Inakbayan ako ni Mateo palabas ng opisina at habang naglalakad. “Mateo! Umayos ka. Nasa opisina tayo.” kumakawala ako sa braso niya pero humawak pa sya lalo sa braso ko. “So? Hinalikan ba kita? Hindi pa naman ah,” tiningnan ko sya ng masama. “Ayan nanaman kayong dalawa. The more you hate, the more you love,” panunukso pa ni Mark sa amin at tatawa-tawa Nasa elevator na kami at binitawan na niya ako. Nasa likuran ako at nasa harap ko ang dalawang parang poste ng meralco sa tangkad. Si Mateo na ginigitgit ako at sumasandal pa sa akin. “Akala mo magaang ka?” inis na saad ko at tinutulak ko sya pero lalo lang syang nagpapabigat. “Kaya mo nga ako kapag nasa ibabaw mo,” pilyong saad nito na ngumisi pa. “Walang hiya ka talaga,” sabay hampas ko sa likod niya Nangingisi naman si Mark dahil s