Pagkatapos naming kumain ng lunch ay bumalik na kami sa opisina. Nasa elevator kaming dalawa at pass 1 pm na. Nakapasok na lahat ng employees at nagsisimula na sa trabaho nila. “Sumabay ka sa akin mamaya,” utos nito. “Sinusundo ako ng fiance ko,” sagot ko naman. “Sabihin mo mag-oot ka.” “Hihintayin pa rin ako noon.” “Tell him, uuwi ka na lang mag-isa,” ang kulit nya talaga. “Hindi yun papayag.” “Sinusuway mo ako?” sabay harap nito sa akin at tiningnan ako ng matalim sa aking mga mata. Galit at nanlilisik. “Private life ko na ang pinakikielaman mo Sir. Di mo na hawak yun,” di naman ako nagpasindak sa kanya at sinagot ko sya. “Who told you?” nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko saka sinabi sa akin ang mga katagang iyon. Napailag ako ng bahagya pero nagtaasan ang balahibo ko sa ak