Malapit na ang kasal mo, bakit malungkot ka?" "Tita, talaga lahat napapansin," nasa probinsya ako sa aking bahay-bahayan. Mag-isa ng araw ng Linggo. "Kita kasi sa mata mo." "Naiisip ko lang na kapag umalis na ako at sumama sa kanya, paano itong kubo?" "Paano ang kubo o paano ang puso?" "Ano ba yan Tita? ano bang sinasabi mo dyan?" "Gusto mo ba talaga sya o napipilitan ka lang? Parang nagtalo pa kayo nung nakaraang nandito sya." "Naka-oo na ako eh. At two months na lang ikakasal na kami. aatras pa ba ako?" "Bahala ka. Pero matuto kang umayaw kung ayaw mo. kung nararamdaman mong parang di tama, hwag mong ituloy." "Mabait naman sya at inaalagaan ako," pangungumbinsi ko pa. "Masaya yun na mahal ka ng lalaki pero sana mahal mo rin para mas masaya." "Oo naman, tita. Mahal ko po." "P