Nagpaplantsa lang ako ng buhok sa salon. Naglagay ng konting make up at suot ang mga ibinigay sa akin ni Jessie. Tight fit dress, high heels at bagong gucc sling bag. Sino ba naman ang aayaw maging kaibigan si Jessie? Lahat pala ay ayaw at ako lang ang nagtitiis na maging mukhang pangit kapag katabi siya.
"Teka, gusto mo to di ba?" nakangiting saad ni Jessie.
"Sobra ka naman sa gues maong jacket. Nakakahiya na kaya. Baka pagalitan ka na ng parents mo," kunyaring nagpapakipot pa ako sa bigay niya.
"Kukunin mo o ako ang gagamit?"
"Kukunin syempre."
Isa sa mga dahilan ko kung bakit sumasama ako sa kanya ay dahil sa mga bigay niya. Parang user ang dating pero mahal ko rin naman siya at sa bawat aaway sa kanya ay sinusugod ko talaga.
"Naka jeans naman siya at crop top blouse at kaparehong bag ng sa akin."
As usual. Nakatingin ang lahat ng boys sa kanya pagdating namin sa party. Pantay lang ang pwesto namin pero halata talaga ang mga mata nila na nasa kanya lang.
I so hate this girl and love her at the same time.
"Ikaw nanaman ang maganda sabay ismid ko at ngumisi naman si Jessie. Bawasan mo naman ang kagandahan mo. Mapapaaway nanaman ako nito."
"Anong magagawa?"
"Bangasan kita sa mukha. Isang bes lang."
"Baliw ka."
Russian kasi ang ama ng babaeng ito kaya ang ganda. Parang barbie doll at ako manyika ng mangkukulam kapag katabi sya.
"Hi dad," patakbo siyang lumapit sa kanyang ama at ako naman ay nakahinga na sa paglayo niya sa akin.
Hinanap ko ang comfort room para tingnan ang itsura ko at magretouch. Akalain mong nasundan agad ako ng best frenemy ko. Kulang na lang talaga sabihan ko sya ng leave me alone sa pagkaclingy niya.
"Retouch agad bess," saad niya.
"Syempre, kadikit ko nanaman ang amo ko."
"Nakakainis ka. Naoofend na ako."
"Ikaw pa ang naoffend ha. Paano naman itong fes ko na sobrang offended na sa ganda mo?"
"Iniisip mo lang kasi yun. Hindi naman eh. Maganda ka yun ang isipin mo."
"Si James crush ka kaya."
"Sino? Yung boyfriend mo?"
"Oo. Hayup na yun. pinamumukha pa talaga sa akin na mas maganda ka kesa sa akin kahit ako ang girl friend niya."
"I-break mo. Hindi loyal sa'yo."
"Malapit na. Kapag nakita ko ulit si boss."
"Yung kidnaper mo? Crazy."
"Sobrang gwapo kaya. Kaso lang pagnakita ka nun, ikaw nanaman ang magugustuhan," kinuwento ko sa kanya ang nangyaring pag abduct sa akin ng nakaraang araw dahil hindi nya ako makontak ng araw na naroon ako sa mansion na lalaking iyon.. Natawa pa ang bruha sa nangyari sa akin.
"Halika na nga at ipakikilala kita sa mga anak ng business partners ni dad."
Lumabas kami ng banyo. Parang artista itong si Jessie na panay bati ng mga nakakasalubong namin at specially ang mga boys.
Lumapit kami sa kumpulan ng mga lalaki at nakaramdam ako ng hiya. Feeling ko ay ibubugaw ako ng kaibigan kong ito.
"Hi boys! This is my best friend Michelle or Elle for short," ngumiti ako at sila naman ay nag hi din. Sumulyap sa akin at pagkatapos ay sa kanya na nakatuon ang atensyon ng lahat. Nagtatawanan sila at nagkukwentuhan at hindi ako makasabay. Hindi ko kilala ang mga pinag-uusapan nila kaya nagbrowse lang ako sa aking phone.
"Hi Mateo how are you,” narinig kong bati ni Jessie sa bagong dating na lalaki. Di ko nakita ang mukha at nakatungo lang ako sa aking phone.
"Fine. How are you?" sagot ng lalaki.
"Where’s kuya Mark. Is he coming?"
May kinukwento syang crush nya na Mark pero di daw sya pinapansin. 2 years older daw sa amin yung Mark. Yun kaya ang tinitukoy niya?
"He is. He’s just late,” ang ganda ng boses nung Mateo parang ang pogi. Na curious ako kaya umangat ang ulo ko at tiningnan kung ano ang itsura ng kausap ni Jessie.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang aking abductor. Mateo pala ang pangalan niya. So sino ba dapat ang kikidnapin niya?
As usual bad boy look ang outfit niya. Medyo nagkabigote pa compare noong last time na magkita kami.
"Mateo I want you to meet my bestfriend Elle," lumingon ang lalaki sa kinauupuan ko. Walang emosyon at inilahad lang ang kanyang kamay sa harap ko at tinanggap ko naman iyon.
"Hi," saad ko habang nakatingin sa mga mata niya. Ngumiti siya ng bahagya at saka muling itinuon ang pansin kay Jessie. Pinagmasdan ko sila. Madalas siyang nakatitig sa kaibigan ko. Malagkit na mga tingin. Bahagya talaga siyang ngumiti at may pagkamahiyain. Pero tutok ang atensyon niya sa mga sinasabi ni Jessie.
Hindi na ako magtataka kung gusto nya rin ang kaibigan ko and I was hurt. I was so jealous kaya nagbaba na lang ulit ako ng tingin at tumitig sa phone ko. Kung anu-anong ginagawa ko na pag bukas at sara ng mga app. Nawala ang focus ko at nagulo ni Mateo ang buong sistema ko. Maya-maya ay nakarinig ako ng mga mahihinang bulungan ng mga babae na may kilig sa kanilang mga pag-uusap.
"Hi Mark,” rinig ko. Agad kong hinanap ang Mark na yon. Kamukha ni Mateo but more pleasant aura. Nakangiti, clean hair cut, naka-khaki suit with white polo inside. Binati ang lahat at yumakap pa sa ilang tao doon.
Patakbong sinalubong ni Jessie si Mark at niyakap ito. Mariin at matagal. Parang fan girl ang dating.
Halata naman itong babaeng ito. Kung makasunggab talaga. napailing ako.
Hinimas naman ni Mark ang ulo nito na parang batang paslit. Halata ko na gusto ito ni Jessie pero kapatid lang ang turing sa kanya ng lalaki. Napangisi ako na may lalaki palang hindi nagkakagusto sa kanya. But when I looked at Mateo, he looks hurt. May selos at inggit.
"Bessy, cr tayo," anyaya sa akin ni Jessie.
"Sya ba yung kinukwento mo?" tanong ko agad.
"Oo. Kakauwi nya lang galing States," kilig na sagot nito. "Ang saya ko na nandito na sya," nagtatatalon pa sa tuwa.
"So crush mo si Mark at crush ka ni Mateo?"
"Yeah, kinda. Actually ilang beses ko nang binasted yang si Mateo pero ayaw pa rin akong tigilan. Si Mark kasi talaga ang gusto ko noon pa but I’m just like a sister to him."
"Saklap no. Buti nga sa ‘yo."
"Ang sama," inismiran niya ako at ako naman ang nakangisi.
Habang nasa cr ay pinagtapat ko kay Jessie na si Mateo ang abductor ko at sinabi ko na nagkamali lang ng kinuha ang mga tauhan nito. Kaya malamang si Jessie talaga ang puntirya ng mga abductors.
"OMG! How can he do that? He’s so mean. Ilang beses ko nang sinabi na ang kuya niya ang gusto ko."
"Ganoon ang pag-ibig di ba. Ikaw, anong gagawin mo para kay Mark?"
"Lahat syempre."
"To the point na kahit may masaktan na iba, may masagasaan, wala tayong pakielam di ba."
"Tama naman but kidnapping is really crazy."
"You know what? I think I like Mateo," bulong ko
"True? OMG again."
"Kaso he likes you."
"Bessy, ang saklap ng lovelife natin."
Paglabas namin sa garden ay may announcement daw ang daddy ni Jessie. Tinanong ko ang kaibigan pero hindi nya daw alam. And that night, everybody were surprised about an engagement.
Pinagkasundo na pala sina Jessie at Mark ng kanilang mga pamilya. Nagulat na lang din ang dalawa sa sinabing iyon ng ama ni Jessie. Lalong gulat si Mateo na may galit sa mukha nito at agad na umalis sa party. Saglit na umakyat sa stage ang newly engaged couple. Ngunit bumaba din si Mark para habulin si Mateo. Sumunod naman kami ni Jessie sa parking lot.