Umalis na rin agad ang mag-asawa pagkahatid sa akin at nadatnan kong walang tao sa bahay. Tinawagan ko si Mommy dahil sa pag-aalala sa kanila at kung nasaan sila ng oras na yun. “Nasaan ka ba at kanina ka pa namin tinatawagan,” bungad ng aking ina na may tensyon sa kanyang boses. “Namatay kasi ang phone ko. Nasaan ba kayo ngayon? May nangyari ba?” pagtataka ko. “Ang lola mo nandito sa ospital. Sumunod ka at bilisan mo. Susunduin ka ni James. Papunta na sya dyan.” Sinundo ako ni James sa bahay. Nakauwi na pala sya galing Dubai nang di ko nalalaman. Wala kaming imikan sa sasakyan at tanging naiisip ko lang ay si lola. Patakbo ako sa loob ng ospital at nasa icu daw ang lola ko. Nandoon sina mommy at daddy. Mga tiyo, tiya at mga pinsan ko. Isa-isa na kaming pinapasok para makita ng malapi