Prologue
// SEREN'S POV //
Kinusot ko ang aking mata ng magising ako. Agad akong bumaba sa first floor ng bahay namin. Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Sobrang tahimik ng buong bahay, walang katao-tao sa buong paligid. Siguro nasa office na naman niya si Mama. Abala marahil sa trabaho nito.
My Mom is a writer. Sikat siyang manunulat, maraming bumibili ng librong sinusulat niya. Kahit ano'ng sulatin nito at i-publish kumikita. Siguro talent na talaga ni Mama ang paglikha ng mga kwento. Masaya ako dahil mas nakikilala ang mga gawa ni Mama, supportive ako pagdating sa trabaho niya. Madalas ako ang unang pinapabasa nito bago tuluyang ibigay sa publisher niya.
Ayoko lang ng mga ending niya, too much happiness. Hindi dahil ayoko ng may masasayang ending ha. Masyado lang OA, feeling ko hindi lahat nakakarelate sa ending ng kwento. Hindi naman lahat happy ending ang relasyon, diba? Hindi naman lahat masaya ang dulo. Para sa akin, mas tumatatak ang ending kapag malungkot.
Nang matapos akong uminom ay napagpasyahan akong bumaba sa office ni Mama. Nagmumukhang library ang basement namin dahil sa dami ng libro, may malalaking bookshelves sa loob ng basement. Dito inilalagay lahat ng gawa ni Mama, nandito rin ang mga awards na nakukuha niya dahil sa pagsulat. May malaking family portrait sa office niya, doon lang ata nakumpleto ang pamilya namin.
Napabuntong-hininga ako ng hindi ko matanawan si Mama sa office niya. Mukhang umalis ito at hindi sinabi sa akin kung saan siya pupunta. Inilibot ko na lamang ulit ang office ni Mama, malaki ito dahil buong basement ang ginawang office niya. Kailangan din namang malaki dahil sa dami ng libro at awards na nakuha ni Mama.
Napatingin ako sa isang award ni Mama. Naalala ko noon tuwang-tuwa si Mama no'ng makuha niya ito. Halos maiyak pa siya habang nagbibigay ng speech. Muntik pa nga'ng mahulog dahil sobrang panginginig niya. Nakuha niya ito ng sulatin niya ang libro niya, Eclipse.
It was a romance story, about the boy who fell in love with the most beautiful girl in the world and it was Soleil. Maraming naging hadlang sa pagmamahalan nila, but in the end nagkatuluyan din sila. Pero sa iba'ng mundo na, the boy wrote a different story wherein both of them fell in love with each other. It was tragic yet beautiful, a happy ending.
Nabasa ko ito bago i-publish ni Mama. Masyadong tragic ang story para sa akin pero nagustuhan ko naman. I am into tragic stories. Gusto ko naiiyak ako, gusto ko nasasaktan ako. Mas gusto kong sumasakit ang puso ko dahil sa eksenang nakakaiyak kaysa naman puro saya.
Kinuha ko ang librong unang sinulat ni Mama. Gusto kong masaktan kahit sa dulo ay naging masaya naman sila. Maganda ang impact ng kwentong ito hindi dahil si Mama ang nagsulat kundi dahil maganda talaga. Ito'ng librong ito ang pinakatumatak sa isipan ko. Masyadong masakit ang character ng second lead sa kwento, nakakairita rin kung tutuusin.
She stayed, kahit sobrang sakit nag-stay pa rin siya. She loves him so much that it cause so much pain and it sucks. Bakit hindi na lang siya lumayo kung nasasaktan naman pala siya, hindi ba? Bakit hindi na lang niya iniwan yung lalaki kung sakit lang pala ang idudulot nito sa kanya? Why would she stay all this time for him kahit alam naman niyang hindi siya mamahalin pabalik? Bakit masyado siyang martir?
I hate her character. Sa lahat ng character na ginawa ni Mama ito ang pinakaayoko. Masyado siyang nagpakatanga sa pag-aakalang mamahalin siya ng lalaki pabalik. Kung ako ang nasa pwesto niya, hindi ko hahayaang masaktan ang sarili ko ng sobra. I won't hesitate to leave him if he only cause pain.
Isinara ko ang librong binabasa ko. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa office ni Mama. Hindi ko namalayan ang oras, it's 7pm. It's dinner time pero hindi pa rin umuuwi si Mama. Siguro ay kakain na naman akong mag-isa. Iniwan ko sa table ni Mama ang librong hawak ko kanina at agad na lumabas ng office nito.
Muli akong bumalik sa kusina para magluto ng dinner. Kumuha ako muli ng inumin sa ref. As if on cue, bigla na lamang nagbago ang paligid ko. It wasn't the same as before. Nabitawan ko ang hawak kong baso sa sobrang pagkabigla. Ang dating estilo ng kusina namin ay biglang napalitan, kasing laki pa rin ng dati pero iba na ang disenyo. Lahat naiba pati na rin ang sala namin.
"Ano'ng nangyayari?" naguguluhan kong tanong.
Aalis na sana ako ng kusina dahil baka namamalikmata lamang ako ng isang hindi pamilyar na tao ang humarang sa akin. Babae ito, nakaputing bestida, balingkinitan, mahaba ang kulot na buhok at.... maganda.
"Hi!" masayang bati nito sa akin.
"Si-sino ka? Paano ka nakapasok sa bahay namin? Ano'ng nangyayari?" sunod-sunod kong tanong dito.
"I'm Celeste," nakangiti nitong inilahad ang kamay sa akin. Magpapakilala na sana ako ng pigilan niya ako gamit ang daliri niya. "Shhh. You don't need to introduce yourself. I know you."
"Pa-paano?"
Hindi niya ako sinagot at hinila na lamang ako papunta sa office ni Mama. Hindi iyon office it was a normal basement. Wala na ang naglalakihang shelves, wala na ang mga awards ni Mama, wala rin ang mga libro pati na rin ang family portrait namin.
"Remember the book you read earlier?" tanong nito sa akin habang nakatingin sa sahig.
I saw a familiar book, yung librong sinulat ni Mama! Agad kong kinuha iyon at tiningnan. Walang pinagbago, gano'n pa rin ang book cover pati na rin ang pangalan ni Mama. Napangiti ako habang nakatingin dito, pero na saan si Mama? At ano'ng meron sa librong to?
"Remember how you felt for the second lead, Seren?" napatingin ako kay Celeste. Nakangiti pa rin siya sa akin. "Masyado mo'ng inuunderestimate ang nararamdaman nito."
"What?" ano ba'ng sinasabi niya? Ano'ng underestimate?
"You told yourself that it was sucks to be the second lead. Na kung ikaw ang nasa posisyon niya ay hindi mo gagawin ang ginawa niya. You will never stay," nawala ang ngiti nito at napalitan ng pagkaseryoso.
Paano niya nalaman? Nasa isip ko lamang yon!
"I can read you, Seren. I know what you're thinking right now. I know what you said, I know what you felt towards the second lead. I know everything," muli nitong sambit.
"Oo, sinabi ko nga 'yon. I won't deny what I said, ano namang kinalaman no'n sa nangyayari ngayon?" naguguluhan kong tanong.
Tumingin ito sa librong hawak ko kaya naman napahawak ako ng mahigpit dito.
"I grant you the chance to feel what Tala felt, Seren. In this world, you will be Tala. The second lead. The girl who stayed, the girl who hurt her heart because of love."