"Hoy, si Michelle ito. di mo ba naalala? Mamaya na ako uuwi inaantok pa ako," wala pang ganang saad ko.
"Jessie’s friend?" pagkumpirma niya.
"Oo nga."
"Iba ka din talaga no. Desperada ka ba?" maangas na saad nito at nainis ako sa sinabi niya.
“Ano? Paano mo naman nasabi na desperada ako?” napabalikwas agad ako sa pagkakahiga ko at nawala ang antok na nararamdaman ko. “Ikaw na nga ang hinatid, ako pang desperada. Eh ikaw, ampalaya. Mabuti nga sa’yo,” inis na sabi ko sabay dampot ng bra ko. tumalikod at agad iyong sinuot para makaalis na sa bahay niya. Dinampot ko agad ang bag ko at ang damit ko na naisupot ko na kagabi. Bitbit ko ang sapatos ko at saka nagmamadaling lumabas ng kwarto niya.
"Teka, sa couch ka natulog. Walang nagyari sa atin?" ngayon lang gumana ang isip ng loko at narealize na di kami magkatabi.
"Hoy lalaki, hindi ako desperada na papatol sa lasing na ampalayang katulad mo," dinuro ko siya ng sandals ko na hawak ko. Umupo ako sa couch sa living room niya at isinuot ang sandals.
"I-i’m sorry sa sinabi ko. Ihahatid na kita," nakunsensya pa ito. du kasi mag-isip muna bago magsalita.
"Hwag na at baka magkautang na loob pa ako sa ‘yo," sabay ismid ko sa kanya.
Lumabas agad ako ng pinto at ng gate. Naglalakad ng mabilis palabas ng subdivision at naghahanap ng maboobook na car.
"Sorry na sumakay ka na. Mainit at malayo pa ang gate palabas," sinundan niya ako sakay ng kotse niya.
"Sabi ko hindi na bale diba."
"Sorry na nga e," nakaramdam ako ng init ng sikat ng araw at mahirap din maglakad na naka heels.
Tumigil ako sa paglalakad at sumakay na rin ako para di na pahirapan pa ang sarili ko.
"Saan ka?"
"Magdalena subdivision. Alam mo?"
"Map will help. Breakfast?"
"Hindi na," tanggi ko dahil inis na inis pa rin ako sa kanya.
"I insist. Saan mo gusto?:
"Tapsilog. Kumakain ka?" ang dali ko rin namang pumayag at di na nagpapilit.
"Sure."
He was in white shirt and jersey shorts. Ako naman ay naka white shirt at black pajama niya and my high heels shoes.
7:30 am pa lang at tumatawag na agad ang clingy bff ko sa akin.
"Bess, anong ganap?" tanong ko kay Jessie.
"Aga mo gising bess," panunukso pa niyo at alam nito na kasama ko si Mateo. di naman ako puyat dahil walang nangyari kagabi.
I open the video chat at pinakita ang tapsilog na kinakain ko. Vinedeo ko rin si Mateo na sumusubo ng sinangag at tapa.
"Breakfast date?" panunukso muli nito.
"Breakfast lang at hindi date. Bakit ang aga mo mangistorbo?" sinandal ko ang phone ko sa bote ng suka para makita niya ang pagsubo ko ng kanin at ulam. Para inggitin na rin sya.
"Wala lang nangangamusta. Kape tayo mamaya?"
"Pwede."
"Sama ka Mateo?" anyaya ni Jessie sa lalaking kaharap ko na broken hearted dahil sa kanya.
"Sure," mabilis na sagot agad ng lalaki.
"Kasama din si Mark," sabi ni Jessie atnakita ko ang pag-ismid ni Mateo. Napatawa lang ako ng bahagya.
"Bakit bess, ayaw mo?"
"Ok lang sa akin ewan ko kay Mr. Ampalaya," sagot ko kay Jessie sabay sulyap kay Mateo na may halong pang-iinis.
"It's ok with me," sagot naman ni Mateo na tanggap na ang tawag kong amplaya sa kanya.
"Let’s wear baggy pants and croptop bess," I roll my eyes. "Twinning nanaman ang amo at alalay?"
"Ayan ka nanaman. Di ka naman mukhang alalay," napansin ko ang pagngisi ni Mateo sa word na alalay. Ako naman ang iniinis nito.
"Tawa ka dyan," sita ko sa lalaki.
"Hindi ako tumatawa bess."
"Hindi ikaw, si Mr. Ampalaya," paliwanag ko kay Jessie.
"Tumatawa si Mateo? Its good na napapatawa mo sya."
"Hindi tawang masaya kundi tawang nakakaloko ang ginagawa nya. Anong good doon? Iniinis nya ako, bes."
"Sige na mag-aayos na ako para sa first date nating apat," paalam ni Jessie sa akin sabay off ng call.
"You really like her,” tanong ko sa lalaking kaharap ko
"Sobra." tanging sagit nito.
Ouch naman yun. Tumagos mula sa harap papunta sa likod ko ang sakit.
"Alam mong gusto nya si Mark?" tanong ko oa sa lalaki.
"Oo. Lagi nyang sinasabi sa akin."
"Anong nagustuhan mo sa kanya?" pag- uusisa ko pa.
"Sweet sya at pretty."
"Te, isang rice pa," sabi ko sa waitress na dumaan. "Ikaw?" tanong ko kay Mateo nang tingnan niya ako. Umiling lang siya at ngumisi.
Anong problema nya sa extra rice?
Umalis na rin kami sa kainan pagkatapos kumain at hinatid nya na ako sa bahay. Pagkababa ko ay umalis na rin siya agad.
Weekdays lang ang trabaho ko dahil gusto ni Jessie na bff days namin ang Saturday at Sunday. Sa kompanya nila kami nagtatrabaho. Head siya ng aming department pero madalas na ako pa ang nag-uutos sa kanya ng mga gagawin niya. Tamad kasi talaga sya at pukpukin pa. Walang kusa at kesa mapagalitan kaming lahat ay inaasikaso ko ang trabaho na dapat siya ang gumagawa.
Lagi nyang sinasabi na magpalit na lang kami ng posisyon pero hindi naman papayag ang mga magulang niya. Ayaw nya ring magresign at gusto niyang palagi akong kasama. Sinabihan ko rin siya na kailangan niyang magtrabaho at hwag umasa sa mga magulang niya.
Ala una pa lang pero tumatawag na si jessie sa akin. excited sa paglabas namin kasama si Mark. ang fiance niya
"Ready ka na? Punta ka na dito. Magkwento ka na." pang iintriga nito.
"Ang aga pa kaya. inaantok pa ako dahil ang aga akong ginising ng Mateo na yun."
"Sige na. Tambay muna tayo dito sa room ko."
"Oo na. 1 hour nandyan na ako," hindi ako mahirap yayain at napakadali kong um-oo.
"Ang tagal. Call me agad pagkaligo mo. Better start telling me what happen with you and Mat."
Pagkaligo ko ay tinawagan ko na nga sya at habang nagbibihis ay nagkuwento ako kung paano ko binihisan si Mateo at saka natulog na ako sa couch.
"Yun lang? Wala kang ginawang moves? Ang hina mo girl."
"Ano ka ba? Inakusahan pa nga ako at sinabihan na desperada. Akala nya sinamantala ko ang pagkalasing niya. Mamaya na nga lang ulit. Bababa na ako at sasakay na ng jeep."
Bumaba ako sa tapat ng subdivision nina Jessie at sumakay sa cab papunta sa tapat ng bahay nila. Kilala na nila ako doon kaya agad akong pinapapasok sa bahay. Diretso ako sa kwarto niya na mas malaki pa sa bahay ko.
"Tapos?" bungad nito sa akin. maganda sya pero tsismosa talaga
"Nag-init ang ulo ko at tinarayan ko sya. Nagsorry naman sya pero walk-out ako sabay labas ng gate niya. Sobrang nakaka-offend and so disresfectful ng mga sinabi niya,” nahiga ako sa bed niya at ganoon din siya habang nagkukwento ako.
"But, do you still like him?"
"Hay," sabay bangon ko. "What’s with him? Para syang bangungot. Gusto kong umiwas pero kusang pumapasok sa isip ko. Why you didn’t like him?"
"I’m not into bad boy looks. Si Mark na talaga ang gusto ko noon pa. Sweet and charming. My type of guy kaso di ko sure kung type nya rin ako."
"What happen last night?" ako naman ang nag-usisa tungkol sa kanila.
"Hinatid nya ako dito then goodbye." maiksing kwenti nito.
"Ang hina mo rin. Dapat may goodbye kiss. Ano ba yan?"
"Nahiya ako eh. Gusto ko nga sana kaso ako ba ang hihingi nun? Dapat sya ang magbigay," panghihinayang pa nito.
"Wala ng hiya-hiya kapag gusto mo go lang. Dapat sinunggaban mo na," sabay tawa naming dalawa.
"Sabihan pa akong desperada."
"Para same tayo," panay hagikgikan naming dalawa sa kwarto habang nagkukwentuhan sa nangyari kagabi.
Napabalikwas kami ng kumatok ang yaya ni Jessie at sinabing nandoon na si Mark at si Mateo sa baba.
"Si Mateo? Sinundo ka rin?" takang tanong ko.
"Bakit naman niya gagawin yun?"
"Maybe to compete with his brother."
"Ang pathetic nya talaga," saad ni Jessie na di makapaniwala na umaasa pa rin si Mateo sa kaniya.
"Yeah, kawawa naman ang babes ko. Head over heels sa'yo kahit ilang beses mo nang tinaboy," naaawa kunyaring saad ko.
"Hurt ka?"
"Konti lang."
Pababa kami nang makita ang dalawa na nakatayo sa living room. Ang gugwapo. Matangkad at matipuno ang katawan.
"Ang yummy," bulong ko kay Jessie at humagikgik naman ito.