THE GAY CEO CHAPTER 19 FAYE POV. Pagkatapos kong marinig ang masasakit na salita ni James sa akin ay umalis na ako agad-agad sa kanyang opisina. Masakit makitang mas kinakampihan niya pa si Paul kaysa sa akin na asawa niya. Alam ko na may ugnayan silang dalawa pero sana naman piliin din ako ni James. Asawa na niya ako kaya dapat alam niya kung sino ang pipiliin niya at sino ang kakampihan niya. Hindi ko na tinawagan ang driver namin at sumakay nalang ng taxi. Agad kong tinawagan si Andrea pero hindi niya ito sinasagot. Siguro busy siya sa trabaho niya o sa boyfriend niya kaya hindi ko nalang kinulit. Napapikit ako at hinayaan na tumulo aking mga luha sa aking mata. Maghapon akong nakaupo sa isang swing sa park na pinuntahan ko ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayoko ko pa umuw