I was kidnapped. Ginabi kasi ako ng uwi galing sa birthday party. Pagkababa ko ng jeep at imbes na magtricycle ay naglakad lang ako pauwi dahil malapit lang naman. Isang itim na van ang tumigil sa tabi ko at agad akong isinakay. Nawalan ako ng malay at nagising ako dahil sa ingay ng mga taong nag-uusap. Nakahiga ako sa kama. Naka aircon at balot ng kumot ang aking katawan. Suot ko pa rin ang damit na suot ko nang kidnapin ako nang suriin ko ang aking sarili.
"Hindi sya. Mga gag*!" rinig kong sigaw ng isang lalaki na galit na galit.
"Sorry po boss. Akala namin sya." paliwanag ng kausap nito
"Magsilayas nga kayo!"
Maya-maya ay may nagbukas ng pinto at bigla akong nahiga at kunwaring natutulog pa. Narinig kong may ipinatong syang kung ano sa mesa. Pagkarinig ko ng sara ng pinto at saka ako bumangon at tiningnan kung ano ang dala ng taong pumasok sa kwarto.
May pagkain at juice. Sa gutom ko ay kinain ko agad iyon. Naisip kong baka may lason o pangpatulog ang pagkain nang maubos ko na ito.
“Ano pang magagawa ko kung nakain ko na?”
nagmasid ako sa loob ng kwarto kung nasaan ako nakakulong. May sariling banyo ang kwarto. Halatang nasa malaking bahay ako dahil kwarto pa lang ay malaki na. Walang bintana at medyo madilim ang loob. Maya-maya ay may pumasok ulit sa kwarto. Naka face mask sya. Maliit at matabang lalaki.
"Hoy, bakit nyo ako kinidnap? Wala kaming pera," inis na saad ko.
"Sorry miss. Nagkamali ang mga kumuha sa ‘yo." paliwnag nito
"Pakawalan nyo na ako kung hindi naman pala ako ang dudukutin ninyo," mataray na saad ko
"Iniintay lang namin ang desisyon ng boss namin. Hwag kang mag-alala at pakakawalan ka rin."
"Eh sino ba dapat ang kikidnapin ninyo?" mahinang saad ko at pag-uusisa sa kanya.
"Yung babaeng gusto ni Boss. Kaso ang mga gunggong na kidnaper. Ikaw ang kinuha," bulong din nito sa akin.
"Mga tanga nga. Eh sino bang boss mo? Panget siguro kata di magustuhan ng babae," feeling close na kami agad mag-usap. Mukha naman syang mabait at di ako gagawan ng masama.
"Hindi ah. Napakagwapo noon kaso hindi sya gusto noong babae. May ibang gusto yung babae pero sinisiguro ko sa'yo na sobrang gwapo ng boss ko."
"Talaga? Bakit hindi sya gusto? May attitude yang boss mo malamang?"
"Hindi ko rin alam pero parang ganun na nga. Hwag ka na lang maingay ha. Sige na dyan ka na. Mabuti at kinain mo ang pagkain at di ka nagwawala dito."
"Sayang lang ang energy ko. Kelan daw ako pauuwiin?"
"Basta. Balitaan kita mamaya."
"Wala man lang tv. Bigyan mo na lang ako ng libro. Tsaka anong ulam mamaya?"
"Wala pa. Antay ka lang. Lalabas na nga ako," umalis na rin ito agad at sinara ang pinto.
Ano ba yan. Buburuhin ba nila ako dito. Di pa naman ako sanay ng ganitong walang ginagawa. pagmamaktol ko.
Nakaupo ako sa kama at nakatulala lamang nang bumukas ang pinto at may hinagis ang bantay. Limang libro ang nasa sahig. Panay ingles na novels at napasimangot ako. Kinuha ko na rin at susubukan ko itong basahin. Ilang pahina pa lang ang nababasa ko ay nakaramdam ako ng gutom. Sinubukan kong buksan ang pinto pero nakalock ito sa labas.
"Hoy, gutom na ako. Pameryenda naman kayo!" sigaw ko sa singaw ng pinto at ilang beses na tinapik ng malakas ang pintuan.
Bumalik na lang ako sa kama para itry ulit basahin ang english na libro para makalimutan ang gutom ko. Ilang pahina pa ulit at nakatulog naman ako. Bumukas muli ang pinto at pumasok ulit ang lalaki na may dalang pagkain.
"Hoy, dalan mo akong snack mamaya. Nakakagutom ang walang ginagawa."
"Walang tinapay. Puro kanin at ulam lang."
"Pwede na rin. Basta pagkain at hindi naman ako mapili. Hwag nyo lang akong lalasunin. Hindi naman ako magsusumbong . Mamaya ha," bilin ko pa sa lalaki.
"Sige na. Ang kulit mong hostage. Takot magutom at ang daming demand."
"Ayoko lang mamatay sa gutom at sa pagkainip. Teka, nasaan ba ang boss mo? Gwapo ba talaga? Papasukin mo dito. Magkwentuhan kamo kami." pangungulit ko sa lalaking bantay.
"Hay, ewan ko sa ‘yo. Dadalan na lang ulit kita ng pagkain mamaya."
"Pwede nya kamo akong jowain kung ayaw nung babaeng gusto niya s kanya."
Sinaran na ako ng pinto ng lalaking kausap ko. Hopeless romantic ako at may jowa na walang kwenta. Pinagtitiyagaan ko lang dahil nililibre ako palagi pero nabubwisit na ako sa sobrang seloso at pagkapossessive. Bawal umalis, bawal bumarkada tapos ang boring naman niyang kasama. Hindi pa malambing. Ano sya pangalawang tatay ang peg? Mabuti at nasa abroad sya ngyon at nakakaalis ako kasama ng mga kaibigan ko.
Pagkakain ay nagkaenergy ako at feeling ko ay mababasa ko na ang english novel na ibinigay sa akin. Naiintindihan ko naman kahit papaano. Interesting ang istorya na,
Isang lalaki ang nangidnap ng isang babae. Mahal na mahal niya ang babae ngunit kahit kelan ay di sya magawang mahalin ng babae kaya kinulong na lang niya ito sa kanyang mansyon at inangkin ang katawan nito.
Bumukas muli ang pinto. Isang lalaki na matangkad ang pumasok. Hindi ang kaninang kausap ko. Matipuno ang katawan. Halata na may abs ito at ang yummy ng braso nito na halatang nagwe-weights. Medo madilim pero aninag ko sya. Naka face mask pero mukhang gwapo sa palagay ko. Kulot at bahagyang mahaba ang buhok at hinawi niya ito. Para syang modelo habang nasa harapan ko. Nabuhay ang dugo ko at feeling ko ay aangkinin niya ako ng gabing iyon.
Wait, hindi ako nakaligo. Nakakahiya.
Hindi na ako magpapakipot at gusto ko na agad sya. Sya ba ang kidnaper ko ang boss nila? Imbes na matakot ay kinilig ako.
"Pauuwiin na kita bukas," saad nito.
"Ha? Uuwi na ako?" nakakadismaya.
"Oo. Hindi ka dapat nandito."
"Ok lang naman. Masarap ang pagkain."
Napatawa siya.
"Wala sanang makaalam ng nangyari na ito,” paalis na sana siya
"Teka, sinong babae ba ang gusto mo na ayaw sa ‘yo?" usisa ko.
"Wala ka na doon. Hwag mo ng alamin," masungit na sagot nito s akin.
"Teka, pwede naman ako. Gusto kita," walang alinlangang nasabi ko yun. Nababaliw na yata ako.
"Nababaliw ka na ba?” napatawa muli siya.
"Ayaw mo? Choosy mo ha," napairap ako sa kanya.
"Baka magsisis ka at di mo ako kayanin."
"Ikaw ang magsisisi kapag inayawan mo ako. Sige na labas na,” inis na sabi ko na nawalan na rin ng gana sa pagreject niya sa akin.
Isinara na niya ang pinto ngunit bigla itong bumukas pero ang lalaking tagadala na ng pagkain ang pumasok.
"Ano yan?" Narinig kong nagsalita muli ang gwapong lalaki.
"Request ni maam. Kakain pa daw sya ulit."
"Sige ipasok mo na."
"Hoy kuya, mukhang gwapo nga ang boss mo."
"Gwapo talaga yun. Nakaface mask pa yun sa lagay na yun ha."
"Dito ba sya natutulog sa bahay? Palabasin mo naman ako pupuntahan ko sya sa kwarto niya."
"Baliw ka bang babae ka. Desperada ka ba?"
"Medyo lang. Ang gwapo kaya. Weakness ko yang ganyang itsura. Nakakagigigl kaya sya.," kilig na saad ko.
"Aalis na nga ako. Baliw ka palang babae ka. Hindi ka magugustuhan ni Sir pag ganyan ka. Gusto nun yung mga di makabasag pinggan at mga pakipot."
"Hoy, hwag mo nang ilock ang pinto ko."
"Hindi pwede pasaway ka. Gagapangin mo pa ang boss namin."
Hmp. Kainis. Ang tagal ko na kayang walang aksyon sa kama. Yung sa jowa ko hindi naman masarap. Ang sakit. Pero yung sa mga napapanood ko parang ang sasarap. Hays. Nababaliw na nga yata ako.