CHAPTER 32 THE GAY CEO FAYE POV. “Namiss ko na talaga itong inaanak ko! Sorry, anak, ha? Busy lang talaga si tita mommy mo sa work kaya hindi kita nadadalaw. Para rin naman ito sa future mo anak kaya ‘wag kang mag alala,” pagdadrama ni Andrea habang karga-karga ang anak kong tuwang tuwa sa kanya. Nakatingin lang kami ni Jared kay Andrea habang kausap niya ang anak kong walang kaalam alam sa nangyayari. Magkasabay na pumunta si Andrea at Jared sa bahay upang bumisita sa amin ni baby Caleb. Nasa trabaho na rin si James at may mga importante na meetings na pupuntahan. “Buti na lang talaga lagi kang nandito, Jared! Nag alala rin ako dito sa bestfriend ko at sa anak niya. Ang tahimik pa naman dito sa bahay nila at baka mabaliw bigla si Faye!” Gaga talaga itong si Andrea. Kung ano ano nal