Third Person's POV Walang emosiyon na pumasok sa loob ng kanilang bahay ang lalaki, bumungad sa kaniya ang asawa ngunit hindi niya ito napansin. "Xavier, What--" hindi niya din natapos ang sasabihin ng lampasan siya nito na para bang hangin lamang. Nahigit niya ang kaniyang paghinga kasabay ng pagkatulala niya, pilit pinoprosesa ng kaniyang utak ang ginawa sa kaniya ng asawa, ngayon ngayon lamang. Tuloy-tuloy lang sa paglakad ang asawa na para bang hindi siya nakita. Nang matauhan ay kaagad niyang hinabol ito at niyakap mula sa likuran. "Hon, what happened to you? Why are you out minded?"malambing niyang sambit. Kasabay ng paghigpit niya sa yakap ng asawa, mas lalo niya pang isiniksik ang sarili sa lalaki. Doon lamang nabalik sa wisyo ang binata at natauhan. He snapped his thoughts