Saturday sa office. Sobrang busy kaya di muna ako naglunch at tinapos ang ginagawa ko. 1:00 nang lumabas ako at nagtungo sa canteen. Walang tao sa lobby dahil 12 pm ang lunch ng lahat ng employees at nasa kanya-kanya na silang pwesto sa loob ng opisina. Naglalakad ako papunta ng canteen nang makasalubong ko si Mateo. Magaling kaming mag-iwasan at di magpansinan but not this day. Tinawag niya ako at di ko akalaing gagawin niya iyon. “Michelle,” napataas ang kilay ko dahil noon ko lang ulit narinig ang boses niya. He handed me a card at binasa ko yun. “Birtday ko. May konting celebration sa bar mamaya. Punta ka.” saad niya pagkaabot ng card. “May lakad kasi ako mamaya. Sorry,” nakatungo lang ako habang kausap siya. Ayaw ko syang tingnan at nakatingin lang ako sa card na ibinigay niya. “A