Chapter Two

1029 Words
"Sige, I will. Bye!" Katatapos lang makipag-usap ni Kean sa kanyang boss. Bumaba na siya ng sasakyan. Tinanggal nito ang sunglasses sa kanyang mata. Inilibot niya ang mga mata sa paligid. Kasalukuyang nasa domestic airport siya kaya medyo maraming tao ang nagkalat sa paligid. Tamang-tama lang ang kanyang dating. Naglakad na siya papasok ng airport bitbit ang isang hand carry bag. Halos lahat ng mga kababaihan na nandoon ay napapalingon sa kanya. He catches everybody's attention. Sino ang hindi mapapalingon sa lakas ng dating niya. Gwapo siya walang duda yon. Bagay na bagay ang suot nitong itim na maong pants, black t-shirt na pinatungan din ng itim na jacket. Astig ang porma nito. Nasa 5'11 ang tangkad nito at may matikas na pangangatawan. Sanay na siyang pinagtitinginan at pinagpapantasyahan ng mga kababaihan. Pero binabalewala niya iyon mas mahalaga para sa kanya ang kanyang lakad, ang kanyang misyon. Wala na siyang oras ngayon para sa mga babae. Importante ang kanyang gagawin. Isa kasi siyang special agent and he was on a very important mission. Nagtuloy siya sa departure area. At gaya ng mga reaksyon ng mga kababaihan na kanyang nadaanan ay ganun din ang mga nandoon sa departure area. Sa kanya halos lahat nakatingin. Hindi niya pinansin ang mga iyon. Umupo siya sa isang bakanteng upuan at naghintay. Maya't-maya ang kanyang check ng kanyang cellphone. Pinag-aaralan niya nag mga impormasyon na kailangan niya para sa kanyang misyon. Ilang sandali pa ay nag-anunsyo na tinatawagan na ang lahat ng pasahero ng flight na papuntang Caticlan. Boracay. Doon ang kanyang tungo. Doon ang kanyang misyong gagawin. Kailangan niya kasing sundan at hanapin doon ang nagngangalang Sabel Montero na diumano'y sumama sa kinakasama nito. Base sa report na natanggap nila napag-alaman kasing sa Boracay nag-tungo ang dalawa. Kaya ngayon ay naririto siya para sundan at kung kinakailangan ay kaladkarin pauwi ang babae sa mga magulang nito. Lumapit kasi ang mga magulang nito sa kanilang tanggapan na Mission Inc. at humihingi ng tulong na kung pwede ay iuwi pabalik ang anak ng mga ito. **** Kakalapag lang ng eroplanong sinasakyan ni Sherri sa Caticlan Airport. Mula kasi ng lumayas siya sa kanilang bahay ay agad siyang tumuloy sa airport. Wala siyang specific na destinasyon pero kailangan niyang lumayo. Kaya ang unang flight ang kanyang kinuha at iyon ang papuntang Caticlan, Aklan. Plano niyang dumiritso sa Boracay. Nakapunta na siya sa Boracay dati kaya medyo may idea na siya pagdating sa isla. Wala naman sigurong makaka-isip na dun siya pupunta. Ang nais lang niya ay makalayo. Makapag-isip at hanggang sa tuluyang magbago ang desisyon ng mga magulang nito. Hangga't no show siya walang kasalang magaganap. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya doon. Basta ang importante para sa kanya ay makalayo. Kasalukuyang nasa ferry boat siya kasama ang iba pang pasahero. Halos tanaw na tanaw na niya ang isla. Medyo na-excite siya ng konti na nandito na naman siya pero agad din napalis iyon ng maisip niya ang sitwasyon niya ngayon at kung bakit siya nandoon. Nalungkot siya bigla. Wala pa ring pinagbago ang isla. Marami pa ring mga turista. Pinuno niya ang kanyang dibdib ng sariwang hangin. Para siyang lumilipad pero di ganung kalaya katulad ng mga ibon. Agad niyang ibinuga iyon. Ilang sandali pa ay nasa Cagban Jetty Port na sila. Medyo mabigat ang kanyang dalang bag. Pero pinilit niyang kayanin iyong bitbitin. May mga porter naman na nandoon pero hindi na siya humingi ng tulong sa mga ito dahil tiyak niyang sisingilin siya ng mahal. Kailangan pa naman niyang magtipid. Konti lang ang cash niya. Hindi pa siya nakakapag-withdraw at siguradong mahihirapan siya pagnagkataon pag ipaputol ang credit card niya ng ama. Pero isang lalaki ang nagmagandang loob na nag-alok na tulungan siya sa kanyang dala. "Do you need help?" tanong nito. Napalingon siya. Isang ngiti ang sumalubong sa kanya. Exposing her clean and whiter teeth and cute dimple on the left cheek. Agad na tinanggal nito ang kanyang sunglasses at pinapungay ang kanyang mga mata. "Naku wag na. Nakakahiya at saka kaya ko pa naman." tanggi niya. "Are you sure? Mukhang ambigat pa naman ang dala mo. Ayoko lang kasing nahihirapan ka. And don't worry hindi ako masamang tao. I can assure you that." "Naku, salamat anyway. Pero okay lang talaga. Promise. Kaya ko na 'to." "Ikaw bahala. But if you need my help. Just don't hesitate to ask." Ngumiti siya. "By the way I'm Kean." Sabay lahad ng kamay. Nag-aalangan siyang tanggapin ang pakikipag-kamay nito pero ayaw naman niyang maging bastos. Mukhang mabait naman ito kasi inalok pa siya nito ng tulong sa kanyang bitbit. Tinanggap niya iyon. "Sherri," pakilala naman niya. "Anong station pala ang punta mo? Ako kasi Station 2." "Station 1," sagot ng dalaga. "Ganun ba? Sabay na lang tayo. Tutal isang way lang naman ang dadaanan natin." Sabay ngiti. Tumango siya at sabay nilang tinungo ang mga pila ng tricycle. **** Lulan na sila ng tricycle at magkatabi silang nakaupo sa harap. Habang nasa biyahe sila ay wala silang kibuan. Halatang nagpapakiramdaman sa isat-isa. Hindi alam kung sino unang magsasalita. Pero si Kean na di makatiis ang bumasag ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. "First time mo ba dito?" tanong nito. "Hindi. I've been here so many times. But it's my first time to travel alone." "Ah okay." "Ikaw?" tanong naman ni Sherri dito. "It's my second time. I'm here for work and vacation as well." "Ako vacation lang," nasabi niya kahit hindi naman talaga. "Hope you enjoy your vacation." "Ikaw din." Kapwa sila nag-ngitian sa isat-isa. Biglang pumara si Kean sa tricycle driver. Huminto sila sa isang hotel along the way. "Oh pano? Dito na ako," anang binata. "Sige, salamat ha?" "Nice meeting you, Sherri. See you around." "Same here, Kean. Sige!" Muli ay umandar na ang tricycle. Nagba-bye pa ito sa kanya. Hindi muna siya umalis sa kinatatayuan niya at tinanaw ang papalayong tricycle na lulan ang dalaga. Saka pa lamang siya pumasok ng hotel ng hindi na niya matanaw ito. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD