasama ang lalaking iyon na nakaakbay pa sa mama niya. "Mama?" tawag niya sa kaniyang mama at sinundan ito ngunit tiningnan lamang siya nito saglit at muling tumalikod at ipinagpatuloy ang paglalakad. Hinabol niya ito at hinawakan ang laylayan ng damit nito. Nagbabanta na ang mga luha sa kaniyang mga mata. "Mama?" "Pwede ba, Audree! Maiwan ka na rito at sundin mo ang lahat ng kanilang sinasabi lalo na ang Papa Nicanor mo. Mas mabuting nandito ka dahil napapagod na akong alagaan ka," balewalang wika nito sa kaniya. "Mama, ayoko ko po rito," sagot niya rito ngunit parang alang narinig ang kaniyang ina at ipinagpatuloy na lamang nito ang paglalakad. Hinabol niya ito at niyakap ang beywang nito dahilan para mainis ang kaniyang ina at basta na lamang siya nito hinablot at hinawakan nang mariin sa mga braso. "Makinig ka! Hindi na kita gusto at ayoko na sa iyo. Gusto ko namang mag-enjoy sa buhay ko at hindi ko magagawa iyon kung lagi kang nakabuntot. Pabigat ka lamang sa buhay ko kung bakit ba naman kasi ipinagbuntis pa kita? Sana ay ipinalaglag na lang kita noon, wala na sana akong problema ngayon. Siguro hindi ganito kahirap ang buhay ko ngayon!" wika nito sa kaniya at basta na lamang siya nito binitiwan dahilan para bumagsak siya sa sahig. Malakas ang palahaw niya dahil sa sinabi ng ina maging sa ginagawa nitong pag-iwan sa kaniya. Hinabol niya ito ngunit hindi na siya nakalapit pa rito dahil may mga bakal na kamay ang yumakap sa kaniyang munting katawan, PIlit siyang kumakawala rito ngunit useless lamang iyon kaya naman malakas na pag-iyak na lamang ang ginawa niya habang tinatanaw ang kaniyang ina na paalis sa lugar na iyon. Wala na ang kaniyang ina ngunit panay pa rin ang iyak niya lalo na sa nakikitang kasama niya ngayon. Ni wala siyang kilala sa mga ito maliban sa dalawang lalaking nakausap niya kanina, ang mukhang kapre at ang maputing lalaki. "Ano ang gagawin ko rito, Boss?" tanong ng lalaking kapre. "Dalhin mo na iyan sa mga kasama niya, Banjo," sagot ng lalaking si Nicanor. Binuhat siya ni Banjo at nagpupumiglas siya rito ngunit wala rin siyang napala maliban sa pag-iyak niya. Dinala siya nito sa ibabang bahagi ng gusali at doon niya nakita na hindi pala siya nag-iisa. Maraming bata ang naroroon na kagaya niya ay nag-iiyak din. May mga batang mas matanda sa kaniya, mga dalaga at binata. Inilagay siya ni Banjo sa isang silid at basta na lamang iniwan doon. "Ikaw na ang bahala sa isang iyan," wika niya sa lalaking naroroon na nakahawak ng latigo. Tumayo ang lalaking may hawak ng latigo at pumasok sa silid kung saan siya naroroon kasama ang iba pang mga bata. Malakas na inihampas nito ang latigo sa sahig dahilan para pumalahaw siya ng iyak maging ang ilang mga kasama niya roon. "Magsitigil kayo kung ayaw ninyong sa inyo dumapo ito!" saway nito sa kanila ngunit mas lalong lumakas ang kanilang iyak lalo na siya. Hinampas na naman nito ang latigo, mas malakas na ngayon. "Dito na ang magiging tirahan ninyo hanggang sa malagutan kayo ng hininga kaya naman kailangan ninyong sundin ang bawat salita rito kung ayaw niyong mapaaga ang pagsalubong sa inyo sa langit. At ayoko ng iyak nang iyak!" Hinataw nito ang latigo. "A-ayoko p-po r-rito! G-gusto ko po k-kay M-mama! A-ayoko ko r-rito! U-uwi na p-po a-ako!" sigaw niya. "Mama? Wala ka ng mama dahil ibenenta ka na niya sa amin. Kami na ang nagmamay-ari sa iyo rito! Sa inyong lahat!" "A-ayoko ko po sa inyo! G-gusto ko k-kay M-mama!" muli niyang sigaw. "Tumahimik ka na nga! Wala kang mama na mahihintay dahil iniwan ka na niya rito. Lahat kayo!" "A-ayoko! M-mama! M-mama!" "Tumigil ka na nga! Nakakarindi ka na!" "M-mama! M-mama!" "Hindi ka ba talaga titigil?" tanong nito sa kaniya bago siya hinataw ng latigo. Malakas ang palahaw niya dahil sa pagdapo ng latigo sa kaniyang munting katawan. Mainit ang pakiramdam sa naging latay nito at hindi pa nakuntento roon ang lalaki at muli siyang hinataw hanggang sa dumilim na ang kaniyang paningin at ang huling nasambit na lamang niya ang ang kaniyang 'Mama' ngunit wala ito. Wala na ito. Wala ang taong dapat magsilbing ilaw ng kaniyang buhay.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD