Alysa Mercado POV
“Bakit naman ngayon pa ako tinanghali nang gising!” Ngayon pa naman ang unang araw na makikilala ko ang boss ko.
Nagmamadali na ako pumasok sa banyo at naligo nang mabilisan. Pagkatapos ko maligo sinuot ko na ang black pencil cut ko na skirt at formal satin ko na tops, pinatungan ko eto nang black coat at pinaresan ko eto nang nude high heels. Dahil sa nagmamadali na ako wala nang time para mag blower nang buhok hahayaan ko na lang nakalugay ang mahaba at itim na itim kung buhok. Hindi na rin ako makakapag almusal wala na akong time. Nag mamadali na akong lumabas nang bahay.
“Bakit naman sobrang traffic!”
Medyo may kalayoan pa ang building kung saan ako pumapasok. Ten minutes na akong late. Tingin ako nang tingin sa aking orasan at sa labas nang taxi na sinasakyan ko.
“Kung bumaba na lang kaya ako at lakad-takbo na lang gawin ko, mukhang hindi na uusad ang traffic” sa isip niya.
Napagpasyahan kung bumaba na lang at maglakad. Pag-karating ko sa building kung saan ako pumapasok tagaktak na ang aking pawis. Nanakit na rin ang binte ko sa kakalad nang naka heels.
“Good morning kuya” bati ko sa guard.
“Ma’am na late ka ata ngayon!”
Dahil sa pag mamadali nginitian ko na lang si kuya guard. Tinakbo ko na ang naka bukas na elavator para makarating sa opisina ko.
“Sana po Lord wala pa ang boss ko” sambit Alysa.
Nagmamadali na akong lumabas sa elavator dumaan muna ako nang powder room para mag retouch nang kaunti. Pagkalabas na pagkalabas ko nang powder room bumungad agad sa akin si ma’am Alice.
“Bakit ngayon ka lang? Mainit na ang ulo ni bossing. Ayaw na ayaw pa naman nun ang late. Kanina ka pa hinahanap. Dali tara na sa opisina ni Mr. Johnson” Sambit ma’am Alice.
Sobrang kabang nararamdaman ko. Namamawis na ang aking mga kamay. Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko sa sobrang lakas nang tibók nang puso ko. Kumatok si ma’am Alice bago kami pumasok.
“Come in”
“Sir Ms. Mercado is here, your new assistant” Sambit ni Ma’am Alice.
“Good morning sir, S-sorry I am late” Mautal- Utal pa ako.
Hindi ko pa makita ang mukha ni Mr. Johnson kasi nakatalikod eto habang may kausap sa telepono. At nang humarap eto sa amin napatulala ako. Napaka gwapo neto sa suot na two-piece suits. Ang tangos nang ilong, napakinis nang balat at higit sa lahat napakaganda nang mga mata neto.
“Are you done checking up on me?” Nagulat ako sa baritono nitong boses at nakakakilabot eto kung tumingin. Napaka seryoso at suplado nitong tingnan.
“Sorry Sir”
“You can leave now Alice, thank you”
“Ok, sir”
“Good luck Alysa” bulong ni ma’am Alice.
“What I hate the most, Ms. Mercado is being late for work, as it shows a lack of professionalism” sigaw in Mr. Johnson.
Napayuko na lang ako at kinagat ko ang pangibabang labi ko para hindi ko siya sagotin.
“Naku, ang aga-aga makasigaw parang wala nang bukas” bulong niya.
“Are you saying something?”
“Wala po”
“Get out and make me coffee” sigaw na naman n’ya sa akin.
Nagmamadali akong nag-tungo sa pantry para gumawa nang coffee, dahil tinuro naman ni ma’am Alice ang timpla nang kape niya kaya madali ko nang nagawa. Ang opisina ni sir Johnson ay sa pinaka-taas nang building at kami lang dalawa sa floor na eto. May banyo na dito at may sariling pantry. Nasa labas nang opisina ni Mr. Johnson ang table ko malapit sa may pintoan.
Kumatok muna ako bago ako pumasok para ibigay ang kape niya.
“Sir here’s your coffee”
Pagkalapag ko nang kape ni sir tumayo lang muna ako sa harapan nang table niya at hinintay ko ang sunod niyang ipag-uutos.
“What kind of coffee is this? You can’t even make my coffee right! Damn it!“ Sigaw na naman ni Sir Johnson.
“Sir sinunod ko naman po ang tinuro ni ma’am Alice na timpla nang coffee n’yo!” Hindi ko na napigilan ang sumagot.
“What did you say?”
“Nothing sir, Ang gwapo sana ang sungit-sungit daig pa ang babaeng may regla” Bulong ko sa sobrang iniş ko.
“What Ms. Mercado? Are you saying something?”
“Nothing sir, Gagawa na lang po ako nang bagong coffee n’yo”
“Just buy me coffee in the building nearby”
“Okay, sir sungit” sambit niya at ibinulong niya ang hauling sinabi n’ya.
Nagmamadali na akong makalabas sa opisina nang boss kung ubod nang sungit! Bumaba ako nang building at bumili nang kape na ayon sa gusto n’ya. Pabalik na ako sa taas nang punoan ang elavator kaya nag hintay pa ako nang susunod. Medyo natagalan na ako sa baba kaya baka masigawan na naman ako.
“Aly anong ginagawa mo dito sa baba?” tanong ni Anna.
“Bumili ako nang kape nang boss ko na menopause na, Ayaw niya sa timpla ko tsk tsk. Mamaya na lang tayo mag-usap baka mag buga na ‘yon nang apoy” sambit ni Alysa.
Gusto ni sir sungit na kunatok muna bago pumasok sa opisina n’ya. Yan ang kabilin-bilinan n’ya.
“Come in”
“Here’s your coffee sir”
“What took you so long Ms. Mercado?”
“Sorry sir they had a big line in the Starla coffee shop”
“Get me water in the mini-fridge”
“Okay, sir”
Kailan ba ako makakaupo nanakit na ang paa ko. Dali- dali akong lumabas at kumuha nang tubig.
“Sir here’s your water” ibinababa ko eto sa table ngunit hindi ko naibaba nang maayos kaya nabuhos eto kay sir! Bigla etong sumigaw kaya sa taranta ko kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ko ang dibdib n’ya, pababa sa pantalon ni sir Johnson na nabasa. Napaiktad pa ako nang masagi nang kamay ko ang nakabukol sa gitna nang dalawang hita n’ya.
“STOPPP!”
“Get out of my office now!” sigaw niya.
“Wala na akong nagawang tama sa araw na to!”
Yumuko ako at hindi ko na napigilan ang mapaluha. Ang sama sama nang loob ko sa buong buhay ko ngayon lang ako nasigaw-sigawan. Nanakit na rin ang aking mga paa mukhang may paltos na ata! Ano ba namang kamalasan to! Biglang sumağı sa isip ko ang pag punas ko sa damit at pantalon ni sir lalo na ang nakabukol sa gitna nang mga hita neto. Bigla akong nahiya at naginit nang husto ang magkabila kung pisngi.
Tumunog ang telepono na nasa ibabaw nang table ko
“Hello sir, may ipag uutos po ba kayo?”
“Come to my office”
“Okay sir”
“Encode these papers, I need this tomorrow”
“Okay, sir”
Sa gulat ko biglang tumunog ang aking tiyan. Nakalimotan ko hindi pa pala ako nakapag almusal. Hiyang hiya ako sa boss ko. I bit my lower lip dahil sa kahihiyan parang gusto ko na lang mag laho at kainin nang lupa.
“You can go now, Ms.Mercado”
Pag angat ko nang ulo ko nakita ko ang labi ni sir Johnson na parang pinipigilan ang mangiti. Kulang na lang ay takbohin ko na ang palabas sa opisina ni sir. Pa ika-ika akong naglalakad dahil sa nanakit kung mga paa.
“Matatapos ‘ata ang araw na eto na puro kapalpakan ang nagawa ko” sa isip niya.