Kabanata 1

683 Words
Alysa Mercado “Beshie pa censiya na na late ako, sobrang traffic at alam mo may nabangga ako na ubod nang gwapo kaya lang parang pinag lihi sa sama nang loob” “Okay lang beshie, May sasabihin ako sayong importante” “Ano naman beshie?, Akala ko pa naman mang libre ka nang lunch. hahaha” “Oo ikaw pa ba Syempre libre kita lunch!, beshie nag hahanap nang bagong assistant ang boss namin baka gusto mong mag apply, malaki ang sahod at malaking tulong sayo at sa pamilya mo sa probinsiya kung sakaling matanggap ka”. “Sige Sige besh, mag papasa ako nang resume ko.Gusto ko nang mag resigned sa pinapasokan ko bilang secretary may pag ka manyak ang amo ko na medyo may edad na. Kaya gusto ko na talagang mag hanap nang bagong trabaho. Hindi ako pwede mawalan nang trabaho ako lang mag isa sa Maynila nangungupahan ako sa barangay pag asa. Nagpapadala ako sa mga magulang ko at pinapaaral ko ang nag iisa kung kapatid. “Tara na kain na tayo lunch” “Let’s go alam mo naman yan ang gusto ko sayo lagi kang nang libre, hahaha” Hindi ko akalain na makakapasok ako sa J&J International. Ang pinakamalaking company sa buong bansa at kilala din sa ibang bansa. Maaga akong gumising para sa unang araw ko sa trabaho. Dahil training ko pa lang naisipan kung mag suot na lang nang formal pants and tops. Nag lagay lang ako nang manipis na make up. 8 o’clock nang umaga ang pasok ko dahil unang araw ko 7:30 pa lang nasa opisina na ako. “Good morning ma’am Alice” “Good morning Alysa, Aga mo naman” Sabi ni ma’am Alice nasa ibang bansa pa daw ang aking boss. Babalik daw eto after 2 weeks. Sa loob nang dalawang linggo nag training ako at nag aral nang mga dapat kung gawin.Dahil dati akong secretarya kahit papaano ay may alam na ako sa trabahong eto. Sa loob nang dalawang linggo nakasanayan ko na ang mga dapat kung gawin. Nag karoon na rin ako nang mga kaibigan. Katulad ni Anna at si Liza na sa accounting department. Mabait naman si ma’am Alice na nag training sa akin at kasundo ko na din. “Alysa tara lunch time na” “ Sige sunod na ako, save ko lang muna tong ginagawa ko” “Kamusta naman ang pinaka maganda at pinaka sexy na bagong assistant ni boss Dragon” “Ikaw talaga Liza ako na naman ang nakita mo” “Naku sana lang mag tagal ka kay bossing, pang eleven ka nang assistant niya sa loob nang isang buwan” “Kung si bossing Dragon ako naman ay vampira kakagatin ko siya” Lakas nang tawanan naming tatlo habang kumakain kami nang lunch. Sabi nila napaka sungit daw nang CEO nang J&J international at napaka hot. Yan ang lagi nilang sinasabi sa akin. “Hi Alysa!” “Naku yan na naman si Jeff nag papansin na naman” , sabi ni Anna. “ Hello Jeff” Sa edad ko na twenty one, Hindi pa ako nag kaka boyfriend. Wala sa isip ko ang mag boyfriend. Gusto kung makatulong sa mga magulang ko at mapag aral ko ang nag iisa kung kapatid sa kolehiyo. Lagi sinasabi nang mga kaibigan ko na maganda ako, at sinasabihan na pwede ako mag modelo tinatawanan ko na lang sila. May mga nanligaw sa akin pero wala pa talaga sa isip ko ang mag boyfriend. Pagkatapos namin kumain bumalik na ako sa mesa at may tataposin pa akong mahalagang files na kailangan daw ni boss bukas. Bukas na kasi ang balık ni boss Justin galing New York kaya sabi ni ma’am Alice kailangan kung taposin ang files na binigay niya sa akin. Sabi nila sobrang hot ni bossing pero sobrang sungit…… Kinakabahan ako sa pag dating ni sir Justin baka kung ano anong kapalpakan ang magawa ko. May pag ka clumsy pa nman ako. Pero masipag naman ako sa trabaho at mabilis akong maturoan. Sana naman hindi ako pahirapan nang boss ko…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD