TUMAWAG ako sa bahay para sabihing hindi ako makakauwi, nanatili naman sa labas ng silid ni Hades ang aking bodyguard. Sinubukan ko siyang papasukin ngunit tumanggi siya, bumili na rin siya ng sariling makakain at doon na lamang nanatili. Dahil sa bodyguard ko ay hindi na tumanggi at nangulit pa ang Mom tungkol sa nangyari kung bakit kailangan kong manatili at magbantay ng isang may sakit na kaibigan. May dala akong ilang damit sa loob ng sasakyan, kinuha ko ito at nagpalit dahil buong araw ko nang suot ang school uniform ko. Bumalik ako sa isang upuan na inuupuan ko kanina, iniusog ko ito papalapit sa kama niya. Hanggang ngayon ay nakaupo pa rin siya sa kaniyang kama at tahimik. Dalawang oras na ang nakalilipas nang matapos siya kumain, kanina ko lamang siya nakausap at ngayon naman ay