ALYSSA
"No, no Besh. Don't do it again. Please?" bigla naman akong napalingon dun sa kausap ko dahil nag-iba yung tono ng pagsasalita nya.
"Do what?" takang tanong ko sa kanya.
"That."
"That?" I really don't understand what she's talking about. Bakit kasi hindi na lang straight to the point diba?
"Seriously Alyssa? Hindi mo alam yung ibig kong sabihin? Or baka naman you're just acting na hindi mo alam?" mas lalo syang naging seryoso habang sinasabi yon.
"Pots, I've no idea talaga, promise!"
"Alyssa Valdez ha!" napangiti naman ako dahil binuo talaga nya yung pangalan ko.
Knowing Ella, kapag ganyan na sya, medyo naiinis na sya sakin. Malamang kilalang-kilala ko yan, 5 years old pa lang kami, super bestfriends na talaga kaming dalawa, and hanggang ngayong college days, ganun pa rin. Ewan ko ba, sabi ko nga sa kanya, sawa na ako sa kanya pero buntot pa rin ng buntot sakin. Kamusta naman na bukod sa pareho na kami ng school, pareho pa kami ng course diba? Hindi lang yon, pareho din kaming kasama sa volleyball team ng ADMU at sa iisang dorm din kami nakatira. Mabuti na lang talaga at hindi kami magkasama ng kwarto nyan, ayoko naman kasing pamugaran ng langgam yung kwarto namin dahil sa dami ng pagkain na tinatago nya sa cabinet nya.
"Wow, buo talaga yung name ko Pots ha. So seryoso talaga 'tong pinag-uusapan natin." Nakangiti pa ring sabi ko.
Pero dagli ding nawala yung mga ngiting yon nung marinig ko yung sunod nyang sinabi.
"Den." Whoa! And with just a word, naramdaman kong nanigas ako sa kinauupuan ko. Pero dahil ayokong makahalata si Ella, pinilit kong magsmile lang sa kanya. Habang sya naman, mataman lang akong tinitingnan at inoobserbahan yung magiging reaction ko.
C'mon Alyssa, relax. Si Ella lang yan. Makakaya mo syang paniwalain sa lahat ng sasabihin mo sa kanya. Smile Ly, smile.
"So, bakit nadamay dito si Besh Den?" painosenteng tanong ko. Yes Ly, you're doing good. Tuloy mo lang yan.
"Why are you pushing her kay LA?"
Mas lalo ko namang ginalingan yung pag-arte ko.
"Me? Pushing Den kay LA? C'mon Besh, why will I do that?" pagmamaang-maangan ko pa.
Btw, yes, I am doing everything para lang maging 'couple' si Besh Den and LA Why? I do have my reasons. I just don't want to elaborate them. Pero para kay Den naman yon eh. Para maging masaya na sya.
"You tell me Ly. You're the only one who can answer your question. So tell me. Why are you pushing Den away?"
"Ella, how many times do I have to tell you na hindi yun yung ginagawa ko. First of all, lumapit sakin si LA at humingi ng tulong para mapalapit kay Den, and as a friend, tinulungan ko sya. Pero, I asked her first kung okay lang and she said yes. Pots, if Den is not interested kay LA, she should've said no diba?"
"Dahil napasubo na sya. Besh, tinanong mo sya sa harap mismo ni LA. Papa'no pa sya makakatanggi diba? Oo alam natin may may konting kamalditahan si Den pero never syang nagpahiya ng tao sa harap ng maraming tao."
"Fine. May kasalanan ako don. Pero Besh---"
"Enough Alyssa. Sa tagal nating magkakilala, alam ko na yang ginagawa mo. Alam na alam ko yung dahilan kung bakit ka nagkakaganyan." Nailing na sabi nya. "Ginawa mo na yan dati eh. Kay Shiela. Ganyan-ganyan din, super close din kayong dalawa tapos biglang-bigla mo syang ipinagtulakan kay Ara." Sabi pa nya.
Nagkibit-balikat lang naman ako.
"Well, look at them now. Diba hanggang ngayon sila pa? And kitang-kita ko yung saya sa mga mata ni Shiela habang nakatingin kay Ara."
"Yeah, after nyang makamove on sa'yo. Mabuti na lang talaga, nandun si Ara para saluhin sya. Besh, you made her fall for you pero hindi mo sinalo. And what's your reason again? Hindi ka pwedeng mainlove kay Shiela dahil babae sya."
"Tama naman diba?"
"Fck Alyssa! Just fck! Nakita ko kung papa'no mo alagaan at tingnan si Shiela non, alam kong pareho kayo ng nararamdaman sa isa't-isa pero you pushed her away! Iniwasan mo sya. Hinayaan mong mapalapit sya kay Ara. Akala mo ba hindi ko alam na araw-araw kang umiiyak dahil sa ginawa mo? Ly, lumapit sa'yo non si Shiela at nagtapat pero anong sinagot mo? Na hindi kayo pareho ng nararamdaman sa isa't-isa, na ibaling na lang nya yung nararamdaman nya kay Ara dahil hindi mo kayang magmahal sa tulad mong babae." Kita ko yung galit nya habang sinasabi yon.
"How'd you---"
"I was there. Nakita ko kung papa'no mo pinagsusuntok yung puno after ka nyang iwan mag-isa. Alam mo bang gusto kitang lapitan nung time na yon para sapakin para at least matauhan ka at sundan si Shiela pero sabi ko nga, kung yan yung gusto mong mangyari, wala na akong magagawa. Hindi naman ako yung masasaktan diba?"
"Besh, I, I-" Ugh! I don't know what to say. Think Alyssa, think!
"It's okay Besh. Sabi mo nga, tama yung desisyon mo dahil masaya na sya ngayon kay Ara."
"And isa pa, kami na ni Jovee nung time na yon." Good thinking Ly. Ang talino mo talaga.
"Isa pa yan. O, nagtagal ba kayo ni Jovee? Hindi diba? Kase hindi mo naman talaga sya mahal. Kase, ginamit mo lang sya para alisin sa puso mo si Shiela. O diba? After ilang months nakipaghiwalay sya sa'yo? Ang sabi nya, mas okay na friends na lang kayo dahil parang ganun din naman daw yung turing mo sa kanya. Nothing more, nothing less." Hay! Bakit ba kasi ang daming alam nitong si Ella?
"Minahal ko sya."
"Bilang kaibigan, oo. Pero hindi mo sya minahal bilang boyfriend mo."
"Well at least, you have him now. And happy ka din sa kanya." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Whatever Ly, hindi kami ni Jovee yung pinag-uusapan dito. Ikaw at yung pagpupush mo sa mahal mo sa ibang tao."
"Si Shiela pa rin naman yung tinutukoy mo dyan no?" paninigurado ko sa kanya.
"Nope. I'm talking about Den. You like her diba?"
Bigla naman akong napaayos ng upo dahil sa sinabi nya. Ly, just answer her question. Sabihin mong hindi.
"Of course." What the hell? Nakita ko namang napangiti sya sa sagot ko. "I mean, yeah I like her as a person. Hindi ko naman sya magiging bestfriend din kung hindi diba?" Hooo! Buti na lang.
"C'mon Ly, alam mong hindi lang yun yung ibig kong sabihin."
"What do you mean? Pots, straight to the point please."
"Ang ibig kong sabihin, you, uh, like her. Like as in like. Gusto mo sya. Like, magkakaroon kayo ng commitment and everything."
And because denial queen ako. Malamang, tatanggi ako ako dyan.
"NO BESH! Not in my wildest dream!" well, medyo tumaas ng isang octave yung boses ko. Syempre, nagdedeny ako eh.
"Ay oo nga naman, mali nga naman ako. Hindi nga pala LIKE lang yung nararamdaman mo kay Den. You LOVE her, diba?"
"Yeah. Uh I mean, not in a romantic way diba? Parang sisterly love. Para yung sa'ting dalawa lang Pots." Sabay ngiti sa kanya.
No way. As in never nya akong mapapaamin ng totoong nararamdaman ko for Dennise. And isa pa, totoo naman yung sinabi ko eh. Wala akong romantic feelings for Den. Diba, diba? Sabay hawak ko sa bandang dibdib ko. Leche kase, ang bilis ng t***k, nasstress ako, ayaw makisama.
"Ulol mo Besh! Anong parang sa'ting dalawa? Hoy! Hindi ganun yung way ng pagtingin mo sakin no? Na para bang sya lang yung nakikita mo. Iba yung ningning ng mga mata mo Besh, mas malala yung ngayon, kesa nung kay Shiela. At hindi mo ako dinadalhan ng breakfast in bed at pinagtitimpla ng kape with love, araw-araw no! And hello, yung mga yakapan nyo, at kandungan nyo na parang kulang na eh magkiss kayo sa harap namin, ginagawa mo ba sakin? Hinde diba? Kase, iba ako, iba si Denden. Pwede ba Ly, wag ako, wag ako yung paniwalain mo sa ganyan." Natatawang sabi nya.
Oo na, clingy naman kasi talaga si Den, at sino naman ako para tanggihan yon diba? Pero hello, alam ko na wala lang sa kanya yon. Straight kaya yon. Naalala ko pa yung pagluluksa nya nung nakipaghiwalay sa kanya si Myco no! So sure na sure ako na walang malisya yung ginagawa nya sakin.
"Besh, that's just pure sisterly love." Natatawa ding sabi ko.
"Pwede ba Besh, for once nga, maging totoo ka naman sa nararamdaman mo. Ikaw na naman yung masasaktan dyan sa ginagawa mo."
"Besh, walang masasaktan dito. Magiging masaya tayong lahat."
"Ly, loving a girl is not a sin. Hindi naman kasalanan kung magmamahal ka ng kapwa mo diba? Kung nagkakaganyan ka dahil akala mo hindi ka namin matatanggap, well, mali ka don. Tanggap na tanggap kita Ly, kahit ano ka pa." nakangiting sabi pa nya.
"Pots, makinig ka ha. Seryoso 'to. Hindi ako inlove kay Den. Hanggang bestfriend lang talaga yung tingin ko sa kanya. Halos pareho lang kayo, magkaiba lang ng level. At kahit kailan Besh, hindi ako maiinlove sa babae. Hindi pwede." Seryosong sabi ko.
"At bakit hindi pwede?"
"Dahil straight ako."
"Yeah right. Tell that to the marines!"
"Walang marines dito Pots. Pwedeng sa pagong na lang?"
"Ly-"
"Pots please. Maniwala ka naman sakin."
"Iba kasi yung sinasabi mo sa ikinikilos mo eh. Why can't you just accept the fact na inlove ka sa babae at sa bestfriend pa natin."
"Because I AM NOT INLOVE WITH HER."
Umiling-iling na lang sya habang disappointed na nakatingin sakin. Sorry Els, hindi ko pa talaga kayang sabihin sa'yo. Saka na kapag kaya ko na. Or kapag nawala na din sya sa puso ko.
"Fine. Kung yan talaga yung sagot mo, okay. Tatanggapin ko yan sa ngayon. Pero nandito lang ako lagi ha. You can tell me everything. As in everything. Ano ba naman yung 16 years na tayong friends diba para hindi kita maintindihan."
"Promise Pots. Sasabihin ko sa'yo lahat when the right time comes." Nakangiting sabi ko.
"And kung wala naman talaga sa'yo at hindi ka naman pala magseselos, okay lang naman siguro kung susunod sa'tin dito sila Den and LA diba?" at literal na nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. Ano daw? Susunod samin dito yung dalawa? Why?
"What? Akala ko ba may date sila? Diba first date nila 'to? Bakit kailangan nilang pumunta dito? Mas maganda diba kung magsosolo na lang sila?" sunud-sunod na tanong ko.
"Wow Besh, hindi ka nga masyadong apektado na pupunta sila dito. Ang konti ng tanong mo eh. Bakit di mo dagdagan?"
"Eh kase hello, first date nila yon. Bakit kailangang dito?"
"Aba ewan ko dun sa 'bestfriend' mo! Hindi nya ata kayang mawalay sa'yo." Tukso nya pa sakin.
"FUNNY Ella, FUNNY."
"Okay lang kasi yon Besh, at least libre yung pagkain natin diba?" sabay wiggle ng mga kilay nya.
"Ayun, dahil pala sa pagkain."
"Joke lang. Si Denden kase ang kulit, kanina pa text ng text kung nasaan ka. Tapos sabi ko nga magkasama tayo. Nagtatanong pa kung may iba daw tayong kasama. Sabi ko nga tayong dalawa---"
"Ehem!" hindi na natapos ni Ella yung sasabihin nya dahil biglang may tumikhim sa may harap namin.
Napangiti naman ako ng makilala kung sino yung nagpapansin saming dalawa.
"Mr. Ravena, anong ginagawa mo dito?" nakangiting tanong ko.
Hindi na ako nagulat nung inabot nya sakin yung hawak nyang bouquet ng Ferrero. Alam nya kasing hindi naman ako mahilig sa flowers.
"For you, my phenom." Pa-cute pa nyang sabi.
"Thanks!" nakangiting sabi ko.
Nakita ko naman na nagniningning yung mata ni Ella habang nakatingin sa Ferrero. Sigurado akong mamaya, sa byahe pa lang, ubos na agad 'to.
"So, kayong dalawa lang ba yung nandito ngayon o may hinihintay kayo? Okay lang ba kung makikisali ako sa mumunting date nyo?" nakangiting tanong pa ni Kief saming dalawa.
"Okay lang King phenom! Join ka lang." sabi ni Ella
At syempre walang sinayang na sandali si Kiefer at agad na umupo sa tabi ko.
"Sure na okay lang ha." Panigurado nya.
"Oo nga. Hinihintay lang naming sila Den and LA eh, pero parating na rin yon."
And right on cue, nakangiting pumasok yung taong dahilan kung bakit hindi normal yung pagtibok ng puso ko. Well, syempre, kasunod nya si LA pero parang hindi nya pinapansin dahil palinga-linga sya na halatang may hinahanap.
Paglingon nya sa may side namin, biglang nawala yung ngiti nya at napalitan ng pagtaas ng kilay. Nagtatanong ang mga matang tumingin kay Ella pero ang bruha, nagkabit-balikat lang.
Ewan ko kung ako lang ba o talagang parang may madilim na aura na nakapalibot ngayon kay Den habang naglalakad papunta samin. At ang sama ng tingin sakin ha. Nasaan na yung ngiti nya kaninang pagpasok nya?
Ugh! What the hell did I do?!