"Okay. Fine. I'll tell you." Prince tsked as if he got no choice but to tell Peyton that it isn't all about the bilnd date event of their dating agency.
"I'm waiting. Don't waste my time, Prince. I still have a lot of work to finish." Peyton moved his head, pointing the pile of paperworks at one side of his table. Then, he leaned forward on the table. Tinukod niya ang kanyang mga siko sa glass surface ng table. Pinapagitnaan ng kanyang mga siko ang nakabalandrang papel na naghihintay na pirmahan niya. He intertwined the finger of his hands as he rested his chin on his hands.
Napabuga ng hininga si Prince. He straightened his back as he sat properly. Naging seryoso na rin ang mukha nito na nilabanan ang mga tingin ni Peyton. "Ganito kasi 'yan..." he paused.
"I'm listening. Go on," saad ni Peyton.
Sa paraan pa lamang ng pagsisimula ni Prince ay alam na niya na hindi lang basta blind date ang gusto nitong mangyari. He knew that there's still something more. Ang hindi niya lang alam ay kung bakit tila excited siya na hinihintay ang sasabihin nito sa kanya. Never in his life he felt so excited while waiting for something. All his life, nakatuon na siya sa pag-aaral at kung paano patakbuhin ang business ng dad niya, which he found a recurring cycle lalo na nang nagsimula na talaga siyang magtrabaho nang totohanan.
Prince took a deep sigh. Then, he laughed softly. "I thought I can make you agree with me and sign that piece of paper easily." He chuckled.
"So ano nga?"
"Are you in a rush? Relax, Mr. Wise. This will be quick. And I am a hundred percent confident that it will peek your interest." Ngumisi ito.
If Peyton could only roll his eyes in front of Prince, he already did that. "Just go straight to the point, Prince," tila bored na sabi niya. Kung kanina ay minamadali siya nito, ngayon naman ay pinapatagal naman nito ang gusto nito ang totoong pinunta nito sa kanya.
"Just like what I said, just relax, Peyton." Tiningnan ito ni Peyton nang may pagbabanta. Napatigil ito sa pagbibiro. "Isa lang ang blind date sa offer ko sa 'yo dahil nga you look so fine and good. And you can turn heads without even exerting any effort. You are a natural head turner. Plus, like I said a while ago, you had the body to die and every women wanted to confidently flaunt in the public."
Kumunot ang noo ni Peyton sa kanyang narinig. Now, this caught his interest more. He has a hunch of what Prince is hinting, but the professional skepticism he possess overpowered him. Hindi niya ito paniniwalaan hanggang hindi niya ito nako-confirm.
Napataas siya ng mga kilay nang ilang saglit na nanahimik lamang si Prince habang tinitigan siya. Hinihintay ata nito na magre-react siya nang sobra.
"May isa pa akong gusto na i-offer sa iyo. Ba't I can't tell you yet this time. Kailangan ko pa muna makita kung paano ka aakto bilang isang date. I want you to be a perfect fit for the bigger offer that I think you will greatly enjoy. For now, let's just talk about the blind date. Then, if everything will go to the right places, I'll tell you what's next." Kinuha nito ang blue sign pen na nasa isang tabi. Pinatong ito ni Prince sa naturang non-disclosure agreement.
Hindi mabasa ni Peyton ang ngiti na pinupukol nito sa kanya. Ngunit, hinawakan niya pa rin ang sign pen. Akma na sana niyang pipirmahan ang naturang agreement nang mapansin niya ang ngisi na nagsisimulang lumalabas sa mga labi ni Prince.
He placed the sign pen next to the folder as he folded the folder, leaving the piece of paper unsigned. He faked a cough, getting Prince's attention. "I will only sign this after the blind date and if I pass on your assessment."
Napahinga nang malalim si Prince. "Okay. Fine. Akala ko pa naman pipirma ka na." Hindi ito makapaniwala na ganito kahirap kumbinsihin si Peyton. Well, Peyton is Peyton. He will not just sign a paper if he thinks he's on the disadvantage side. Tumayo si Prince at kinuha ang folder.
Bago pa man makapagsalita si Peyton ay inunahan na siya ni Prince. "So, I think I need to go now. I'll just see you sa event. It will be on the fifteenth night of April. I'll just inform you about the venue since my team is still finalizing the details."
***
“Nasaan ka na ba, Che?” Cherry couldn’t help to roll her eyes when he heard Carlos ask her the same question for the nth time.
She took a deep sigh, calming herself down before she replied. “I’m on my way na nga sabi ako, Carlos. Ano ba kasi iyan at minamadali mo ako na pumunta diyan?”
Palipat-lipat ang tingin niya sa cell phone na nakalagay sa isang holder sa tabi ng steering wheel at sa daan na tinatahak niya. She’s not familiar with the place kaya nakabukas ang online map na may GPS sa cell phone niya. Hindi nga niya alam kung bakit bigla-bigla na lamang siyang binigyan ng address ng best friend s***h manager niya at minamadali siya nitong pumunta sa address.
“Basta pumunta ka na lang dito. Kesa naman magmukmok ka lang sa condo mo. I assure you this will be fun. You’ll enjoy, just trust me,” pang-engganyo ni Carlos. And again, Cherry rolled her eyes.
“Siguraduhin mo lang talaga na hindi mo ako pinagloloko, Carlos. Nananahimik lang ako sa condo tapos bigla mo na lang ako papapuntahin sa kung saan.” She paused for a while nang makita na niya ang signage ng building. Napatingin din siya sa cell phone to check if nasa tamang lugar nga ba talaga siya.
“Oo nga. Saan ka na ba? Magsisimula na sila. Hindi ka pa dumadating.”
“Heto na nga. Nakikita ko na ang sinasabi mong building. I’ll just park the car. Saan ka ba?”
Agad na naghanap ng vacant parking slot ang mga mata niya nang makapasok na siya sa entrance gate ng naturang gusali. Hindi naman siya nabigo nang makita niya agad na marami pa ang bakante. She did not waste any time to parked her car on the nearest vacant parking slot.
“Palabas na ako ng kotse. Saan ka ba, Carlos? Meet me at the entrance,” usal niya bago niya inangat ang kanyang tingin sa rear view mirror. She carefully fixed the strands of hair that fell on her forehead, moving it to the side as she placed it behind her ears. Then, she checked her face and did some retouching of her make-up. When she was satisfied with her look, she quickly picked the purse placed in the passenger seat.
Bago siya lumabas ng kotse ay kinuha niya ang cell phone niya. Tinapat niya ang cell phone sa isang tainga habang sinasara ang pinto ng kotse. "Where are you, Carlos? Papasok na ako ng building. Meet me at the entrance, please. I'm not familiar with the place."
"Eto na nga, my queen. There, nakikita na kita."
Sakto naman na kakapasok lang ni Cherry sa entrance ng naturag building. Nag-angat siya ng tingin nang marinig ang sinabi ni Carlos. She was expecting to see Carlos standing in front of him, but she was surprised when full darkness welcomed her eyesight.
"Hey! What are you doing? Who are you?" agad na bulalas niya dahil sa gulat.
"Shh," Carlos hushed from behind.
Kumalma ang pakiramdam ni Cherry nang marinig niya ang napakapamilyar na boses. Huminga siya nang malalim. "Ano na naman 'to, Carlos? Why are you blindfolding me?"
Narinig lamang niya ang malumanay na pagtawa ng binata sa kanyang likod. Hawak pa rin nito ang piring sa kanyang mga mata, inaayos ito upang hindi malaglag at wala talagang makita si Cherry. "Just calm down, Che. Ginagawa ko 'to para maging masaya ka. Pagkatapos kasi ng reign mo, halos hindi ka na lumalabas ng lungga mo lalo na kapag hindi kita tinatawagan for events. It's like you're isolating yourself from everyone."
"Yeah..." tila pagsang-ayon ni Cherry. Wala siyang maisagot sa kaibigan. Natahimik siya nang ilang segundo. Totoo naman kasi ang sinabi nito sa kanya. To be honest, she still doesn't know what she will with her life. Wala pa siyang plano sa kung ano ang susunod niyang gagawin. Hindi niya ito napaghandaan.
"Just make it sure that I will enjoy this. Lagot ka talaga sa akin kapag hindi," pagbabanta niya. Wala na rin naman siyang magagawa. She's already here. Turning back is not a good decision for her, especially that the whole country already knows her after she brought pride winning the most prestigious pageant for a transgender woman like her. She made a notable name which made her a public figure.
"Sure. Sure." Ramdam ni Cherry ang paglapit ng mukha ni Carlos sa gilid niya. Kasabay nito ang pagkuha ng cell phone mula sa kamay niya't pinatay ang tawag. "You are free to do whatever you like and want to do with me, Che, if you don't enjoy this event," Carlos seductively whispered right at Cherry's ear.
Cherry shivered when Carlos' breath kissed a part of her ear and nape. Hindi niya napigilan na mapaikot habang pinapalipad ang kamay. Malakas na tumama ang palad niya sa braso ni Carlos. "Dream on, Carlos! Never in my wildest imagination that I will do that to you. Kabahan ka nga sa sarili mo."
Tanging ang pagtawa lamang ni Carlos ang naririnig niya. Wala siya ideya kung ano na ang nangyayari sa paligid nila. She did not even have a second to scan the place before she was blindfolded. Carlos caught her off guard.
"Ito naman. Parang hindi ka naman sanay, binibiro lang kita. At saka marami namang babae ang naghahabol sa akin. Hindi ka kawalan, my queen best friend," mahangin na sabi nito.
"Yabang. Oh, ano na? Kala ko ba magsisimula na ang event? Bakit nakuha mo pa akong pagkatuwaan? At saka, give me my phone back." Nilahad ni Cherry ang kamay sa harap niya as if nakikita niya ang kausap.
Cherry did not dare and bother to untie the blindfold. Wala na siyang choice kundi ang pumayag. Sayang din naman ang pagpunta niya rito kung aatras lang din siya. Nagpakahirap pa naman siyang hanapin ang lugar na 'to with the help of internet and GPS.
Instead of receiving her mobile phone, nagulat na lang siya na kinuha rin nito ang purse na hawak niya. Binalik din naman nito agad makalipas ang ilang segundo. "Ayan na. Nilagay ko na rin sa purse mo. Baka mabitawan mo pa kasi."
Hinawakan siya ni Carlos sa magkabilang balikat. Inikot siya nito. "Follow my lead," anito bago siya nito tinulak upang paglakad.
"Kung pwede lang talaga na ako na lang ang kasali rito, ginawa ko na," sobrang hina na bulong ni Carlos.
"May sinasabi ka?"
"Wala. Sana mag-enjoy ka rito. At ito ang maging reason para lalabas ka na sa lungga mo kahit walang events." Tinulak siya nito ulit. Mahina lang ang pagkakatulak nito sa kanya. Sapat lang upang ma-guide siya sa dapat niyang puntahan.
Tahimik lamang na sumusunod si Cherry sa kung saan man siya dalhin ni Carlos. She still doesn't have an idea on what's happening or what kind of event Carlos brought her. Makalipas ang halos isang minutong paglalakad ay may naririnig na siyang nagsasalita gamit ang microphone.
"Our main girl date is already here. We can finally start."
Cherry's mind immediately got her answer when she heard the host. Date, ulit niya sa sarili. Is this a blind date?
Bago pa man siya makapag-react ay pinaupo na siya ni Carlos. "Enjoy, best friend. See you later... or tomorrow? Ang gwapo nang nasa harap mo," natatawang bulong ni Carlos.
Carlos tapped her shoulder before leaving her alone with a stranger.
"There. We're all set," the host mentioned. "Everyone, in the count of three, you can take off your blindfolds and enjoy the moment," tila kinikilig pa na sambit ng host. "Okay. In three," the host started counting down.
"Two..."
Halos mabingi si Cherry sa lakas ng kabog ng dibdib niya habang pinapakinggan ang host. How did I end up here again?
"One..."
"Take off your blindfolds! Enjoy!"
Kinakabahan man, dahan-dahan na tinanggal ni Cherry ang blindfold sa mga mata. A pair of eyes welcomed her sight, seriously and sternly staring at her.