Umupo ako sa pwesto nina Jessie.
Bakit ganyan ang itsura mo? Inis na saad ni Jessie at imbyerna sa boyish look ko.
Wala lang trip lang. No to revealing clothes muna. Wala rin akong pagpapaseksihan.
Paano ka mapapansin ni Mateo nyan? Ang pangit ng suot mo.
Di pa ba ako pansin? Eh mainit nga ang ulo lagi sa akin.
Don’t tell me nag-away nanaman kayo papunta dito.
Hindi naman. Akala nga nya daw na offend ako kanina kaya di ako sumama magsine.
Yeah, he felt guilty nang di ka dumating sa mall. Mabait naman yan. Ayoko lang ng bad boy look niya at marami syang girls.
Kasi nga binabasted mo palagi. Way nya yun to cope up with his heart break. Yan bang Mark na yan di babaero?
He’s not. Gentleman yan at di humahawak sa mga babae unlike Mateo na medyo touchy sa mga girls. Ayun nga oh. Nagfiflirt na doon sa tabi ng bar.
Ayokong tingnan. Masasaktan lang ako.
Why? You like my brother? Biglang sabi ni Mark na kinagulat ko.
Ano? Bakit ka nakikinig sa usapan namin?
Wala lang. I just heard. Sorry. Do you like him? Nakangising saad nito.
No way!
Denial queen. Panunukso pa nito sa akin.
He’s a man w***e and he warned me not to fall in love with him. So I will not.
Sayaw tayo dali, biglang hinila ako ni Jessie.
Nag-iimprove na ang mga sayaw niya at malamang maakit nya na rin si Mark. Dahil boyish look ako that night hindi pa sexy ang dance ko with Jessie. Ok na sana ang lahat pero nang napapalingon ako sa pwesto ni Mateo ay nakita ko itong may kayakap at kahalikang babae.
He hurt me again. Wawasakin nya ba talaga ang puso ko? Ang sama nya talaga. Bakit di na lang kasi ako?
Lumapit si Mark kaya umupo na lang ako. Uminom ako ng isang bote ng beer. Lumingon ako sa pwesto nina Jessie at tiningnan kung paano nya sasayawan si Mark. A little bit sexy at nahihiya pa rin siguro ang bessy ko. Kaya lang lumapit din si Mateo kasama ang isang sexing babae. She seductively dance in front of Mateo.
Nagsisi tuloy ako sa suot ko. I should seduce him more. Kaya tinungga ko lang ang beer na hawak ko. Napansin kong kailangan ko ng umuwi dahil may trabaho pa kinabukasan. Hindi ako pwedeng ma-late sa meeting na dapat ay si Jessie ang aattend. Isang bote lang ang ininom ko at lumabas na ako ng bar. Iniwan ko sila ng walang paalam at sumakay na ng taxi.
SHORTmeeting sa opisina kasama ang buong department namin. Nagpasa sila ng mga report then ni review ko at binasa isa-isa. Question and answer portion pagkatapos ay may mga inutos akong gawin nila. As usual, wala si Jessie. Malamang maghalf day yun o kaya ay magpapakita na lang sa akin pagkatapos ng office hour.
Tanghali ng tumawag sya sa akin.
“Good morning!”
“Anong good morning? Good afternoon na po maam at nakapagmeting na kami dito. Nasaan kang babae ka?”
“Shhh, Mark’s condo. Di na ako virgin bess!” Kilig na sabi nya at pabulong lang.
“Congrats sa pagkawasak mo. Keep up the good work.”
“Grabe ang intense ng kaganapan namin kagabi. Nasaan ka ba? Bigla kang nawala.”
“Wasak na wasak din.”
“What? Kanino? Sinong kasiping mo? sumama ka sa ibang lalaki?”
“Tanga! Wasak ang puso hindi ang p***y. May ibang kasama sya remember?”
“Loka loka ka. Eh bakit ka umalis? Sana p***y ang pinawasak mo at hindi ang puso mo. Dapat inagaw mo sya doon sa babaeng sing tigas ng kawayan ang katawan.”
“Anong magagawa mas importante sa akin ang meeting mo at baka matanggal ka sa trabaho?”
“Sorry na. Babawi ako mamaya. See you after office.”
Di na talaga papasok ang gaga at pinabayaan nanaman ang trabaho. Alam kasing sasaluhin ko sya.
After work ay nagkita kami sa isang favorite resto ko pero sya ang magbabayad.
“He confess na like nya rin daw ako kaso lang ay ayaw nyang masaktan ang brother niya. But his parents wants us to get married so wala na syang magawa. Ayaw nya mang masaktan si Mateo, pagkakataon na daw para masunod ang puso niya,” kwento ni Jessie sa akin ang pag-amin sa kanya ni Mark.
Bumuntong hininga lang ako dahil isa nanamang pabor ang dumating sa buhay niya. She was loved by everybody. Tanggap ko na.
“Congrats! You have the man of your dream.”
“ Thanks bessy. Sana ikaw din.”
“Can we just go shopping na lang? I was so heart broken.” Anyaya ko kay Jessie.
“Of course. Akong bahala.”
Pumili ako ng mga sexy clothes at dalawang pabango saka niya binayaran. Marami din siyang pinamili para sa kanya na kalaunan ay ibibigay nya rin sa akin ang iba.
“Kelan ba ang wedding?” Usisa ko
“Oo nga pala. Yung gown. Kailangan na nating magpasukat. After six months ang wedding.”
Excited ka na ba maging Misis ni Mark?”
“Yes of course. Sya lang ang gusto kong makasama habang buhay.” kilig na sabi nito
“So in love ha. I’m so happy for you.”
“Nalulungkot tuloy ako na ikaw wala pa ang prince charming mo.”
“Makakahanap ako kapag di na kita kasama palagi. Gaganda na ako kapag busy ka na sa buhay may-asawa at di ka na dumidikit sa akin.” pang-iinis ko sa kanya
“Hindi kaya tayo maghihiwalay. Walang magbabago kahit kasal na ako.”
“Ganon! Saklap ng life ko.”
“Grabe ka talaga!”
“Joke lang! Arte!”
“Pwede palang magride a car ka na lang mamaya? Susunduin kasi ako ni Mark. Magdidinner daw kami or sumama ka na lang pala.”
“Hindi na. Ayokong maging third wheel ok. Tsaka paki sabi pala kay Mateo na naiwan ko yung book ko sa car niya. Kunin mo.”
“Book? Kelan ka pa nahilig magbasa?”
“Yung abductor ko ang daming books. I took some.”
“So yung book na kukunin mo ay sa kanya rin?”
“Korek. Basta kunin mo ha. Ang ganda nung story eh.”
Kinabukasan ay pumasok na si Jessie sa office. Everybody hates Monday pero sya lang ang nakaka absent dahil anak sya ng boss.
“Welcome back Ma’am Jessie,” bati ko at pagpasok ko sa kanyang private office. “Here’s your coffee.”
“Thanks!”
“Where’s my book pala? Nakuha mo ba?” Tanong ko agad sa kanya
“Tinext ko pa lang kahapon kay Mateo at sumagot lang ng ok.”
“Ano ba yan? Atat na akong magbasa.”
“Waste of time. Go back to your table.” Maangas na sabi nito sa akin.
“Sungit naman. Dyan ka na nga.” sabay irap ko.
Araw-araw sinusundo si Jessie ni Mark sa opisina. Madalas na may pabulaklak pa ito. Halata na inlove ang dalawa sa isa’t-isa.
“How sweet. Nakakainggit. Wala ka na bang ibang kapatid Sir Mark?” Biro ko.
“Sad to say wala na. Si Mateo lang. But I’ll ask dad kung may half brothers kami.”
“Pwede na rin ako sa half brother basta may mana pa rin,” muling biro ko dito.
“Ihahanap kita don’t worry.”
“Joke lang sige na ingat kayo.”
Naalala ko nanamn si Victim. I want it badly. Unti-unti na akong nahohook at ngayon ay nabitin na lalo sa pagbabasa. Tinext ko si Jessie to remind her about my book.
Me: Tell Mark yung book ko na kay Mateo.
Jessie: 0998*******
Me: Ano to?
Jessie: Ask him. That’s Mat’s number.
Kaya tinext ko si Mateo
Me: Give me back my Victim
Ampalaya: Who’s this?
Me: Your Victim.
Ampalaya: Di ako nakikipaglokohan.
Me: Its Michelle. Where’s my Victim
Ampalaya: ???
Me: Kailangan iexplain lahat? The book!
Idiot
Ampalaya: Get it. You know my address right.
Me: Lets meet up na lang.
Ampalaya: No! Come over. Its my rest day and I don’t want to go out right now.
Peste kang amplaya ka!
Me: Fine. Papunta na ako ngayon ha. Hwag kang aalis.
Ampalaya: Im not sure. Kung matagal ka at baka may emergency, sorry na lang.
Me: Leave the book sa guard house.
Buset ka!
Di na sya nagreply at dumiretso na ako sa bahay ni Mateo kung saan ko sya hinatid ng lasing sya. Not his hideout na mansyon na di ko alam kung saang lupalop ng Maynila naroon iyon.
Me: Gate na.
Ampalaya: Come inside.
Hay, pahirap
Me: Just come down now.
Ampalaya: Get it inside.
Napilitan na akong pumasok sa loob ng bahay niya. Open naman ang gate at ang front door ay di naka-lock.
“Mateo nasaan ka ba?” I called him ng di ko sya makita.
“Sa kwarto sa 2nd floor.”
Talaga naman oh. Inis na saad ko
Kumatok muna ako saka binuksan ang pinto. I saw him in his boxer shorts at walang pang itaas.
“Asan na? “ maangas na tanong ko na nakakunot ang noo
“Alin ba?” maangas din ang sagot niya
“The book nga!”
“Dyan sa book shelf.”
“Wow! Nagbabasa ka ba o display lang ‘to?” Namangha ako sa dami ng mga books niya.
“Collection ko yan.”
“Collect lang tapos dispaly sa shelf. Revenge? Sequel ba to?”
“Oo.”
“Nice naman. Sabi ko sayo eh.”
“Na ano?” takang tanong niya
“She’ll hates him. May revenge kasi.”
“Not really.”
“Asa ka pa ba?” Sabay ngisi ko.
“Did you hate me?”