CHAPTER 4

774 Words
CHAPTER 4 – KISS FAYE POV. “A-are you crazy?!” Nauutal na sabi ni James at tumayo sa pagkakahulog sa upuan niya. Narinig ko din ang bulungan sa mga kaklase namin na halatang gulat na gulat sa ginawa ko. Napalunok ako ng laway at walang takot na hinarap siya. “Hindi. Seryoso ako sa mga sinasabi ko ngayon! Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo!” wika sabay titig sa kaniya ng matalim. Napatawa siya ng malakas at napailing. “Ganyan ka na ba talaga ka desperada, miss?” Nakangisi nitong sabi. Medyo nasaktan ako ng very slight ‘dun sa desperada na part pero keri naman sa kalandian ko. Mukhang totoo naman kasi, dahil kung hindi pa ako desperada hindi ko ‘to gagawin. Ang gaga ko naman kung masaktan pa ako. “Ganun kita kamahal.” Seryoso kong sabi na nagpatahimik sa kanya. “Bakit kay James pa nagkagusto si Faye eh ang sungit sungit ng lalaking yan. Mala dyosa naman si Faye tapos matalino pa. Marami pang iba d’yan!” wika ng isang kaklase ko. “Hala! Bakit si James ko pa!” paiyak-iyak na sabi ng isang kaklase ko. “Tumahimik ka nga, si Faye nga hindi gusto ano pang panlaban mo?” saway naman ng kasama nito. “Faye, akin ka nalang kasi!” sigaw naman ng isa pa. “Well, sorry to tell you, miss. Hinding hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo sa akin.” Sabi niya at umalis sa harapan ko. Nabitawan ko naman ang dala dala kong regalo at napayuko. Hindi ko maiwasang maiyak sa sakit. Napakasama talaga ng lalaking ‘yun. Hindi niya man lang iniisip ang nararamdaman ko. “Uhm, Faye?” Napatigil ako sa pag iyak ko ng may tumawag sa aking pangalan. Nandito ako ngayon sa may field. Dumiretso agad ako dito noong nireject ulit ako ni James. Dito ko iniyak lahat ng sakit nararamdaman ko. “A-april.” Bahagya akong nagulat ng makita ko ang kaisa isang kaibigan ni James na si April. Umupo siya sa tabi ko at nginitian ako. “Narinig ko ang nangyari sa classroom niyo. Pagpasensyahan mo na si James ah.” Napayuko ako. “Ganun lang kasi talaga siya. Hindi siya sanay na may mga babaeng umaaligid sa kanya at kumukulit. P-pero mabait naman si James.” Nakangiti nitong sabi. Tumingin ako sa kanya. “K-kaya niya ako pinahiya kanina? Bakit ang sama niya. B-bakit ang manhid-manhid niya.” Sabi ko at naiyak ulit. Nakita ko ang lungkot sa mukha ni April. “S-sorry talaga sa kaibigan ko, Faye. Ako na ang humihingi ng kapatawaran sa ginawa niya sayo.” “O-okay lang. Masasanay din ako sa mga salita niya. Hindi ako susuko at ipagpapatuloy ko ang panliligaw ko sa kanya.” Sabi ko at pinilit na ngumiti. Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko. “M-mahal mo ba talaga si James?” Tumango at at ngumiti. “Oo naman. Mahal na mahal ko siya. Kaya ko nga ginagawa ‘to no.” Pumasok na ako sa classroom namin noong tumunog na ang bell. Hindi ko maiwasang mahiya sa nangyari kanina. Nakatingin parin ang mga kaklase ko sa akin habang nagbubulungan. Nakita ko din si James na tahimik na nakaupo sa upuan niya habang nagbabasa. Napayuko ako ay dahan-dahang umupo sa aking upuan. “Kawawa naman si Faye. Bakit kasi siya kay James nagkagusto.” “Sayang ganda niya, hindi naman siya gusto ni James.” Napabuntong hininga nalang ako at nakinig sa lesson ng aming guro. Pagkatapos ng klase ay nagliligpit agad ako ng gamit ko at dali daling pinuntahan ang pwesto ni James at hinarangan siya. Kumunot ang noo niya at tinignan ako ng napaka-sama. “Ano na naman ang gusto mo?” Masungit nitong sabi. Napalunok ako sa laway ko at hindi pinakita ang aking panginginig. “T-tungkol sa nangyari kanina—” “Ah, kanina? Please, tama na.” Sabi niya, na nakakapag pahinto sa pagsasalita ko. Umiling naman ako. “No. Hindi ako titigil.” “Ha! Ibang klase ka rin no?” sarkastiko niyang tawa. “Magpapatuloy ako sa panliligaw ko sayo sa ayaw at sa gusto mo kasi mahal kita.” Napangisi siya at napatingin sa akin. “You know what, you’re unbelievable.” Ngumiti naman ako. “I know.” Nanlaki ang mga mata niya sa sunod kong ginawa. Napakurap siya sa kanyang mata at hindi makagalaw na ani mo’y statwa. Hinalikan ko siya sa labi. “That’s my first kiss at sayo ko lang binigay ‘yan.” Nakangiti kong sabi at iniwan siyang tulala at parang bato sa loob ng classroom namin. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD