Nabaling naman ang atensyon ko sa lupain ni lola. Natigil ako sa pakikipagdate sa mga kung sinu-sinong nirereto sa akin ni Mark at Jessie.Tuwing weekend ay umuuwi ako at mag-isang tumutuloy sa pinaayos kong kubo. Nagtanim ako ng ilang gulay. Nagpaspray ako ng mga puno dahil marami nang insekto. Tinuruan ako ni Tita paano mag-alaga ng mga puno at halaman. Lagi kming magkausap kasama ng mga anak at apo niya. Minsan ay may dala siyang kape o cocoa pang hot choco at doon kami nagmimiryenda sa bakuran. Habang kumakain ng dala kong mamon o kaya cake na galing Maynila. “Gusto mo ba ng manok? Madami ang Tito mo doon sa amin at minsan ay dadalan kita para may kasama ka dito,” biro nito at nagtawanan kami. “Sige po para pag-uwi ko dito may itlog na akong ulam.” “Ano bang pinunla mo dyan?” usisa