CHAPTER 2

1366 Words
CHAPTER 2 – PARTNER FAYE POV. "Napapansin mo ba si Josie, Faye? Palagi nalang siyang nakadikit sa crush mo." Sabi ni Andrea. Si Josie na tinutukoy niya ay ang kakambal ni April pero hindi sila magkamukha. Napapansin ko nga din na laging nakadikit si Josie kay James. Pero hindi naman ako nag iisip ng masama sa kanila kasi kapatid siya ni April at siguro magkaibigan lang talaga sila ni James. "Magkaibigan lang 'yan sila." "Magkaibigan?! Hindi mo ba naririnig ang mga chismis na mag jowa ang dalawa?!" sulsol sa akin nito. Inirapan ko ang bruha at ibinaba ang libro na aking binabasa. "Magkaibigan nga lang kasi." Pagdidiinan ko. "Edi magkaibigan, sabi mo eh. Pero tignan mo 'yun oh!" pagngunguso nito sa isang direksiyon. Napatingin naman ako sa tinuro ni Andrea. Nakita ko si Josie na nakakapit sa braso ni James habang malaki ang ngisi sa mukha. Kahit na anong pilit kong paniwalain ang sarili na magkaibigan lang sila. Hindi 'yun ang nakikita ko sa bawat ngitian at kulitan nila. Hindi ko tuloy maiwasang magselos at makaramdam ng inggit kay Josie. "Sana all Josie! Huhuhu pwede palit tayo ng buhay?!" sa isip-isip ko. "Oh diba? Bali-balita ngayon dito sa buong campus na mag jowa na ang dalawang 'yan." Pang-gagatong ng magaling kong kaibigan. Hindi ko mapigilan ang aking sarili kaya kinuha ko ang bagong talim kong lapis at hinawakan ng mahigpit. "Hoy, Faye ano 'yan? Sasaksakin mo sila? Hoy, maghunos-dili ka Faye. Hindi ka masamang tao." Pag-iinarte ng gaga. "Gaga! Bakit ko naman gagawin 'yun?" saway ko sa kaniya. "Eh, bakit mo hawak 'yan parang gusto mo silang saksakin?" aniya. "Ano ba, ito 'yung buburahin ko." Wika ko sabay buklat ng aking notebook sabay bura sa flames na ginawa ko sa pangalan namin ni James. "Gaga ka! Malapit ka nang grumaduate pero nagpi-flames ka parin?" pagtawa nito sa akin. Pero wala akong pakialam sa biro niya dahil sa totoo pang ay sobra akong nasasaktan sa tuwing iniisip na mag jowa si James at si Josie. Napayuko naman ako at hindi mapigilang masaktan ng sobra. "Ano bang meron kay Josie na wala ako? Sa pagkakaalam ko pantay lang naman ang ganda namin ni Josie. Pero mas sexy ako at matalino pa. Bakit hindi ako magustuhan ni James?" pagsi-self pity ko sa isipan. Pagkatapos ng Lunch Break namin ay pumunta na kami sa classroom. Philippine Politics and Governance ang subject namin ngayon kaya kailangan kong makinig talaga. Hindi kasi ako masyadong magaling sa politics kaya kailangan ko talagang makinig kasi part ito ng major subjects ng HUMSS strand. "Today guys, I will schedule you for your reports next week. By partner ito at ako ang pipili kung sino ang partner niyo. Are we clear?" Sabi ng teacher namin na si Sir. Catubig at tinignan ang class record niya. Sinabi na ni sir kung sino ang mga kapartner ng mga kaklase ko, habang ako naman ay matamlay dahil naiisip ko pa rin ang sweetness ni James at Josie kanina. Hanggang kinuha ni sir ang atensyon ko nang tinawag niya ang pangalan ko. "Castillo, Faye Aisha!" "Ms. Castillo?!" pag-uulit ni sir. "P-po? Sorry, sir." "It's okay. Just write down the name of your partner and your topic." Wika ni Sir. "Okay sir!" sagot ko at inihanda ang ballpen at papel. "Faye Castillo... at ang partner mo ay si, Real, James Lloyd!" Matapos sabihin ni Sir ang pangalan ni James ay napahinto ako at napakurap ng marami. Totoo ba? "At ang topic n'yo ay..." "—sir pwede ho bang magpalit?" bigla kong sabi kaya hindi na niya natapos ang sasabihin. "At bakit naman?" pagtatanong niya. "Kasi sir, crush niya si James! Nag confess 'yan kahapon. Nahihiya 'yan! Ayiee!" pag epal ng isa sa mga kaklase ko at nakikitukso na rin. Naalala ko tuloy ang kahihiyan ko kahapon. Nakakahiya! "Ayaw ko rin siyang ka partner sir!" biglang sabat ni James habang tinutukso kami ng buong klase. Ouch! Ansakit ng sinabi niya! "Faye, kung ayaw sa'yo ni James, akin ka na lang. Ikaw kaya pinakamaganda sa classroom." Biro naman ng isa sa mga lalaki kong classmate. "Sige na, tama na 'yan! Ms. Castillo and Mr. Real! My decision is final, and I suppose mas mabuti 'yun dahil magkaklase kayo at dapat may good camaraderie kayo." Nagkatinginan kami ni Andrea at nakita ko ang kanyang pag ngisi. Sinulyapan ko naman si James na seryoso at walang expression na pinapakita. "Mr. Real at Ms. Castillo, kayo ang magrereport sa lesson 5. Isesend ko nalang sa mga email niyo ang copy, next week ang inyong reporting. "Yes, sir." Matipid na sagot namin ni James. Matapos mag assigned ni Sir ng mga reportings namin ay nag dismissed na siya. Nagsilabasan naman ang mga kaklase ko at naiwan na lang kami ni Andrea. "Grabe, bes! Destiny talaga kayo ng crush mo kasi magkapartner kayo." Nakangising sabi niya. Namula naman ang pisngi ko sa sinabi niya. "A-ano ba. Wag ka ngang ganyan! Hindi naman siguro." "Asus! Wag ka na ngang ano jan, gusto mo naman eh." Napanguso ako. "Imemeet ko muna si Gelo ah? 'Yung ka partner ko sa reporting. Ikaw, hindi ba kayo mag-uusap ni James?" Nakataas ang kilay na sabi nito. "U-uhm, kakausapin ko ngayon." "Well, goodluck!" Nakangisi nitong sabi at lumabas na ng classroom. Bumuntong hininga ako at niligpit na ang mga gamit ko. Hinanap ko naman si James ng makalabas na ako ng classroom. Pinuntahan ko ang mga posibleng tambayan niya ng mga oras na ito hanggang sa makapunta ako sa may cafeteria. Nakita ko siya na nakikipag-usap kay Josie. Nakangiti si Josie habang nagkukwento kay James ngayon at kita din sa mukha ni James na interesado ito sa mga sinasabi ng babae. Kumirot bigla ang puso ko. Bakit ba ganito nalang ang selos na nararamdaman ko? Ganito ba talaga kapag mahal mo ang isang tao? Huminga ako ng malalim at naglakas loob na lumapit sa kanila. Napatigil si Josie sa pagsasalita ng makita ako nito. Napalingon din si James at malamig akong tinignan. "Faye, ikaw pala." Nakangiting sabi ni Josie. Naging kaklase ko kasi itong si Josie noong junior high kaya kilala niya ako. "Hi, Josie." Bati ko dito at bumaling kay James. "Gusto ko sana makipag-usap sayo." Kinakabahan kong sabi. Tumaas ang isa niyang kilay. "About what?" "Reporting." Tumango siya at tumayo. Humarap siya kay Josie at ngumiti dito. "Alis na muna ako, Josie. Tuloy nalang natin ang kwentuhan, maybe next time?" nakangiting sabi nito. "Sure! Ingat kayo, James at Faye." Nakangiting sabi ni Josie. Ngayon ko lang nakitang nakangiti ng ganun si James, at si Josie talaga ang dahilan sa mga ngiti na 'yun. Baka totoo nga ang sinabi ni Andrea na mag jowa sila. Pero pwede naman na hindi. Pwede naman na magkaibigan lang sila kagaya ni April eh. "So, what?" Sabi ni James ng makapunta kami sa may field. Dito kami pumwesto malapit sa may puno ng mangga. "Uhm..pwede ba magtanong?" Tumaas naman ang kilay niya. "What?!" "G-girlfriend mo ba si Josie?" Kinakabahan kong sabi. Nakita ko naman ang pag ngiti niya. "Bakit, nagseselos ka?" Bumilis ng malakas ang t***k ng puso ko sa sinabi niya. Napaiwas ako ng tingin at naramdaman ang pag init ng aking pisngi. "H-huh? H-hindi naman. Kasi may usap usapan na girlfriend mo daw si Josie." Mahina kong sabi at napayuko. Narinig ko ang mahina niya pagtawa kaya napatingin agad ako sa kanya. Nakita ko siyang nakatingin sa akin habang nakangisi. "She's not my girlfriend, Faye. Kaya 'wag ka ng mag-isip ng kung ano ano jan." Nakangisi parin nitong sabi at umiling iling. Buti naman at hindi totoo ang chismis. Nakahinga ako ng maluwag doon ah? "P-pero James... May tanong ulit ako?" Muli siyang napatingin sa akin habang nakakunot ang noo. "Ano na naman? Akala ko ba pag-uusapan natin ang tungkol sa reporting. Bakit parang ang dami mo namang tanong sa 'kin." Parang naiirita nitong sabi. "L-last na 'to..may gusto lang ulit akong malaman." Tumaas ang isa niyang kilay. "Ano 'yun?"sabi nito. "Ano ang mga katangian na gusto mo sa isang babae? Baka kasi meron ako, kung wala naman..pwede ko naman gawin diba?" Napanganga nalang siya sa biglaan kong tanong. Habang ako naman ay sobrang namumula sa hiya dahil sa kagagahan ko. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD