NAGPATULOY ang mga palaro para sa dalawang grupo na naglalaban. Sa tuwing natatapos nila ang laro ay binibigyan sila ng aral ng mga natural Camp Ranger. Maya-maya rin ay pinababalik sila sa bamboo house upang kumain. Nagpunta sila sa isang nakasarang mapunong lugar na pagmamay-ari rin ng Ricoland Resort. Doon ay gagawin ang huling laro para sa araw na ito. Alas kwatro pa lamang ng hapon kaya naman maliwanag pa sa pinasok nilang tinatawag na Green Land. Bago magsimula ay ipinaliwanag ang mechanics ng huling laro at ito ay ang pagsagot ng bawat bugtong na kanilang susundan at hahanapin sa loob ng kagubatan. Si Seki ang namuno sa grupo niya at sa kabila naman ay si Cross. Sila ang tumayo sa gitna at bumunot ng unang bugtong na dapat sagutin. Ang sagot ay siyang kanilang magiging daan upang ma