Malinaw na nakikita ni Peyton mula sa kinaroroonan niya ang mga kandidatang naglalaban-laban sa stage. Nasa isang banda siya na hindi kalayuan sa stage at malayo sa lamesa ng judges. Kasama niya ang kanyang mga staff na siyang nagta-tabulate ng scores na galing sa judges.
He really didn’t plan on coming to this event- pageant competition to be exact. Napilitan lamang siya na pumunta rito dahil ang firm nila ang official tabulator ng Miss Universe Queen Philippines. At dapat nandito talaga siya para malaman niya rin ang kalakaran ng businesses at organisations na clients nila.
Halos hindi na mapalagay ang kalooban ni Peyton sa kanyang nakikita habang patuloy na nagpapagalingan ang mga kandidata. He's disgusted with the way how the girls perform on stage especially that he knows that the candidates are transgender women. Ayaw na ayaw niya talaga sa mga ito. Hindi niya mawari kung bakit gusto at pinipilit ng mga ito ang magmukhang babae. Para sa kanya, bakla na nga sila, hindi pa nakukuntento sa katawan na mayroon ang mga ito. At saka kahit magmukha pang babae ang mga ito ay lalaki pa rin ang mga ito sa kanya. Walang pinagkaiba sa mga binabae. Kung hindi lang talaga tungkol sa negosyo kung bakit siya nandito ay hindi siya mag-aaksaya ng oras dito.
Pilit na tinatago ni Peyton sa sarili ang pagkadisgusto niya. He's trying his best to hide any sign of dislike on his gestures and facial expressions. Mahirap na kung may makahalata lalo na't marami ang tao sa loob ng venue. Iwas issue na rin kahit na gusto na talaga niyang umalis.
"Sir Peyton, ito na po ang results for final cut. Pa-check na lang po kung may nakaligtaan," tawag ng isang staff ni Peyton sa kanya.
Tumayo siya't lumapit sa table ng mga ito. Nagkalat ang scoresheets sa tabi ng laptop ng mga ito sa lamesa. It's not new to him to see them like this. Ganito palagi ang naaabutan niya sa kanilang opisina. Magulo ang mga working papers.
Tiningnan ni Peyton ang tabulation na ginawa ng kanyang staff sa laptop nito. He checked it with the criteria that were given to them by the organisation. Isa-isa niyang tiningnan ang nalagay na formula at figures kung nagtutugma ba ang mga ito.
"Okay na ito. You can print it now and give it to the host once done," sambit ni Peyton nang masigurado niyang malinis ang pagkakagawa nito.
His head turned around to scan the whole place. Marami ang mga taong nanunuod ng patimpalak at nag-aabang sa ginagawa nilang results. May mga tarpaulin at malalaking letra pa na may LED light na hawak ang ibang supporters ng mga kandidata. Hindi niya maintindihan kung bakit marami ang tumatangkilik sa mga beauty pageant na ganito. This must only be for girls by birth. And in cases of male pageantry, only straight guys must be allowed to join.
Tumungo sa stage ang tingin niya. Nakahanay na ang mga kandidata na nakapasok sa first cut ng patimpalak, naghihintay sa resulta ng katatapos lang na segment. Lumabas na rin ang ilan pang mga kandidata na hindi nakapasok sa first cut. Nasa likurang bahagi sila ng stage habang ang mga naglalaban pa ay nasa harap. Inaanunsyo ng host ang ilan sa mga special awards ng mga sponsor at iba pa.
Habang tumatagal ang pagtingin ni Peyton dito ay lalo lang siyang naaasiwa. Kung kaya napag-isipan niya na lumabas saglit. Tapos na rin naman ang trabaho niya rito. Hanggang sa final cut lang ang ita-tabulate nila - ang top 5.
Desisyon na ng judges ang masusunod sa final results na pag-uusapan nila sa deliberation kung anong korona ang bagay sa isang kandidata. Hindi lang kasi isang korona ang pinaglalabanan sa Miss Universe Queen Philippines. May dalawa pang korona. Ngunit, ang Miss Universe Queen Philippines ang pinakamataas at ultimate crown at title na mapapanalunan dito. Ang dalawang matitirang kandidata ay ang runners up ng tatlong title holder na kahit anong oras ay pwedeng pumalit sa mga may korona sa pagkakataon na mag-resign o ma-dethrone ito.
Sa gilid ng stage dumaan si Peyton. This was a restricted area for the audience. Kaya hindi marami ang tao rito. Tanging ang staff at lahat ng involve lang sa contest ang pwede rito.
Peyton was busy checking his email as he takes the spacious pathway when he accidentally bumped into someone. His hold to his phone loosened, causing it to fall to the carpeted floor.
Umatras ng kaunti si Peyton at yumuko upang abutin ang nahulog na cell phone. Matapos niyang makuha ang cell phone ay saka pa lamang siya napatingin sa nakabungguan niya.
"Sorry, miss. I was not looking where I’m going," hinging paumanhin ni Peyton. Dahan-dahan ang naging paglingon niya rito. Pansin niya agad ang magandang kasuotan nito. Kumikinang ang detalye ng suot nitong kulay asul na evening gown. He was mesmerized the moment he saw the beautiful face of the person he bumped with. Bigla siyang natulala sa kanyang nakikita. It was like he was looking to an angel standing in front of him, fixing her gown that's slightly messed up.
"O-Okay lang. Hindi rin kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko. I'm sorry, too," malumanay na sagot ng nakabungguan ni Peyton. The sound of her voice was soothing to Peyton's ears.
Doon pa lang natauhan si Peyton mula sa pagkakatitig niya rito. He cleared his throat and chuckled a bit. "I'm really sorry, miss. If you don't mind, I'll help you fix your dre-"
"Cherry, bilisan mo na. Kailangan ka na sa backstage para sa final walk mo. Ito na pala ang korona mo," putol ng paparating na si Carlos sa sasabihin ni Peyton. Lumapit ito sa babaeng kaharap niya na lumingon sa tumawag dito.
Hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon si Peyton na makausap si Cherry. Nagmamadali na kasi isinuot dito ang ang isang korona at hinila ni Carlos papunta ng backstage. Tila natulala ulit si Peyton sa kanyang nasaksihan.
"Tang ina," naibulong na lamang ni Peyton sa sarili. He shook his head. He couldn't believe it that he was deceived by Cherry's appearance. He doesn't need to be a genius to figure it out that Cherry is a transgender woman especially after wearing the crown. Kung hindi pa dumating si Carlos ay hindi niya malalaman na hindi tunay na babae si Cherry. He hissed to himself. Napalapit siya sa isang miyembro na kinaaayawan niya.
Mabilis na nag-init ang ulo niya dahil sa pangyayari. Hindi na niya talaga matiis na hindi lumabas. Napailing siya habang naglalakad. Hindi niya lubos maisip na naloko siya ng isang transgender woman. Akala niya talaga na isa itong babae mula sa pagkapanganak nito. She was too perfect to be a girl. Daig pa nito ang tunay na babae kahit ang panlabas na anyo lang ang pagbabasihan.
Mabilis siyang naglakad sa lobby ng arena. He needed fresh air to make himself calm. He must be composed already once he gets inside again. O pwede na nga siya umalis na rito. Tapos na naman ang trabaho niya. At kung mayroon pa mang natitira, may tiwala siya na kaya na ito ng mga staff niya.
No one knew he was transphobic since he doesn't show it to others. Huwag lang talaga siya magkaroon ng malapitang encounter kagaya sa nangyari kanina. If only he knew Cherry was a transgender woman in the first place, he's not sure what he has already done being that close to her.
Nakahinga siya ng malalim nang nasa labas na siya ng arena na venue ng Miss Universe Queen Philippines. Pinakalma niya ang sarili. Alam niya sa sarili na masisira ang reputasyon niya kapag nagpadala siya sa galit at inis niya. Hindi siya maaaring gumawa ng eksena sa harap ng maraming tao.
Sinabunutan niya ang kanyang sarili kasabay ng malakas na simoy ng hangin na yumakap sa kanya. Mabilis na napawi ang pagkairita na kanyang nararamdaman.
Inayos ni Peyton ang sarili at tumingin sa malaking gusali na pinagdadausan ng pageant. Nagdadalawang-isip siya kung papasok ba siyang muli o hindi na. Wala naman na siyang gagawin pa sa loob. Kapag bumalik siya, makikita lamang niya ang nakabungguan niya. Napangiwi si Peyton nang maalala ang pangalan na tinawag ng lalaki rito.
"Cherry." Peyton hissed. "What a generic name. Panigurado hindi iyon ang totoo niyang pangalan. Pretender," singhal niya.
"What a surprise to see you here, Mister Wise," masiglang bati ng boses na hindi kalayuan sa kanyang gilid.
Nilingon ito ni Peyton upang malamang kung sino ito. Napabuga siya ng hininga. Hindi ba siya nito titigilan?
"What is it now, Prince?" Pinanliitan ito ng tingin ni Peyton.
"Chill ka lang, Peyton. I'm not here for you. Nagkataon lang na nakita kita. I never knew that you're into this kind of events," nakangisi ani Prince.
Peyton sneered. "Mali iyang iniisip mo, Prince. Our firm is the official tabulator. Kaya nandito ako." Nagsisimula na man siyang mairita. Sa tuwing nagkikita kasi silang dalawan ni Prince ay kinukulit siya nito na subukan ang ino-offer ng negosyo nila.
Isang dating agency ang business ni Prince. Marami itong mga pakulo sa negosyo gaya na lamang ng blind date. Isa si Peyton sa matagal na nitong kinukulit at kinukumbinsi na maging isa sa ipapa-date nito. Nagsimula siya nitong kulitin nang ang accounting firm ng pamilya nina Peyton ang humawak sa aspeto ng accounting. He could still remember their first meeting where Prince immediately made a proposal to him to be one of their dates. Matagal-tagal na rin siya nitong hindi tinigilan.
"Anyway, since nagkita naman tayo, napag-isipan mo na ba ang offer ko?" as expected, Prince said. Malaki ang ngiti nito.
Peyton heaved a sigh. "I'm still thinking about it. Don't rush me or I'll instantly reject it," tanging naisagot ni Peyton.
"Okay. You said it. I'll just wait for your confirmation, Mr. Wise," paalam nito at iniwan si Peyton.
Napaisip si Peyton sa sinabi nito. Wala naman sigurong masama kung susubukan niya ito. He also needs a breather before he takes over their business next year. Puro pag-aaral at negosyo ang inatupag niya simula nang magkaisip siya. He was too focused to be the perfect heir his family will have. It's not bad if for once he'll give himself a break.