"Miss gising na, uuwi ka na." pinauuwi na ako ng bantay at di naman daw ako ang talagang nais ipadukot ng boss niya.
"Ha? Ngayon na?" pupungaspungas pa ako at nag-inat pa. "Ang aga naman."
"Ayaw mo pa?"
"Pwede naman kasing maya-maya na lang. inaantok pa ako."
"Bahala ka dyan."
"Pwede ko bang makita si Boss? Sige na. Kakausapin ko lang."
"Hindi pwede. Pagagalitan ako noon."
"Ano yang dala mo? Kakainin ko muna yan. Last breakfast. Wala bang kape?" may pagkademanding na tanong ko.
"Wala. Juice lang. Sige na kain na at mamaya makakauwi ka na," iritang saad nito.
"Ang bilis naman. Ayoko pang umuwi."
nakakain na ako at nakaligo pa saka bumalik ulit ang lalaking lagi kong nakakausap.
"Labas na at uwi na. Salamat at wala na akong alaga. Ang lakas pang kumain."
"Hay, ang saya ko kayang kasama. Hindi kita binigyan ng sakit ng ulo. Pagkain lang solve na ako."
"Oo na. Sige na. Sana ay nagustuhan mo ang pamamalagi mo dito sa mansyon, senorita."
"Salamat sa accomodation. Teka, nasaan ba sya? Magpapaalam lang ako."
"Ang kulit mo din talaga. Sa dulong kwarto. Bilisan mo lang at hwag mo syang kulitin ha."
"Oo na. Saglit lang ako doon."
Kinabahan ako pero nilakasan ko ang loob ko na puntahan amg lalaki. Gusto ko lang syang makita ulit at curious ako sa babaeng gusto niya. magtatanong lang ako ng kaunti. Kung napagkamalan nila na ako yung babaeng gusto niya. Ay, di pala kagandahan. Ang oily kasi ng face ko, buhaghag ang buhok at pangarap kong pumuti pa ng kaunti.
Hinubad ko ang blazer ko at naka-sleeveless blouse ako na may pa cleavage ng kaunti. Pinihit ko ang door knob sa dulong pinto at bukas iyon. Kinakabahan at nawwxcite akong makita sya. Tinulak ko ng bahagya ang pinto at sumilip muna. Nang makita ko sya ay pumasok ako sa loob. Nakaupo siya sa isang office chair at may mesa sa harap niya.
"Ano yon?" sabi ng lalaki na may pagtataka at inis. Wala siyang face mask at talagang napakagwapo pala niya kahit seryoso ang mukha niya at parang galit.
Papalapit ako sa kanya habang nakatitig kami sa isat-isa. Wala naman siyang marahas na reaksyon na parang hinihintay lang ang paglapit ko. dahan dahan akong naglalakad papunta sa kanya at inaalam kung ipagtatabuyan ba ako.
"Ako, hindi mo ba ako gusto?" mapang-akit na sabi ko at naging mapangahas ako ng oras na iyon. Nawala ako sa sarili ko dahil sa kagwapuhan niya. Hinubad ko ang ang blouse ko at natira ang itim kong bra saka kumandong sa kanya.
“I’m sorry pero sya lang kasi ang gusto ko,” ang babaeng dudukutin niya ang tinutukoy niya marahil. Naitulak niya ako ng marahan at tumayo siya. Pero nasa bewang ko ang mga kamay niya at nakatitig naman ako sa mga mata niya habang nakapatong ang mga kamay ko sa kanyang matipunong dibdib. Nanlilimos ng pagtingin niya at atensyon niya. Ang dali kong nahulog at naakit sa lalaking ito.
“Pwede mo bang isipin na ako sya? Angkinin mo ako bago ako umalis,” di ko na sya hinayaang makasagot pa at inunahan ko na syang halikan sa labi. Sobrang tuwa ko ng tumugon siya at yakapin ng mahigpit ang katawan ko. Nagkadikit kami at kinilig ako. Lalaking-lalaki siya sa paningin ko at nagayuma nya ako ng tuluyan.
Hinubad niya ang shirt niya at parang gusto kong magtatatalon sa tuwa ng makita ang abs at dibdib niya. Ang harot ko ng oras na yun. Punong-puno ng pagnanasa ang kaisipan kong makasalanan. Hindi ako ganito sa boyfriend ko. Sa kanya lang na isang estranghero.
Tinanggal niya ang suot kong shorts. Panty at bra na lang ang suot ko nang kargahin niya ako at ilapag sa kanyang kama. Mabuti at nakaligo pa ako bago ako palabasin sa aking kwarto.
Niromansa niya ako na para bang ako ang babaeng mahal niya. Walang salitaan ay panay mahihinang halinghing ang lumabas sa aming mga bibig. Hinagod ng kamay niya ang aking katawan at dinama ang bawat parte nito. Ang labi naman niya ay di umaalis sa aking labi hanggang sa tutukan na niya ako ng kanyang sandata at ibaon iyon sa aking p********e. Swabe lang sa una pero naging marahas nang lumaon hanggang mailabas niya ang lahat ng nasa loob niya.
Agad siyang bumaba sa kama, pinulot ang kanyang mga damit at pumasok sa banyo. Ako naman ay nagbihis na rin saka pumasok sa kwartong pinaglagian ko. Doon ako nagbanyo at napatingin sa aking repleksyon sa salamin.
Yun ba yung one night stand? Kaso umaga na nga pala. Ang weird sa pakiramdam dahil ang kaninang pagnanasa at kaligayahan ko ay napalitan ng lungkot at sakit sa damdamin.
Hindi niya ako gusto at may ibang babae ang nagpapatibok ng puso niya.
Nakaramdam ako ng dismaya. Paano ko naisuko ng ganun-ganon na lang sa isang estranghero ang aking katawan? Lumabas ako at tinungo ang pintuan palabas.
"Ready ka na?"
"Oo. Aalis na ako. Salamat sa’yo," sabi ko sa tagahatid ko ng pagkain.
Pinasakay niya ako sa kotseng itim at ihahatid daw ako sa bahay ko. Umuwi akong tulala. Para akong nakipagbreak sa taong mahal ko.
Mahal ko na ba sya agad? para akong tanga dahil sa aking nararamdaman na kakaiba.
"Saan ka galing na bata ka? Bakit di ka umuwi ng dalawang gabi at di ka man lang tumawag?" galit na sabi ni mama
"Namatay po ang phone ko at si Jessie kasi nagyayang mag swimming sa resort nila. Lahat kami na low batt kasi biglaan," paliwanag ko.
"Sobra kaming nag-alala sa’yo."
"Sorry po. Hindi na mauulit."
"Sige magpahinga ka na."
Umakyat ako sa kwarto at nagcharge ng aking phone. Pagbukas ko ay ang daming messages at missed calls ni Jessie. Kaibigan ko sya pero inggit na inggit ako sa kanya. Maganda, mayaman, sexy at matalino. Kapag magkasama kami ay mukha akong alalay niya. Ayoko talaga sa kanya pero lapit siya ng lapit sa akin. Ako lang daw ang kaibigan niya.
Nagsimula yun nang naawa ako sa kanya noong high school. Maraming nangbubully sa kanya dahil maganda siya at maraming inggit sa kanya. Kahit inis ako sa kagandahan niya ay di ko matiis ang ginagawa sa kanya kaya ako ang naging natapagtanggol niya. Mataray ako at medyo siga noon. Walang makakatalo sa talim ng dila ko kapag may mga bully sa school. Naging clingy siya sa akin at naging sobrang bait niya sa akin. Lahat ng meron siya ay meron din akong gamit. Solong anak siya kaya tinuring niya akong parang tunay na kapatid.
Mabuti ng college ay nagkahiwalay kami at di na ako naging anino niya. Nakaya naman niya at tinuruan ko sya kung paano lumaban. Ngayong graduate na kami ay madalas nanaman kaming magkita. Tawag sya ng tawag at madalas magpasama kung saan-saan.
Lahat na yata ng nakakasalamuha naming lalaki ay sa kanya nagkakagusto. Pati na nga rin yata ang boyfriend ko ay may gusto sa kanya. Tinawagan ko sya.
"Bess, samahan mo ako may aatenan akong party kasama ang mga business partners ni Dad."
"Ayoko, mukha nanaman akong alalay mo."
"Hindi naman kaya. Ang ganda mo kaya."
"Kumpara sa yo, alalay lang ako."
"Hay, kulang ka kasi sa confidence. Isipin mo kasi na maganda ka."
"Bess, kahit anong isip ko pero kapag naramdaman ko na lahat sa ‘yo nakatingin, wala na. Wall flower nalang ako."
"Sige na bess. Iparebond mo kasi yang buhok mo. Mag-ayos ka kasi," pangungumbinsi nito sa akin. conscious kasi ito sa sariling itsura kahit napakaganda na. sya lang ang laging nag-uudyok sa akin na mag-ayos ako.
"Nakakatamad yun eh."
"Marami akong bagong dress. Sa’yo yung iba."
"Bag at shoes meron?"
"Meron din. Pili ka na lang."
"Susuhulan mo nanaman ako para samahan ka."
"Alam mo naman na ikaw lang ang kaibigan ko," lambing pa ni Jessie sa akin.
Sobrang malambing siya at di yata marunong magalit. Kaya laging nabubully at ako naman weakness ko ang mga bigay niyang mamahaling mga gamit.