Isang pag-ibig lang noon ang hinihiling ko. Ang may magmahal at pumansin sa akin. Pero dalawang baliw ang natagpuan ko ngayon. Gusto ko na lang pumunta ng ibang planeta at magjowa ng alien. Habang naglalakad pabalik ay namataan ko ang sports car ni Mateo. Nakababa ang bintana kahit ang init ng panahon. Gabi na pero matindi pa rin ang init. Nagtakip na lang ako ng mukha sa pamamagitan ng buhok at naglakad ng mabilis. Lumiko ako sa isang kalye para magtago at para magpalipas ng traffic. Dapat kasi umuwi na lang ako kanina. Sana ngayon ay nasa bahay na ako at nagpapahinga. Pagsisisi ko na dumaan pa sa bahay ni Jessie. Naisip kong pumasok na lang muna sa isang convenient store para magtago at kumain na lang muna. Magpalipas ng sama ng loob at pagkainis kay James. :Nasaan ka. Isang text ang