36

1140 Words

One-time na mangulit siya ay biniro ko sya. “Nasaan ba ang singsing? Eh wala naman. Yaya ka ng yaya, wala ka namang isusuot sa daliri ko.” “Oo nga pala. Kung meron na ba, o-oo ka na?” “Depende sa bato ng singsing. Dapat malaking malaki.” “Kasing laki ba ng bato ni Darna ang gusto mo?” biro pa nito. “Pwede naman basta maisasanla ko ng malaki ha.” Ilang araw ang nakalipas at nakalimutan ko na ang biruan namin na iyon. Wala naman kasi sa loob ko ang mga sinabi ko kaya siguro naging masyadong mabilis ang lahat. Sumunod na linggo ay nagpropose na sya na may singsing na sa kanyang kamay. Nagulat ako at di ko ineexpect na ganoon sya kabilis magpopropose matapos ko syang biruin tungkol sa singsing. Nasa parking lot kami ng aming kumpanya. Sobra ang kahihiyan na naramdaman ko at hindi kilig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD