ALYSSA "Anong real score sa inyong dalawa ni Denden?" Napatingin naman ako kay Mika after nya itanong yon. Nandito ako ngayon sa dorm nila eh, niyaya ako nila Ara and Kim na uminom dito. Ewan ko ba sa mga 'to, kung kelan may laban sila bukas sa N.U, saka gumaganito. Pag sila lang talaga natalo bukas, ewan ko sa kanila. "Bestfriends kami." maikling sagot ko sa kanya. Ewan ko ba, iba yung feeling ko dito kay Mika eh. Para kasing iba yung tingin nya minsan kay Denden kapag magkakasama kami or kahit kapag magkalaban yung teams namin. Naalala ko pa nga nung minsang nagkamali ng bagsak si Denden, mas nauna pa syang lumapit kesa sakin. Halata sa mukha nya yung pag-aalala. Muntik na ngang sya yung magbuhat non kay Den eh, kung hindi ko pa sya pinigilan. "Sure yan?" tanong pa nya. Nakatingin l