It took me a while to digest what Justin Mijares wanted me to do. Bukod sa pagod at nananakit ang buong katawan ko dahil sa ginawa namin sa unit niya ay magulo pa ang isip ko. Mamayang gabi na ang flight ko papuntang France pagkatapos ay sasabihin niya sa akin na ‘wag akong umalis dahil kailangan kong pagbayaran ang mga ginawa ko sa kanya. He said that as if letting me stay here will stop all the nonsense things that Brett’s fans are doing almost everyday! Kung mananatili pa ako dito ay hindi titigil ang mga fans ni Brett sa kakagawa ng isyu tungkol sa akin hangga’t hindi nila ako napapatanggal sa trabaho. Hindi ako tanga para hindi makuha ang gusto nilang mangyari kaya nila ginagawa ang lahat para lang sirain ang image ko sa publiko. They wanted me to stop working in the industry where