NANG MAKARATING kami sa bahay at maiparada ang sasakyan ay agad kaming bumaba ni Sere, ako na ang bumuhat sa babae. Bago kami pumasok ay sinigurado muna ni Sere na wala na talaga ang mga magulang namin sa loob ng bahay, nang masiguro ay kaagad kaming pumasok sa loob at inihiga ang babae sa couch. “Oh! What the fvck is that!?” gulat na tanong ni Daphnise nang bumaba siya at makita kami ni Sere sa living room kasama ang isang babaeng duguan. “Who is she!?” Dali-dali siyang lumapit sa amin at tinignan ang babae. “She has her pulse, let's call a doctor from Seven Dwarf,” Sere said, ngayon ay kalmado na siya habang diretsong nakatayo. “No, we can't. Mom and dad was there. Tinawagan ko na si Zeus, I know he has knowledge of medicine. His mom is a doctor. Antayin nalang natin siy—” Napahint