Chapter One - Let's Meet Mona Lisa
ANG MAKUKULAY na larawang ipininta ni Lianne ang bumibida sa paligid ng studio kung saan nagaganap ang malaking kasiyahan. Sa bawat sulok, maririnig ang samu't saring papuri sa talento ng batang pintor. Bawat imahe ay may nakaabang na taga-hanga, hindi maiwasang tumigil at sulyapan ang mga obrang sadyang mapaglaro sa paningin.
Kasabay ng ingay mula sa mga bisita ay namamayani rin ang malambing na tunog sa buong lugar. Tunog na nagtatago sa dalawang pares ng matang pilit kumukubli sa gitna ng maraming panauhin. Nang tumigil ang malambing na tugtugin, huminto rin ang mga lahat sa pag-uusap.
"Ladies and gentlemen, let us acknowledge the presence of the talented person who did all of these wonderful paintings. Please welcome, Miss Lianne Evangelista."
Dumagundong ang malakas na palakpakan sa loob ng exhibit studio nang masilayan ang pag-labas ng magandang dilag. Wearing a white silk cocktail dress, she faced the crowd with a charming sweet smile. Dahan-dahan siyang humakbang pababa ng hagdanan upang makarating sa maliit na entablado. Nawala lahat ng kabang namamayani sa kanya kanina nang humawak na siya ng mikropono at nasilayan ang masayang mukha ng mga bisita.
"Good evening. I want to thank each and every one of you for coming in this event." panimulang bati niya sa mga ito.
"As you all know, this was my first local exhibit. I painted each piece thinking of mysterious joys of life. A morning greeting, a smile from a passer-by or a cup of coffee every morning. These things brought light to our gloomy days no matter how small they seem. Keeping that in mind during the process, I was able to create a piece that resonates with me the most."
Bumukas ang kurtina sa likuran ng entablado at bumulaga ang isang malaking larawang mas malaki pa sa dalagang pintor. Nakapinta rito ang isang batang babaeng misteryosong nakangiti at may hawak na pulang lobo sa gitna ng kawalan. Ang mga kulay na ginamit sa larawan ay tila sinadyang tingkaran upang maka-agaw ng pansin.
"I present you, the painting I'd like to call as 'Clara'. A little wandering girl, looking up the sky with a balloon dyed red. This is to symbolize how each one of us, like this painting, have their own mysterious joys that no one will understand except ourselves."
Muling narinig ang masigabong palakpakan matapos ang talumpating iyon ni Lianne. Lahat ay pawang napahanga at hindi maalis ang paningin sa napaka-gandang larawan sa kanilang harapan. It was indeed a master piece! Hindi makakailang may kung anong elemento sa larawang 'yon ang nag-uudyok sa mata ng karamihan na tumingin at mamangha sa angkin nitong ganda.
Buong galak na bumaba ang dalagang pintor mula sa entablado, saglit siyang nakipag-batian sa mga panauhin ngunit kalaunan ay nakaramdam siya ng pagod kaya't sandali siyang lumayo sa pinagdadausan ng kasiyahan habang hawak ang isang baso ng wine.
Lihim siyang napapa-ngiti sa kanyang kaloob-looban. Kanina niya pa sinusubukang itago ang labis na kasiyahang nadarama niya ngayon. She just can't help it. This is the day she had been waiting for so long.
Ang araw kung saan makikita ng lahat ang mga obrang ilang gabi niyang pinagpuyatan at pinagpawisan. Ang katuparan ng mga pangarap na hindi niya akalaing darating pa sa kanyang buhay.
Finally. Her very own painting exhibition in the country. No matter how many international painting competitions she'd join or won over, nothing could beat the pride of doing all these in your own homeland.
Gusto niyang tanungin ang sarili kung hindi nga ba siya nananaginip. Totoo na nga ba lahat ng tinatamasa niya ngayon? Sinapo niya ang kanyang noo at napa-ngiti.
"I'm so proud of you, hija." isang tinig mula sa likod niya ang narinig kaya't agad siyang napalingon.
Unti-unting nag-laho ang matamis na ngiti ng dalaga nang mapagtanto kung sino ang nagmamay-ari ng tinig na yaon. It was the very last person she wanted to see - her step mother.
"T-Tita." nauutal niyang tawag dito. Gulat man ay nagawa niya pang makipagbeso at pilit na ngumiti.
"W-What a surprise." tanging nasabi niya.
"Didn't expect me, sweetie?" may himig ng panunuya na tanong ng ginang at ngumiti. "Paano mo nga naman ako aasahan kung ni invitation hindi mo 'ko pinadalhan."
Napakagat na lang ng labi si Lianne at yumuko. "Sorry, Tita.."
"Hindi ba sinabi ko na sa'yo na Mommy ang itawag mo sa'kin?" putol muli ng ginang sa pagpapaliwanag niya.
"You never learn, don't you hija?"
"Tita - I mean, Mommy naman." nayayamot nang pahiwatig ni Lianne. Sa totoo lang, hindi kailan niya kailan man nagustuhan ang step-mother niya.
Yes, she has no grudge against her. Infact, she was thankful that she came in her father's life. Ang tanging problema lang naman, hindi niya makuhang ituring na ina ang step mother niya. Para sa kanya kasi, hinding-hindi mapapalitan sa kanyang puso ang yumao niyang ina.
"Okay, I'm sorry. I promise, hindi na mauulit." malambing na pag-susumamo niya sa ginang.
Nagbuntong-hininga lamang ito at tinapik ang balikat niya. "What else can I do? Ayoko namang sirain ang gabi mo just because of my petty issues." tugon nito at ngumiti.
"But I'm really proud of you sweetie. "
"Thank you, mommy." niyakap ng dilag ang ginang at ngumiti. "Thank you for being here."
"Of course. I'm always here, that's a given and you don't need to thank me for that." gumanti ito ng yakap.
"Wait," kumalas si Lianne na para bang may biglang naalala. "Where's dad nga pala?"
Bumakas ang dismaya sa mukha ng dilag nang makitang natigilan ang step mother niya. "He's not coming, is he?"
Umiling ang ginang. "Busy siya overseas hija. You know your father, workaholic." paglilinaw nito sa kanya.
Dismayado man ay idinaan na lang niya sa ngiti ito. Nasanay na siguro siya sa inaasal ng ama. Ever since her biological mother died, he's been very distant towards her. Siguro'y dahil na rin naaalala nito ang kanyang namatay na ina sa kanya. Seeing her would constantly remind his dad of the pain.
"You do understand your dad, right Lianne?" paninigurado ng ginang sa kanya.
"Yes, definitely." tipid niyang sagot.
"I better go, Ma. Kailangan ko pang i-entertain ang guests." pagdadahilan niya, ngunit sa totoo lang ay ayaw niyang makita nito ang lungkot na nadarama niya ngayon.
"Okay, hija. Take your time." nakangiting sambit ng step mother niya at muling nakipag-beso sa kanya.
Mabilis na iwinaglit ng dalaga ang dismayang namamayani sa kanyang isipan. Hindi ito ang dapat niyang pinagtutuunan ng pansin ngayon. This is her night. The night of her overwhelming success and fortune. This is not the right time to think about her father's issue.
Taliwas sa ipinaalam niya sa kanyang step-mother, hindi nagawa ni Lianne na makipag-usap at libangin ang mga bisita sa studio. Sa halip, dahan-dahan niyang tinahak ang direksyon kung saan naka-display ang kanyang ipinintang larawan na tinawag niyang Clara. Maraming tao ang nakakumpol sa paligid nito kaya't ang tanging nagawa niya na lamang ay tanawin ito mula sa malayo.
Sa hindi niya malamang kadahilanan, tuwing tititigan niya ang larawang ipininta'y nawawala nang parang bula ang lahat ng negatibong nadarama niya.
Oo, siya nga ang puminta sa larawang ito, ngunit kahit kailan ay hindi niya inakalang pati siya ay mahuhumaling at mahihiwagaan dito.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" isang tinig muli ang pumukaw sa kanyang pag-iisip, kasabay nito ang isang kamay na humawak sa kanyang balikat na halos magpa-talon sa kanya sa gulat.
"Oh? Nagiging magugulatin ka na ata, 'couz?"
Namilog ang mga mata ng dilag nang lingunin ang pinanggalingan ng boses . "J-jems!" usal niya at agad na sinalubong ito ng yakap.
"Andito ka rin pala." galak niyang sabi.
"I wouldn't miss this for the world, Lianne." masayang sagot nito.
"And besides, sino bang hindi mapapasugod dito after I heard that you're the new female version of Leonardo Da Vinci in town 'di ba?"
Natawa na lang ang dilag at mahinang ihinampas ang palad sa braso ng pinsang si Jems. "Stop over reacting, Winter Jem. I still have a long way to go." saad niya.
"Enough of being humble. Alam ko namang mas matindi pa ang mga natatanggap mong papuri kaysa dito." pangangantyaw nito at siniko siya.
"Speaking of it, I really like this master piece."
"Master piece? Which one?" tanong ng dilag.
"That one. Clara." sagot ni Jems at itinuro ang malaking larawan.
"It gives off a mysterious feeling. Paano mo napinta 'yan, Lianne?" interesadong tanong ng pinsan.
"Hindi ko rin alam." malumanay niyang sagot.
"Ang alam ko lang, iyon lang ang naaalala kong pangalan matapos naming maaksidente ni mommy noon - at nawala ang ala-ala ko, seven years ago."
Unti-unting napawi ang matamis na ngiti ni Lianne sa gitna ng paggunita sa aksidenteng iyon. Agad naman siyang inalo ni Jems, batid kasi nito ang mga pinagdaanan niya mula noong mamatay ang kanyang ina sa aksidente habang kasama siya.
"Lianne. I'm sorry, hindi ko sinasadyang ipaalala sa'yo." paghingi ng tawad nito at inalalayan siyang maka-upo sa pinaka-malapit na silya sa kinatatayuan nila. Inabutan siya nito ng tubig.
"Are you okay?"
Mabilis siyang lumagok ng tubig at tumahimik ng ilang sandali bago muling bumaling sa kanyang pinsan. "I'll be fine. Huwag ka nang mag-alala." tugon niya at sinubukang tumayo ngunit tila umikot ang kaniyang paningin.
Muli siyang napaupo saka sinapo ang kaniyang sumasakit na ulo.
"I don't think na okay ka. I need to bring you to the hospital. Halika na." matigas na paninindigan ni Jems na nababakas na ang pagaalala sa mukha.
Hinawakan nito ang kamay niya para dalhin siya palabas ng studio. Akma na silang hahakbang nang biglang namatay ang ilaw.
"Ah!" maririnig ang hiyawan ng mga bisitang nagulat sa biglaang kadiliman
Hindi na naramdaman ni Lianne ang kamay ng pinsan na kanina'y nakahawak sa kanya. Imposible din naman niyang mahanap ito bunga na rin ng madilim na kapaligiran at kumikirot niyang ulo. Mas minabuti niyang huwag na lang gumalaw sa kinatatayuan niya kahit na nagkakagulo ang lahat.
Maya-maya'y isang kamay ang naramdaman niyang humagip sa kanyang beywang. She wasn't able to do anything. Pinilit niyang manlaban ngunit dahil sa panghihinang naramdaman kanina'y tila unti-unti na siyang nawawalan ng malay. Ang huli na lang niyang narinig ay ang mga hiyawang halos bumingi na sa kanyang tenga at ang paghinga ng misteryosong taong bumubuhat sa kanya ngayon palayo.