THE GAY CEO CHAPTER 26 FAYE POV. “Malay mo busy lang ang asawa mo sa work, Faye. Alam mo naman ang isang ‘yun napaka workaholic.” Sabi ni Andrea habang nakatingin sa akin na kanina pa umiiyak. Ewan ko ba pero malate lang ng uwi si James o di kaya hindi siya makauwi sa bahay ang dami ng bumabagabag sa utak ko. Ganito ba talaga kapag buntis? Alam ko naman na busy si James pero sana naman nagtext siya para mag-paalam, pero wala eh. Hindi ko na din siya nakikita at nakakausap kaya masisisi ba niya ako kung maging praning ako. Tinakasan na niya ba ako? No. Hindi to pwede. “Hoy, Faye! Tama na nga ‘yang pag iyak mo at baka ano pa mangyari sa inaanak ko!” Sabi ng kaibigan ko at mabilis na pinunasan ang luha sa aking mukha. Sana nga mali ang iniisip ko. Sana nga nag over think lang ako.