ALYSSA "And where do you think you're going Valdez?" mahinahon lang yung pagkakatanong nya pero ewan ko ba kung bakit parang mas natakot ako don. Dahil nga kasi dun sa kasalanan ko, pinilit kong bumawi sa kanya ngayon. Sabi nga kasi namin, hindi kami maghihiwalay diba? And yun nga yung nangyari. Mula pa kanina, hawak-hawak lang namin yung kamay ng isa't-isa. Grabe nga yung panunukso ng mga kasama namin pero parang balewala lang yun kay Dennise. Nakikisali at nakikisakay pa nga sya minsan. Adik lang din eh. Kaya ayoko syang nagsasasama sa mga kaibigan ko eh, malamang sa malamang, mahahawa sya sa kalokohan ng mga yon. So yun nga, habang naglalakad-lakad kami, nakasalubong namin yung mga Lady Bulldogs. May team building daw kasi sila dito. Niyaya sila nila Ella na maglunch and pumayag nama