I spent that whole weekend thinking about everything that Brett told me. Halos hindi rin ako lumabas sa kwarto at hindi sumubok na makipag-usap sa kahit na sino kina Mommy, Daddy at Kuya. I didn’t even bother checking my phone to see what’s happening. Kaya nang pumasok ako sa trabaho ay hindi ko inaasahan ang mga narinig ko. Buong maghapon na ako at si Brett ang topic ng lahat kaya halos hindi ako nakakain ng lunch na hindi nabubusog sa mga naririnig kong tsismis tungkol sa amin. Iba rin ang tingin ng mga staff sa department ko kaya kahit sumusunod sila sa mga utos ko at ginagawa ng maayos ang trabaho ay hindi pa rin ako nakapag-concentrate sa trabaho. Hapon na at kakagaling ko lang sa studio para i-check ang activity doon nang nagpasya akong i-check ang phone ko. Halos hindi na matapo