3rd Person's POV PAST Kayumangging taluktok, nakasisilaw na liwanag mula sa bukas na pintuan, berdeng tabiki, at matinding katahimikan mula sa kapaligiran, ang bumungad kay Aila nang imulat nito ang kanyang mga mata. Mabilis siyang binalot nang pagtataka, nang makita niya ang kanyang sarili na nakahiga sa isang papag na tanging banig lamang ang nakasapin. Naninibago man, ay mas pinili niya ang manahimik at makiramdam. “Oh, gising ka na pala, Hija. Nako, kagabi pa namin hinihintay ang pagkakataong ito.” Natigilan si Aila nang marinig ang nagsalitang 'yon. Muli siyang binalot nang pagtataka dahil sa tinig na nagmula sa isang babae. Hindi iyon pamilyar sa kanya, kaya lilingon sana siya roon, pero hindi ito nagtagumpay sa kanyang nais dahil sa biglaang naramdaman nito. “Hmm . . ." Hi