Sa aking mesa ay inayos ko na lang ang schedule ni Mateo habang inaalis sa aking isip ang mga nangyari kanina sa opisina nito. Ang daming schedule meeting for the week. Pay parties pa every weekend at mga events. Nang matapos ang ang scheduling ay binigyan ko sya ng kopya para sa schedule niya para bukas. Yung kaninang umaga na pagiging mapusok niya ay napalitan naman ng lamig sa pagkatao nito. Nabigla rin siguro siya at tinatamaan ng tukso nang makita ako. "Patong mo na lang dyan at bumili ka na lang ng phone mo mamaya. May aasikasuhin ako at di kita masasamahan," nakatutok lang ito sa mga papeles na pinipirmahan at sinulyapan lang ako saglit. "Ok sir," tanging sagot ko. Hay salamat at di na kami aalis na dalawa para bumili ng phone. Nakahinga ako ng maluwag at baka sunduin ako ni Jam