It’s Jessie’s shower party and Mark’s stag party at the same time. Sabay na ginanap ang mga parties nila dito sa backyard nina Jessie.. Takot kasi ang dalawa na baka may mga stripper daw kung magbubukod ng party. Ang possessive ng dalawa sa isa’t-isa. Sa garden lang sa bahay nina Jessie. Kain, inom, harot, yun lang. Simple dinner at some pica-pica na foods.
Some guests are friends ni Mark na kasama ang mga girl friends, ilang pinsan ni Jessie at dahil ako lang naman ang kaisa-isang friend niya kaya mga 10 lang kaming girls. Mostly boys ang guests na karamihan ay kakilala ni Mark. May mga ilang pagames na nakakatawa. Ako ang host kaya hindi ako kasali.
Trip to Jerusalem pero kakandong sa mga boys ang girls.
Nagpakapa din ako ng katawan ng mga boys sa mga girls para hanapin kung nasaan ang maliit na pin na nakatusok sa damit nito.
At ang itinuping dyaryo na kailangang magkasya ang magpartner hanggang sa lumiit na ito.
Malalaki ang premyo kaya game ang mga kalahok na manalo at nakakatsansing pa sila. All good looking naman ang mga boys at pati na rin ang mga girls. For sure may magkakainlove-an na singles after this party. Naisip kong sana nandito si Mateo at sasali ako sa mismong palaro ko para kumandong sa kanya, himasin ang matipuno niyang dibdib at para kargahin niya ako. Ngunit imahinasyon ko na lamang iyon. Hindi nanaman sumipot ang magaling na lalaki. Iniiwasan yata ako.
After the party ay nagstay na lang kaming mga girls sa room para magkwentuhan at ang mga boys naman ay naiwan pa para mag-inom pa sa garden.
She opens her gifts. May lace undies, sexy lingerie, perfume, edible spray. Na curious ako kaya nagcheck ako s web kung ano yung spray na yun. Iniispray daw sa body at safe kung makain iyon. May flavor kasing strawberry at chocolate. Kahit si Jessie ay nakatitig sa dalawang bote na hawak niya. Sounds interesting. Napakagat tuloy ako sa aking labi at gumana ang malikot kong isip.
Mukhang masarap. Makabili din nga. Kaso, naalala kong wala namang kakain sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot.
But everybody we’re giggling sa mga naughty gifts na nareceived ni Jessie. Hiyang-hiya naman ang aming Dalagang Pilipina sa mga nareceived niya. She’s like her mom prim and proper kumilos pero ang bunganga ni Jessie balahura naman at maypagka naughty. Pagkatapos, nagkantahan kami sa kanyang room. Nagvideoke kaming mga girls.
“Hindi man lang talaga nagpapakita ang prince charming mo,” saad ni Jessie.
“Oo nga. Nakakabwisit talaga sya. Ano bang ganap noon?”
“Malay ko sa weirdo na yun. Busy-busyhan sa buhay niyang pariwara.”
“Kabahan ka kapag walang groomsman na dumating sa wedding nyo ni Mark.”
“Subukan nya. I’ll hate him for the rest of his life.”
But wait,” nakangiting saad ko. Umalis ako sa kinauupuan naming dalawa at hinanap ang dalawang bote na strawberry at chocolate. You know what’s this? Nakangiting saad ko na nagpipigil ng tawa.
“Ano ba yan? Mouth spray? Tatanungin nga kita about dyan.”
“No. Iniispray daw sa body then malalasahan ng partner mo. Hindi pa ako nakakagamit nyan at nabasa ko lang ha.”
“Eewww. Kadiri naman. Sticky nyan? If I know, alam mo talaga ang thing na ito. Aminin mo na.”
Hindi nga. Kulit mo. Hindi naman daw sticky. Try mo, try nyo pala.
Sayo na if you want.
Lalanggamin lang ako nyan. Sinong aamoy naman at kakain sa akin?
Hmm. Sige ako na lang ang gagamit nito. I’ll give you the review of the product after we use it.”
“Ok,” natatawang sabi ko pa.
Na tulog na ang mga girls na nakainom na after magkantahan ng halos isang oras. Kami na lang ni Jessie ang gising at nagkukwentuhan pa. Maya-maya lang ay natulog na din kaming dalawa.
MATEO
It’s my brother’s wholesome stag party. Inom lang daw sa backyard nina Jessie. Ayoko sanang magpakita pero pinilit ako ng kapatid ko na’ to. Hating gabi na ako dumating para tulog na ang babaeng iniiwasan ko.
“Nasaan na ang mga girls?” tanong ko
“Girls o girlfriend mo?” nakangising tanong naman ni kuya.
“Wala akong girlfriend, ano ka ba?”
“Ano na bang lagay ninyo ni Elle? Namimiss ka na nga noong tao pero hindi ka nagpapakita.”
“Namimiss pero nakikipagdate sa iba.”
I know she’s just playing on me at ako, sasakay lang sa laro niya. Pero hindi ako mahilig makipaglaro sa hindi ko gusto kaya iniwasan ko sya ng halos limang buwan. Not the type of girl I like but I can’t take her out of my mind.
“How did you know? Stalker ka ba?”
“Nasa paligid lang ako at nagmamasid-masid.”
Nagpapaka mysterious ka nanaman kaya walang magseryoso sa’yo. Mukha kang psychopath. Tell me, do you like her or not? Magpakatotoo ka nga. Mabait naman sya at maganda.”
“Of course not. I don’t like her. Ni wala nga sya sa kalingkingan ni Jessie.” totoo naman dahil Jessie was so modest and smart. Unlike that woman. Masyadong madaldal, prangka sometimes funny and naughty. No! Wala syang magandang katangian. I said, I don’t like her.
“Do you still love my fiancee? Ikakasal na kami.”
“Alam mo na yun pero hindi ako hahadlang sa kasal nyo,” gusto ko pa nga ba talaga si Jessie?
Matalino ang kuya ko. Wala akong sinasabi sa kanya kaya sya na ang nagtanong sa akin noon kung gusto ko daw si Jessie. Hindi ko naman tinanggi at inamin kong mahal na mahal ko ang babaeng iyon but unfortunately hindi kami magkapalaran at tanggap ko na yun kahit masakit.
“Tulog na ba sila?” usisa ko sa aking kuya habang nakatingin sa taas ng bahay kung nasaan ang kwarto ni Jessie.
“Maybe. Patay na ang ilaw at kanina nagkakantahan sila. Tahimik na kaya tulog na siguro ang mga girls. Why?”
“Wala lang,” but the truth is I wanna see her but I don’t want her to see me. Ayokong isipin nya na gusto ko syang makita. While I was staring the room, napapangisi lang si kuya sa akin at napapailing.
Hindi talaga malihiman ang kapatid ko na ito. Am I too obvious? Parang tanga.