03

1614 Words
It was an emotional moment for Cherry standing at one side of the international stage while holding a sash, waiting for the announcement of the next rightful owner of the crown on her head. It's been a year since she won the title on the very same stage. And now, she's going to pass her title and crown. Hindi maipaliwanag ni Cherry ang kanyang nararamdaman. Masaya siya na naiiyak. Naaalala niya ang panahon noong isa rin siyang kandidata na lumalaban. Tahimik lamang siyang naghihintay kasama ang ilan pang staff ng organisation na may hawak ng bouquet para sa mananalo at sa magiging runner up nito. Nasa isip ni Cherry na paniguradong kabado rin ang last two standing ngayon. Ganoon ang naramdaman niya sa nakalipas na taon. Cherry took a deep breath and smiled. Alam niya na may katapusan ang reign niya kaya tanggap niya ito. Biglang sumagi sa isipan niya ang tanong sa kanya ng matalik niyang kaibigan na si Carlos. What will she do after she passed on her crown? Tila nablanko siya bigla. Bumalik lang sa reyalidad ang kanyang pansin nang tinapik siya ng isang staff na nasa tabi niya. Inanunsyo na pala ng host ang nanalo nang hindi niya namamalayan. Madali lang ang exposure ni Cherry. Sinuot niya lang sa bagong reyna ang sash nito at pinasa niya ang koronang nakapatong sa kanyang ulo. She immediately took off the center stage after she carefully placed the crown on the new queen's head, and hugged and congratulated her. *** Cherry felt like she lost track of her life after she passed on the crown. Nakatayo lamang siya sa isang tabi ng ballroom kung saan ginaganap ang after party ng pageant. Tahimik lang niyang iniinom ang isang baso ng red wine. Ngumingiti kapag may bumabati at kumakausap sa kanya. May iilan pa rin na nagpapakuha ng litrato kasama siya lalo na ang mga hindi nanalong candidates. She kept her cool during the event. She even gave a message for the new queen. The former titleholders were also there alongside her as they welcomed the new queen to the sisterhood. Bumalik si Cherry sa kanyang pwesto matapos ang message niya at nagpa-picture ang katulad niyang winners ng Miss Universe Queen. Umupo siya sa isang stool na hindi kalayuan sa kinaroroonan niya. Pinatong niya ang mga braso sa lamesa. Wala sa sarili niyang tinitigan ang masayang mga tao na nasa maliit na platform na nagsisilbing stage. What will she do now? She already fulfilled her ultimate dream in her life. "Ang lalim naman. Baka malunod ka niyan, Che," natatawang tawag ng pansin ni Carlos. Umupo ito sa bakanteng stool sa tabi ni Cherry. Tila hindi ito napansin ni Cherry. Patuloy pa rin ang pagtitig niya sa harap. Hindi nagalaw kahit one inch man lang. Maging ang mga mata niya ay hindi kumukurap. "Hello, earth to Cherry," pangungulit ni Carlos. Winagayway pa nito ang mga kamay sa harap ni Cherry. Ngunit, wala pa rin itong nakuha na reaksyon sa kaibigan. He sighed. He thought he already know what's currently running in his friend's mind. Pinatong nito ang isang kamay sa balikat ni Cherry. "Che? Che?" paulit-ulit na pagpukaw nito ng pansin ni Cherry. "Ano ba 'yon, Carlos?" may halong inis na tugon ni Cherry. Tinawanan lamang ito ni Carlos. Mabuti't bumalik na rin sa katinuan si Cherry. "Wow ha! Ikaw pa may ganang mainis, Che? Kanina pa kaya kita kinakausap pero wala ata rito ang diwa mo. Nasa ibang mundo - nasa sarili mo na namang mundo," hindi makapaniwalang sambit ni Carlos. "Sinasabi mo ba na nababaliw na ako?" Sinamaan ni Cherry ng tingin si Carlos. Saka inubos ang iniinom niyang wine. Nilapag niya ang wine glass sa mesa. "Hindi naman," depensa ni Carlos. Inakbayan nito si Cherry. "Ang lalim kasi ng iniisip mo. Ano ba iyang iniisip mo? Iyong sinabi ko ba sa iyo na kung ano ang plano mo pagkatapos ng reign mo?" mahinahon nitong sabi. Tumango si Cherry bilang sagot. She didn't expect that it will be difficult for her to think on what she will do next after her reign. Ang sabi pa niya sa sarili na iisipin niya lang ito kapag tapos na talaga ang pagiging Miss Universe Queen niya. At ito na nga iyon, unti-unti na siyang nilulunod nito. Akala niya madali lang ito kung kaya parang wala lang ito sa kanyang isipan sa mga nagdaang buwan. "May naisip ako. Huwag ka lang magagalit ah," bulong ni Carlos na ikinatingin ni Cherry. Binigyan ito ni Cherry ng siguraduhin-mo-lang-na-seryoso-iyan na tingin. "Oyy huwag mo ko tingnan ng ganyan. Promise. Seryoso ito," agad na bulalas ni Carlos nang mapansin nito ang pinupukol na tingin ni Cherry. "Siguraduhin mo lang," bulong ni Cherry. Saka niya nilipat ang kanyang tingin sa paligid. Napaikot siya ng mga mata nang sa dami ng pwede niyang makita, bakit ang grupo pa ng mga tao na kasama ang mga karelasyon nila. "Matagal ka naman nang single, why don't you try to be in a relationship again?" walang kagatol-gatol na sabi ni Carlos. Ikinabalik ito ng tingin ni Cherry rito. Cherry was not sure if she heard it right. Hindi niya ito inaasahan na ito ang sasabihin ng kanyang kaibigan. Seryoso itong nakatingin sa kanya at naghihintay ng sagot niya. She was caught off guard by the question thrown at her. Iniwas niya ang kanyang mga mata rito. At sa ikalawang pagkakataon ay tumama sa mga candidates ang kanyang paningin. Kasama ng mga ito ang kanilang mga boyfriend. "You see that, Che? They may not be the queen who hold the title but they're the queens of their partners. Alam mo naman na matagal na namin gusto na may ipakikilala ka sa amin. Kailan mo ba plano may ipakikilala sa amin? Iyong makakasama mo sa pagtanda mo at aalagaan ka sa abot ng makakaya nito," walang preno na sabi ni Carlos. Napatitig lamang si Cherry dito. Hindi niya alam ang isasagot dito. Sa katunayan, hindi talaga sumasagi sa utak niya ang magkaroon ng partner in life. Her attention was locked on her dreams which she eventually achieved with her hard work. She was about to speak her mind but she was cut off by Carlos' next words. "Kailan mo ba ako ipakikilala sa mga in-laws at mga kaibigan natin?" seryoso ang boses na sabi ni Carlos. Maging ang mukha nito ay hindi makikitaan ng pagbibiro. Agaran na lumaki ang mga mata ni Cherry. Her hand instantly found its way on Carlos' arm, slapping it hard. "Pinagsasabi mo?" Hindi siya makapaniwala sa mga salitang lumabas mula sa bibig ni Carlos. Natawa bigla si Carlos. He held her hand as he put it down. Bahagya pa nitong hinimas ang part ng braso niya na natamaan ng kamay ni Cherry. "Ito naman. Masyado ka namang seryoso. Nagbibiro lang ako," natatawang tugon nito. "Umayos ka kasi. Baka kung ano pa isipin ng ibang tao kapag narinig ang sinasabi mo." Cherry rolled her eyes. "Ito na nga. Seryosong na." Carlos sighed before he calmed down. "Or baka mayroon ka nang partner. Tinatago mo lang para hindi namin malaman. Who's the lucky guy, Cherry?" Halos nawalan ng boses si Cherry sa tanong nito. What the? Paano nito naisip na may tinatago siya? Sobrang transparent nga niya kay Carlos kung tutuusin. Alam nito ang bawat galaw at kilos niya. Kaya nagtataka siya kung bakit nito nasabi na may tinatago siya sa kanila lalo na kay Carlos. "W-Wala, ah. Pinagsasabi mo diyan, Carlos? Alam mo naman ang lahat na tungkol sa akin kaya impossible iyang pinagsasabi mo. Pwede na nga kitang ipatumba sa dami ng nalalaman mo tungkol sa akin." Pilit na tumawa si Cherry upang maiba ang topic nila. Inusog ni Carlos ang inuupuan nito palapit kay Cherry. Hinigpitan nito ang pagkakaakbay sa kanya. "Kung ganoon naman pala, tutuhanin na lang natin ang mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa atin, Che? It's okay with me to be with you as your partner forever. Sa edad natin ngayon, we also need to think about our future. Kailangan din natin mag-settle down," may halong hininga na bulong ni Carlos sa tainga ni Cherry. Biglang nagtayuan ang balahibo ni Cherry sa leeg kaya naitulak niya ito ng bahagya palayo sa kanya. Hindi ito kalakasan na makakakuha ng pansin ng nasa paligid nila. It never came across her imagination that she will end up to be in a relationship with her best friend for the rest of her life. Nakikita niya lang ito bilang kapatid. "Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo, Carlos." It really gave her chills thinking about it. Tinawanan lang siya ni Carlos. "Ikaw marahil ang may gusto talaga sa akin kaya pinu-push mo ang idea na 'yan." Umakto siya na parang nandidiri kasabay ng pagsabi niya nito. She even made face how disgusting the idea was. "Bakit? Ayaw mo ba, Che? Magkakilala na tayo simula pagkabata. Wala na tayong maitatago pa sa isa't isa. Kaya bakit hindi natin subukan? At least hindi ka na mahihirapan na ipakilala ako sa mga kaibigan natin at kina tito at tita," nakangisi nitong suhestiyon. "Asa ka naman. It will never happen over my gorgeous sexy body, Carlos." "Ikaw ang bahala, Che. Suggestion ko lang naman iyon. Baka magsisi ka na hindi mo tinanggap at tumanda kang mag-isa," natatawang tugon ni Carlos. Hindi maiwasan na isipin ni Cherry na pini-pressure na siya ng best friend niya. Dahil kung oo, nagtatagumpay ito na ma-pressure siya. Naisip niya rin na tumatanda na nga sila. Pero, ayaw na niyang pumasok pa ulit sa isang relasyon. She had enough from her past. She always ends up being used and crying in her room every time she tries to be with someone in a serious relationship.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD