THE GAY CEO CHAPTER 16 FAYE POV. “Bakit simangot ang mukha ng ating bride ha?” Nakangising sabi ni Andrea ng lapitan niya ako. Tapos na ang kasal namin ni James. Ginanap ito sa malawak na Garden Hall ng Real Hotel at dito narin ginanap ang reception. Hindi ako makapaniwala na isa na akong ganap na Real. Asawa ko na si James at akin na siya. Pero kahit kasal na kami nararamdaman ko parin ang ayaw niya sa pangyayari ngayon. Iniwan lang ako ng basta basta ni James dito sa gilid at pumunta siya sa mga kaibigan niya sa business. Kahit kailan talaga si James napaka walang hiya. "Wala. Naiinis lang talaga ako kay James." Sabi ko kay Andrea. "Nako, friend! 'Wag mo na nga lang problemahin 'yan. Dapat maging masaya ka ngayon kasi kasal mo! Ito uminom ka ng alak!" Sabi niya at inabot sa akin