Hindi ko alam kung paanong nakarating kay Athena ang nangyari sa pagitan namin ni Allen. The next day, she apologized for what Allen did to me during her Dad’s birthday party. Sinabi kong okay lang ako at naintindihan ko naman kung saan nanggagaling ang galit ni Allen. My brother did something to his sister that’s why he probably vented out his frustration to me. Nangako rin siya na hindi na ako ipapakilala sa mga kaibigan niyang Chinese dahil nahihiya talaga siya sa nangyari sa party. Naging puspusan din ang pagtulong niya sa paghahanap ko ng staff para sa editorial team ng Lao Fashion and Cosmetics. “Yumi! I have already contacted the content creator that I know. And guess what?! He said he is available next week!” Tuwang-tuwa si Athena nang ipaalam sa akin ang tungkol sa kakilala ni