MICHELLE Excited ako palagi sa pagpasok sa work kahit alam kong magkakainisan lang kami ni Mateo at nakakaramdam ako ng saya tuwing nakikita ko sya. It was fun seeing him and having him around the office. Hindi nila alam ang saya ko kahit lagi kaming nagbabangayan. Sabay kaming apat na kumakain ng lunch at minsan ay kumakain na rin kami ng early dinner. Madalas na nakaakbay sa akin si Mateo at inaalis ko naman agad dahil napagtsi-tsismisan na kami. Minsan ay kamay ko ang pinagdidiskitahan at mahigpit na hinahawakan. Kahit sa elevator ay nanghaharot ito at lagi akong sinasandalan. Kapag nasa unahan naman ako ay hihilahin nya lang ako ay isasandal pa rin sa likuran. Natatawa lang ang dalawa at ako, kunyari ay naiinis pero natutuwa sa panghaharot ni Mateo. Ilang hampas at kurot na ang ina