DEN "So, how'd the 'date' go?" Napailing ako nung nakita kong naka-smirk si Fille habang nagtatanong. And I'm pretty sure na hindi yung date namin ni LA yung tinutukoy nya sa tanong nya na yan. Kanina pa nya ako kinukulit na pumunta dito sa condo nya para magkwento. Hindi nga dapat ako pupunta dito dahil tinatamad ako kaso umalis naman si Alyssa after ng training so wala din naman akong gagawin sa dorm. "It was good. Great actually. Halos buong gabing magkahawak yung kamay namin and nasa'kin halos yung attention nya and vice versa." nakangiting sagot ko naman. "And okay lang sa kanya yon? I mean, kilala naman natin si Alyssa, ayaw nyang maissue kayong dalawa diba? And hello, magkaholding hands kayo habang nasa public place." natawa ako sa reaction nya dahil hindi talaga sya makapaniwala