Habang tumatagal si Yumi sa Cocktailify ay mas lalong lumalalim at dumadami ang mga naiisip niya.
Kanina pa niya kinakastigo ang sarili dahil hinayaan niya ang isang estrangherong lalaki na halikan na lang siya basta-basta! At ang masama pa ay isang oras na yata mahigit simula noong nangyari iyon pero hindi pa rin nawawala sa isip niya ang gwapong mukha ng lalaki at ang pakiramdam ng mga labi at dila nitong nag-eexplore sa loob ng bibig niya!
Yumi had never kissed that way before. Masyadong gentleman ang ex-boyfriend niyang si Brett kaya kundi halik sa pisngi ay smack at padampi-damping halik lang sa mga labi niya ang madalas na gawin nito.
Hindi naman lumaki si Yumi na conservative sa lahat ng bagay. Siguro ay dahil alam ng ex-boyfriend niyang si Brett kung gaano ka-estrikto ang Kuya Ion niya kaya kahit kailan ay hindi ito sumubok na galawin siya o kaya ay mag-take advantage sa kanya.
Palagi kasing sinasabi ng Kuya Ion niya na babae siya at sa isang lalaki lang dapat niya ibigay ang sarili niya. At ang lalaking iyon ay walang iba kundi ang magiging asawa niya.
Wala sa sariling napangisi si Yumi nang maalala kung paano niya madamdamin at proud na proud na sinabi kay Brett noon ang tungkol sa sinabi ng Kuya Ion niya.
Siguro ay kung hindi niya iyon sinabi kay Brett ay baka hindi naman ito naging conservative sa tatlong taon na relasyon nila. Simula pa lang ay alam na niyang hindi ito iyong tipo na conservative lalo na at isa itong model turned actor. Sa klase ng trabaho nito ay imposible na wala pa itong kahit na anong karanasan sa mga babae. She should know better! Dahil halos nasa iisang field sila kaya alam na alam niyang kahit kailan ay hindi ito ang magiging conservative type!
“Ikaw kasi… ang tanga-tanga mo! Naniwala ka talaga na hindi siya nakipag-sēx sa kahit na sino sa loob ng tatlong taon? You are so naïve!” muling sita na naman niya sa sarili. Alam niyang lasing na siya dahil kanina pa niya pinag-iinitan ang cocktail glass na hawak niya.
Hindi na kasi siya hinayaan pang uminom ni Yuan dahil lasing na daw siya. She knew that she already had reached her limit but she still doesn't want to stop drinking.
Nasa huwisyo pa rin siya at panigurado na kapag umuwi siya sa unit niya sa Young Bucks Society Building ay hindi pa rin siya makakatulog agad dahil may natitira pa siyang lakas at katinuan para buksan ang phone niya at basahin ang mga messages ni Brett para sa kanya!
Sunod-sunod na umiling si Yumi at saka muling lumabas mula sa isa sa mga VIP room ng Cocktailify kung saan siya hinatid ng kaibigan niyang si Yuan kanina. Ubos na ang laman ng cocktail glass na pinabaon nito sa kanya kanina pero hindi pa rin siya nalalasing ng todo kaya kailangan niyang humingi pa ng pangalawang glass.
Mabilis na sinipat niya ang counter at agad na naglakad palapit doon. Maingay na maingay na ang paligid at mukhang nasa kalagitnaan na ng pagpaparty ang lahat kaya wala sa sarili na napangisi si Yumi.
She knew that Brett is used to this kind of lifestyle. Alam na alam niya na nagpupunta ito sa mga high-end bars na katulad nitong sa Cocktailify pero kahit kailan ay hindi siya na-curious o nag-isip man lang ng masama tungkol sa mga ginagawa nito.
Sa ilang linggo na pagpunta-punta niya sa bar na ito ay saka niya lang lubos na naunawaan kung ano ang mga posibleng nangyayari kay Brett sa tuwing pupunta ito sa mga bars.
Nasanay kasi siya sa routine niya na kapag nagsabi si Brett sa kanya na kailangan na nitong magfocus sa pagpaparty dahil nahihiya ito sa manager nito at mga sponsors ay hinahayaan na niya ito. Kahit na alam niyang sa umaga na ulit ito magpaparamdam sa kanya ay wala man lang siyang naiisip na kakaiba. Ang nasa isip niya ay trabaho iyon ni Brett at parte ng trabaho nito ang makipag socialize. Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip niya na posibleng nambababae ito o kaya naman ay nakikipag-sēx sa kung sino-sinong mga babaeng nakakahalubilo nito sa mga bars.
Maybe because you are too confident in yourself that he's not gonna cheat on you just because you are Mayumi Lao?
Well, just because their company is the one who made Brett to where he is now doesn't mean he is going to be loyal to her. Hindi porke pinasikat ito lalo ng magazine kung saan siya nagtatrabaho ay ibig sabihin na hindi na nito kayang lokohin siya!
Mapait na napangisi si Mayumi at tuluyang umupo sa counter para mag order pa ng alak. Iba na ang bartender kaya mas ikinatuwa niya iyon dahil wala na si Yuan para pigilan siya sa pag-inom ngayong gabi. And that only means, she can drink until she passes out!
Nag-order siya ng Martini at nakailang glass pa siya bago tuluyang nagpasya na pumunta sa dance floor at magsayaw.
Ramdam na ramdam na niya ang hilo at alam niyang sobra-sobra na siya sa limit niya. Pero imbes na mag-alala ay mas ikinatuwa pa iyon ni Yumi.
Mas lasing siya ay mas okay dahil mas makakatulog siya ng hindi naiisip si Brett at ang kinahinatnan ng relasyon nila.
“Come on! You are just twenty five, Yumi! You are too young to get heartbroken over someone you dated for three freaking years!” wala sa sariling bulalas niya habang sumasayaw papunta sa dance floor.
Nang nasa gitna na siya ay agad na humalo siya sa mga sumasayaw doon. Ni hindi na nga niya halos makita ang paligid dahil kanina pa mabigat na mabigat ang talukap ng mga mata niya dahil marahil sa kalasingan!
“Whoa! Let's party!” sigaw niya pa nang mas lumakas ang dating ng music sa pandinig niya.
Tawa siya nang tawa dahil hindi niya akalain na masaya pala ang magpakalasing ng todo na walang iniisip na kahit na ano pagkatapos.
Siguro ay lumaki siyang kagalang-galang ang dating dahil likas na kagalang-galang ay respetadong mga tao ang mga magulang niya. Both of her parents are business tycoons. Hindi lang mga sikat na business tycoons ang mga ito kundi ang parehong angkan ng mga ito ay galing sa mayayamang angkan hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa China.
Her parents are both Chinese. Ang Daddy niya ay purong Chinese samantalang ang Mommy niya naman ay may dugong Pinoy. Parehong successful ang mga magulang ng mga ito kaya pati ang parents niya ay parehong successful.
Kahit ang kaisa-isang Kuya niya na si Marion Lao ay isang successful na piloto. Sa kanilang magkapatid ay siya ang mas may interes sa business kaya siya ang kasama ng parents niya sa pagpapatakbo sa family business nila.
And now that she turned twenty five, she's still too young to settle down but her parents want her to. Gusto ng parents niya na magkaroon na siya ng pamilya habang maaga pa lang para ang mga susunod na taon niya ay igugol na niya sa pagpapatakbo ng negosyo nila.
Wala namang problema iyon kay Yumi. She loves her job more than anything else. At mahal rin niya si Brett kaya nagpasya na siyang sabihin dito ang plano niya. Kahit na siya pa mismo ang nag-open ng tungkol sa kasal ay wala siyang pakialam. Ang mahalaga lang naman sa kanya ay mahal niya ito at sigurado na siya na ito na ang gusto niyang makasama ng matagal. Pero siguro nga ay totoo ang kasabihan na kung gaano ka ka-successful sa career ay gano'n ka naman ka-malas sa lovelife! Kaya nga buwan na lang ang bibilangin bago siya ikasal ay nagkandaleche-leche pa!
That was probably why you've got a good offer from a successful company in France huh? Dahil hindi naman pala matutuloy ang kasal mo!
Napairap si Yumi at saka mas nagfocus na lang sa pagsasayaw sa dancefloor. Kumakanta pa siya at sinasabayan ang malakas na background music sa loob ng bar kaya ngiting-ngiti siya habang tinataas ang mga kamay at sumasabay sa mga nagpaparty din doon.
Pinagsawa niya ang sarili sa kakasayaw hanggang sa napagod siya at nahilo ng tuluyan.
Tumatawang tumigil siya sa pagsasayaw at hinanap ang daan pabalik sa VIP room na kinuha ni Yuan para sa kanya.
Pero dahil sa sobrang kalasingan niya ay hindi niya natandaan kung saan siya lumabas kanina. Binalak niyang tawagan si Yuan para magtanong pero naalala niya na naiwan pala niya ang phone niya sa kwarto!
Napakamot na lang si Yumi sa pisngi at napasapo sa noo habang naglalakad sa pasilyo papunta sa mga VIP rooms ng Cocktailify.
Cocktailify has more than ten VIP rooms on that floor. Kung titingnan niya isa-isa ang mga ‘yon ay bukod sa nakakahiya ay masyado pang hassle! So, she has decided to book another one!
Maglalakad na sana siya para pumunta sa front desk at magbook ng panibagong room nang biglang bumukas ang VIP room na nasa harapan niya.
Iritadong lumabas doon ang isang babae na mukhang hindi naman lasing katulad niya.
“Where the hell are you?! I've changed my mind! I'm not spending the night here! Bilisan mo! Palabas na ako!” iritadong bulalas nito sa kausap sa phone at saka muling tumingin sa loob ng room na pinanggalingan nito at saka nag martsa palabas ng bar. Ni hindi nito nagawang isarado ang pinto kaya naiiling na nilampasan niya ‘yon at pumunta sa front desk.
“I'm sorry, Ma'am. But all the VIP rooms are already occupied,” narinig niyang sambit ng babae sa front desk nang magtanong siya doon. Napasapo si Yumi sa noo lalo na at ramdam na ramdam na niya ang pangangalay ng mga binti niya dahil sa pagod sa pagsasayaw. “If you want, meron pa po kaming available rooms sa itaas—”
Mabilis na umiling siya dahil wala naman siyang balak na umakyat pa sa itaas para lang sa isang ordinary room. Alam niyang mas maliit ang mga ordinary rooms dito at walang shower. Hindi pa naman siya sanay matulog na hindi naliligo dahil natatagalan siya sa pagtulog.
Bumuntonghininga si Yumi at balak na lang sana na makitawag at magpasundo sa family driver nila para ihatid siya sa unit niya sa YBSB pero agad na naisip niyang hindi alam ng parents niya ang ginagawa niyang pag gimik sa gabi!
Ang lakas pa naman ng loob niyang sabihin sa mga ito na walang kaso sa kanya ang naging break up nila ni Brett! Kaya hindi pwedeng malaman ng mga ito na sa bar niya na halos inuubos ang oras niya tuwing weekend!
Frustrated na sumandal siya sa isang gilid para pakalmahin ang binti niya na nangangalay. Sobrang taas pa naman ng stiletto na suot niya at kanina pa siya hinihila ng mga paa niya na umupo at humiga!
Yumuko siya para saglit na hubarin ang suot na stiletto pero natigil ang pagyuko niya nang may nasagi ang pang-upo niya. Kunot ang noong lilingunin na sana niya ito pero nagulat siya nang humaplos na ang kamay kaliwang kamay nito sa kaliwang binti niya!
“What—”
“Why did you come back? Did you change your mind after hearing what I've said?” tanong ng kung sinong lalaki sa likuran niya. Humaplos pa ang palad nito sa hita niya kaya mas lalong napamaang si Yumi. “You should've asked me earlier if I am willing to date you after this night. Kasi kung sinabi mo agad na boyfriend pala ang hanap mo sa bar na ito, I shouldn't have wasted my time talking to you…” pagpapatuloy nito. Mas lalong namilog ang mga mata ni Yumi nang ipasok ng lalaki ang kamay sa skirt na suot niya!
Sa sobrang pagkabigla ay ni hindi niya nagawang gumalaw lalo na nang gumalaw ang lalaki at ikiskis nito ang zipper ng suot nitong pantalon sa gawing pang-upo niya!
Oh, my gosh! What the hell is this guy doing to me in a public space?! Ni hindi man lang niya ako niyaya sa kwarto niya at talagang dito pa sa hallway!
“Anyway, you came back here. So, I guess you changed your mind and want to spend the night with me…” tuloy-tuloy na sambit pa nito at gulat na gulat siya nang mas idikit pa nito ang katawan sa pang-upo niya!
Agad na nag-init ang mga pisngi niya nang na-realized ang posisyon nila ng kung sinong lalaki.
Gumalaw pa ito at inuntog ang katawan sa pang-upo niya habang nakahawak sa bewang niya kaya mas lalong nag-init ang buong mukha niya!
Hindi siya inosente at mas lalong hindi siya tanga para hindi makuha ang ginagawa nito sa kanya.
Inis na umayos siya ng tayo at saka hinarap ang bastos na lalaki sa likuran niya. Pero pagpihit niya paharap dito ay automatic na napunta ang atensyon niya sa isang lalaki at isang babae na nasa hagdan pa lang paakyat sa mga ordinary rooms ng Cocktailify.
They were kissing each other like there's no other people around them!
Kahit na lasing si Yumi ay kilalang kilala niya si Brett. Kahit na nasaktan siya nito sa ginawa nitong pagtataksil ay hindi pa rin nawala kaagad ang pagmamahal at respeto niya para rito.
But not tonight! Not anymore!
Dahil ngayon na nagpakalasing siya dahil sa sobrang frustration sa kinahinatnan ng relasyon nila ay makikita niya itong may kahalikan na ibang babae!
At hindi lang basta halik! God knows how far the two are going to go just because of that damn kiss!
Halos hindi na niya kayanin ang eksenang nakikita niya sa harapan niya. Brett and that girl were almost making out at the staircase! Ang kapal lang talaga ng mukha nito na tumawag at magbalak pang makipag ayos sa kanya samantalang ilang oras pa lang ay nasa bar na ito at nakikipagharutan sa ibang babae!
“I'm sorry, Miss. I thought you were the one I was supposed to spend the night here…”
Kung hindi pa nagsalita ang lalaki sa harapan niya ay hindi pa aalisin ni Yumi ang tingin sa gawi ni Brett at ng babae nito.
Nang ibaling niya ang tingin sa lalaking kaharap ay agad na napasinghap siya nang makilala ito.
He was the guy who kissed her at the counter! Ang gwapong lalaki na kanina pa laman ng isip niya dahil sa ginawa nitong paghalik sa kanya!
Hindi siya nakapagsalita kaagad kaya naglakad na ang lalaki at humakbang papasok sa VIP room sa likuran niya.
“Yumi?”
Namilog ang mga mata ni Yumi at hindi na nag-isip pa nang marinig ang ginawang pagtawag ni Brett sa kanya.
Nang tingnan niya ito ay mukhang gulat na gulat pa ito habang nakatingin sa kanya. Nakita niyang umangat ang tingin nito sa kwarto sa likuran niya.
Kaya bago pa maisarado ng lalaki ang pinto ng kwarto nito ay agad na sumunod siya papasok sa loob at tinulak ito para maisarado ang pinto at para ipakita kay Brett na hindi lang ito ang may karapatan na sumaya!
Kung kinakailangan na ibigay niya ang sarili sa iba ay gagawin niya maramdaman lang nito ang sakit ng panloloko na ginawa nito sa kanya!
Lakas loob na hinarap ni Yumi ang lalaking humalik sa kanya kanina. Nakatayo ito sa harapan niya at kunot ang noong nakatitig sa kanya.
Well, sino ba naman ang hindi magtataka kung bigla na lang siyang pumasok sa kwarto nito samantalang hindi naman sila magkakilala!
Ilang beses na lumunok si Yumi at matapang na sinalubong ang mukhang supladong mga mata ng lalaki. Dahil nakainom na siya at lasing ay basta na lang lumalabas sa bibig niya ang mga nasa isip niya.
“Do you want to sleep with me?" Matapang na at lakas loob na tanong niya sa lalaki. Nang makita niyang nakatitig lang ito ng mariin sa kanya ay agad na umiling siya at matapang na humakbang palapit dito. Kinawit niya ang mga braso sa leeg nito at tiningala para salubungin ang titig. Kahit na lasing na siya ay ramdam na ramdam pa rin niya ang kaba dahil sobrang nakaka-intimidate ang mga titig ng lalaki.
He's really hot now that his hair was dump and was like he just got out of the shower room! Amoy na amoy din niya ang masculine na amoy ng after shave na ginamit nito kaya mas lalo siyang nawala sa sarili. Masyado itong gwapo para balewalain ng buong sistema niya ang buong presensya nito.
“No. Scratch that,” mabilis na bawi niya sa naunang tanong dito. “Let us sleep together. I want to sleep with you..." Matapang at tuloy-tuloy na sambit niya habang nakatitig sa gwapong mukha ng lalaki!