Papalabas na sana ako ng bahay nang hawakan niya ako sa kamay saka sya pumulupot sa aking katawan. Mahigpit na yakap at halos di ako makahinga. “Mateo, ano ba?” “Please let me hug you, one last time.” nagpupumiglas ako pero para syang sawa na lalong humihigpit sa paglingkis. Alam kong hindi ako makakawala. Ang init ng katawan niya, ng mga kamay niya at ang hininga niya na nararamdaman ko sa aking leeg at sa aking balikat. Tumigil ako sa pagpalag habang yakap niya. Nakahawak lang ako sa bewang niya para suportahan ang katawan ko at baka matumba ako. Ayokong yakapin siya. He kissed me on my head and on my cheek. Sinubukan kong umiwas pero nagawa nya pa ring mahalikan ako. Iba ang halik niya na kumukuryente sa aking katawan at nakakapanghina sa akin. Pagkatapos ay tinunton niya ang leeg k