PAGTUNGTONG ng alas nuebe ng gabi ay kaagad akong bumangon sa kama. Nagmamadali akong nagpalit ng damit at lumabas ng kwarto. Nakapatay na ang ilang ilaw sa hallway maging sa ibang parte ng bahay. Dad doesn't have work today, every time he's off, my parents sleep too early. Alas otso pa lang ay nasa kaniya-kaniyang kwarto na kami. Nagpunta ako sa kwarto ni Sere, binalak ko sanang kumatok ngunit nang mapansin kong nakabukas ang pintuan ng kwarto n'ya ay hindi na ako kumatok pa. Pumasok ako sa loob at agad siyang hinanap. I couldn't find him anywhere. “Seki,” Daphnise called my name with a very faint-voice. Pumasok siya sa loob ng silid at tulad ko'y hinanap din niya si Sere. “Where is Sere? I thought we're leaving tonight?” “Hindi ko rin alam,” I replied, I took out my phone to call him